Chapter 13

155 3 0
                                    

“Hindi na ba masakit yang kamay mo?” tanong ni Victor kay Candice nang makita siya nitong naghahanda ng mga damit na lalabhan. Kakabihis lang nito at handa nang pumasok sa bago nitong trabaho bilang bantay ng isang computer shop sa mall.

“Okay na ako. Medyo nasanay na ako sa tapang ng sabon. Tsaka konti lang naman tong labahin." sagot niya dito.

"Puwede namang ako ang maglaba niyan bukas."

"Masyado mo akong iniispoiled. Hindi ako matututo ng mga gawaing bahay kung hindi ko susubukan."

"Ang sa akin lang naman ayokong masugatan uli yang kamay mo o maaksidente ka. Nung nakaraang araw nasunog mo yung uniform ko nung nagplantsa ka. Natutong din yong niluto mong sinaing. Napaghawa mo rin yung kulay ng labada."

"Nag-aalala ka ba sa akin o nagrereklamo ka?" Nakasimangot niyang tanong dito.

Ngumiti ito at niyakap siya. "Huwag ka nang magtampo alam ko namang ginagawa mo ang lahat para matuto. "Pero konti pa lang gamit natin. Baka di pa tapos ang buwan sira na lahat." Biro nito.
"Nagrereklamo ka nga." Sa inis ay pinalo niya ang balikat nito. Tumawa lang ito nang malakas.

"Nakakainis ka." Pero ang totoo ay sa sarili niya siya naiinis dahil puro kapalpakan ang mga nagagawa niya.

"Sorry na. Ganito na lang tuwing day-off ko tuturuan kita."

"Eh halos wala ka namang day-off. Mamaya nga sasideline ka pa sa pagmamaneho ng jeep. Madaling araw ka na naman makakauwi."

"Alam mo namang kailangan nating mag-ipon. Mag-aaral ka pa next sem."

"Sabi ko naman sayo puwede naman akong magtrabaho. Siguro naman may mahahanap ako."

"Sigurado naman yon pero hayaan mo muna akong magbanat ng buto para sa ating dalawa. Tsaka alam ko namang nahihirapan kang mag-adjust. Ang payat mo na nga tsaka nitong mga nakaraang araw lagi kang maputla at nahihilo."

"Hiluhin naman talaga ako. Tsaka matagal ko naman nang gustong mawala tong mga baby fats ko. Kita  mo di ko na kailangang magslimming pills." Dahilan niya dito.

"Kailangan mo pa ring alagaan ang sarili mo."

"Oo na. Sige na pumasok ka na baka malate ka pa." Taboy na niya dito. Hindi niya gustong napag-uusapan nila ang hirap ng pag-aadjust niya sa simpleng buhay dahil alam niyang nagiguilty ito.

After he kissed her goodbye ay umalis na nga ito. Sandali niyang binabad ang mga labahin. Pero ilang saglit pa ay naligo at nagbihis na siya. Lingid sa kaalaman nito ay napagpasyahan niyang mag-apply ng trabaho. Nalaman niya sa kapitbahay na kailangan ng sales lady ang isang shoe store malapit sa kanila. Bahala na kahit magtampo pa sa kanya si Victor. Alam naman niyang pagbibigyan din naman siya nito kapag natanggap siya.

Isang sakay lang ng jeep ang layo ng shoe store kaya mabilis niya yung narating. Isa sa mga natutunan niya recently ay ang magcommute gamit ang public transpo. Sumasama syang mamalengke sa isa nilang kapitbahay para makabisado niya ang kanilang lugar at pakikisama na rin.  She knows she have to carry her own weight if she wants to be with Victor.

Nang makapasok na siya sa shoe store ay nakahinga siya ng maluwag. She likes shoes. Seeing beautifully designed shoes makes her happy. She used to own atleast a hundred pair of shoes. ilang minuto pa lang siya sa loob she already feels like she belongs here.

Lalo pa siyang natuwa when she saw a pair of leather shoes. Matagal na niyang gustong bilhan si Victor ng bagong sapatos dahil pudpod na ang sapatos nito. Yun nga lang ay ayaw nitong tumanggap ng mamahaling regalo mula sa kanya. Kinuha niya yung sapatos and thought na malamang kapag pinag-ipunan niya mismo ang ipambibili niya ay tatanggapin na nito ang regalo niya.

She was looking at the price tag when a sales lady approach her from behind.

"Good morning Miss, can i help you?"

Nakangiting hinarap ito ni Candice pero bigla ring napalis ang ngiti niya nang makilaLa niya kung sino ito, si Jessie. Halatang nagulat din ito pero mabilis itong nakabawi.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito.

Hindi siya agad nakasagot. Sasabihin ba niya ang totoo that she's applying for a job or she'll just walk away like nothing happened.

Pero bago pa man siya nakapagreact ay nagsalita na uli ito. "Huwag mong sabihing dito ka na namimili. Ang laki naman yata ng binaba ng budget mo." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. At doon na niya nakita ang pagtataka sa mukha nito.  Sa unang pagkakataon ay mas maayos ang postura at pananamit nito kesa sa kanya.

"At anong nangyari sayo?"

"None of your business." Mataray niyang sagot.

Pero hindi ito nagreact sa pagsusungit niya. Ang napansin niya ay ang tila panlulumo nito. She also saw pain in her eyes. That's when she realized na malamang ay nahulaan na nito ang mga bagay-bagay.

Huminga ito ng malalim at pagkatapos ay tiningnan ang sapatos na hawak niya.

"Maliliit sa kanya ang size na yan. Kung gusto mo kukuha ako ng mas malaki."  Halatang pinipilit nitong magpakaprofessional.
"Hindi na kailangan wala pa naman akong pera pambili. Tinitingnan ko lang." amin niya dito.

Sandali itong nanahimik na parang tinitimbang kung kakausapin pa ba siya nito o iiwan na siya. Pero sa huli ay hindi na nitong mapigilang magtanong.

"K-kumusta na siya?" There was genuine concern on her voice.
"He's fine. Okay kami." Sagot niya dito.

"Ganun ba? tila wala sa sariling sagot nito. "Well kung wala ka namang bibilhin mas maganda siguro kung umalis ka na."

Sa normal na pagkakataon ay malamang nagbabangayan na sila nito. Pero this time ay pinalagpas niya ang pagtataboy nito sa kanya. Tahimik niyang ibinalik sa estante ang sapatos. At pagkatapos ay tinalikuran na ito. Pero bago pa man siya makalakad palayo ay nagsalita ito.

"S-siguraduhin mong aalagaan mo siya." Bilin nito. Dama niya na nasasaktan ito. Alam niyang matagal na nitong mahal si Victor. At ngayong tila nagsara na ang pag-asa nitong mahalin ng binata kahit papaano ay naaawa siya dito.

"Hwag kang mag-alala yun ang eksaktong ginagawa ko." sagot niya dito. Pagkatapos nun ay mabilis na siyang naglakad palabas. Nawala na ang plano niyang pag-aapply.

Nang malapit na siya sa sakayan ng jeep ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Ilang araw nang ganito ang pakiramdam niya. Nung una inisip niya na low blood lang pero nakakaramdam na rin sya ng pangangasim ng sikmura lalo na sa umaga. Pilit lang niyang tinatago kay Victor ang nararamdaman para di ito mag-alala. Pero kahit siya ay nagdududa na sa kalagayan niya. Kaya nang medyo umayos na ang kanyang pakiramdam ay bumili ng pregnancy kit.

Pagkauwi niya ay binuksan niya agad yon at sinundan ang instruction na nakalagay. Habang hinihintay niya ang result ay tinuloy na muna niya ang  paglalaba. Pasado alas kuwatro na nang matapos siya sa pagsasampay ng mga nilabhan. Dahil hindi pa rin talaga sya sanay sa trabaho ay medyo sumama uli ang pakiramdam niya.

Dun niya naalala ang pregnancy kit na iniwan niya sa banyo. Kinuha niya yon at tiningnan. Nakita niya ang dalawang linya indikasyon na positibo ang resulta. Tama ang hinala niya,  buntis siya. Medyo kinabahan siya sa nalaman pero mas nangibabaw pa rin ang saya. Siguradong matutuwa si Victor kapag sinabi niya dito ang magandang balita. Nahiga muna siya sandali para magpahinga. Dahil sa pagod ay mabilis siyang nakatulog.

FOR KEEPSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon