"Nagmamakaawa ako sayo Sophie pls wag mo akong iwan, wag kang aalis pls" humahagolgol ako. Takot na takot. Niyakap ko si Sophie sa likod. Iyak ako ng iyak.
Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya at tuloy tuloy siyang bumaba. Dumiretso siya sa labas kung saan nakaparada ang kotse niya.
Nagmamadali kong hinarang ang katawan ko sa kotse pero isiniksik niya ang katawan niya para makapasok. Dali dali nitong isinara ang pinto. She automatically locked the door.
"Sophie pls listen to me, dont leave plsss im begging you"
Halos sirain ko na ang bintana ng kotse pero parang wala siyang naririnig. Para siyang bingi na kahit magamakaawa ako o maglumuhod ay wala siyang gagawin.
Im so scared. I cant lose her, damn i love her so much.
Siya ang babaeng pangarap ko, ang babaeng matagal kong inasam na maging akin. Paanong ngayon na magkasama na kame ay bigla niya akong iiwan dahil lang sa isaang pagkakamali.Parang sasabog ang puso ko.
She looked at me. So much pain and agony was written in her eyes.
"Goodbye Jess" walang emosyon niyang sabi. Para lang itong tulala.
"Plssss, plsssss Sophie....."
Pinaandar na niya ang kotse. Nagmamadali akong sumakay sa motor ko. Susundan ko siya.
Halos magkaagapay lang ang motor ko at kotse niya.
"Sophie pls ihinto mo, magusap tayo. kahit saan ka pumunta susundan kita"malakas kong sigaw.
Binilisan nito ang pagmamaneho. Nasa labas na kame ng village.
Binilisan ko din ang pagmamaneho pero hindi ko siya maabutan. Medyo malabo ang mata ko dala ng pagiyak at kailangan kong magingat baka maaksidente ako.
Nagulat nalang ako ng biglang may marinig akong malakas na tunog. Tunog ng bumanggang sasakyan.
Parang eksena lang sa tv, nakita ko ang sasakyan ni Sophie. Nabangga ng isang truck. Parang nagfreeze ang oras, ang tanging naririnig ko ay malakas na tibok ng puso ko. Halos mabingi ako sa lakas nito. I blinked, umaasang sa pagdilat ko ay walang aksidenteng nangyari. Pero wala, Sophie's car was so wrecked. Nabangga siya ng isang truck. Parang lata itong inararo sa hi-way at ibinangga pa sa isang sasakyan.
"Sophie" i said trembling. My heart beating rapidly. Naguunahang ang mga luha ko sa paglaglag.
"Sophie" Napabangon ako sa panaginip ko. Napanaginipan ko na naman ang gabing naaksidente si Sophie.
Ramdam ko parin ang mabilis na tibok ng puso ko at ang sakit ng kahapon. Parang totoo.
Heavens sake. its been 10 years pero dinadalaw parin ako ng bangungot na yan. Sampong taon na kameng hindi nagkikita ni Sophie. The only consolation is that Sophie is alive. Masaya na ako don.
Napatingin ako sa alarm clock ko. 2 am. Bumangon ako at kumuha ng beer sa mini ref ko.
Natuto na akong wag gawing big deal pag napapanaginipan ko ang aksidente ni Sophie. Hindi na ako kagaya ng dati na kapag napapanaginipan ko ito ay umiiyak ako, humahagulgol sa sobrang pagsisisi. Na kung sana mas pinigilan ko siyang umalis hindi siya maaksidente. Kung sana hindi ko siya niloko hindi siya aalis.
Uminom ako ng beer. That part of my past, masakit na kahapon. Siguro hindi ko na kailan man makakalimutan pero ginagawa ko ang lahat para mamuhay ng normal.
Hindi ko narin inaasam na makita pa siya. Hindi ko din alam kung anong sasabihin ko. Maybe i should say sorry, but im not sure if i can make her love me again.
Hay, inilang lagok ko ang beer at nagdial ng numero ng babae sa cp ko. "I need company" ang sabi ko sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Amnesia (GirlxGirl)
RomanceAko si Jessie, isang lesbian. May sasaklap pa ba sa buhay ko. Sampung taon na simula ng magbago ang takbo ng buhay ko dahil sa isang aksidente na nagpahiwalay sa amin ni Sophie. Siya ang babaeng pangarap ko. Babaeng akala ko hinding hindi magkakagus...