Chapter 10: Paglisan

101 8 0
                                    

Isang bwan nalang ay ikalabing walong kaarawan ko na. Nagbabalak sina Mama ng engrandeng bday party para sa akin.

I dont feel like celebrating. Hindi parin kame madalas makapagusap ni Sophie at halos mabaliw baliw na ako sa set up na ganito.

Pinatawag ako ni Mama sa study room kakausapin daw ako ni Papa. Hindi na ako masyadong kinakabahan sa galit ni Papa. Tatangapin ko nalang ang sermon niya. Pasok sa isang tenga labas sa kabila.

Mahina akong kumatok sa pinto pinagbuksan ako ni Mama. Pinaupo ako sa tabi ni Papa. Mukhang seryoso ang paguusapan namin. Ano pa bang mas sasaklap sa sasabihin nilang hiwalayan ko si Sophie.

"Jessie malapit na ang bday mo, nagbabalak na kame ng Mama mo na bigyan ka ng marangyang kaarawan."

Tumango lang ako, wala akong enerhiyang magsalita kasi may kutob akong may di magandang sasabihin sa akin si Papa.

"We will be inviting Mr. Chan. Kilala mo naman na si Mr. Chan dito at kung anong naitulong nila sa negosyo."

Hindi ko gusto ang tinutumbok ng salita ni Papa.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, matagal na namin kayong pinagkasundo ng anak niya. Sa kaarawan mo ay opisyal namin kayong ipapakilala bilang magnobyo at kalaunan ay magpapakasal kayo."

Kulang ang salitang shock para idiscribe ang nararamdaman ko ngayon. Kilala ko ang anak ni Mr. Chan, si Andy. Matanda to sa akin ng limang taon. Alam kong crush niya ako dati pa pero hindi ko yon sineryoso dahil sa totoo lang gwapo si Andy. Habulin din ito ng mga babae, kung sino sino ngang babae ang nalilink dito. Ang balita ko nasa ibang bansa si Andy. Anong naisip nila at balak kameng ipakasal. Dahil ba sa nalaman nila na babae din ang gusto ko at pag pinakasal nila ako ay magbago ako? This is fucking ridiculous.

"Pa alam mo naman na siguro ngayon kung anong totoo sa akin. Kung sino ba talaga ang anak mo. Hindi ko kayang pakasalan si Andy. May mahal na akong iba" mahina kong sagot.

"Wag mo sasabihin sa akin yan Jessica ah. Hindi ako naniwala sa sinabi ng Mama mo dahil alam ko dala lang yan ng kabataan mo at nagkulang kame sa pagpapalaki sayo kaya ka naging ganyan. Kailangan nating tapusin yang kabaliwan mo. Babae ka. Kasalanang magkagusto sa kapwa mo kasarian."

"Pa magalit na kayo sa akin ni Mama pero hindi ako magpapakasal sa iba. Mahal ko si Sophie. Isa pa napakabata ko pa. "

"Bibigyan namin kayo ni Andy ng panahon para lalo pang makilala ang isat isa. Saka na natin paguusapan ang kasal."

"Pa hindi mangyayari ang gusto ninyo, hindi ako papayag" hysterical ko ng sagot. "Kailan ba kayo makikinig sa akin, ito talaga ako. Oo babae ako pero pusong lalaki ako, babae ang gusto ko at mahal ko siya. Sana naman ma pa matangap niyo kung sino talaga ako." umiiyak kong sabi.

Nilapitan ako ni Papa at sinampal. Halos mayanig ako sa sobrang lakas ng sampal niya. Pinagyuyogyog din niya ang balikat ko.

"Kilabutan ka sa mga sinasabi mo, wala ka ng respeto sa amin ng mama mo. Bibigyan mo pa kame ng kahihiyan. Hindi ka namin matatanggap. Hindi namin kayang tanggapin ang isang tomboy na kagaya mo. Ngayon kung ayaw mong magpakasal kay Andy Chan malaya ka na ngayon umalis sa pamamahay ko. Wala akong anak na katulad mo." puno ng galit na sabi ni Papa.

Nagpapasaklolo akong tumingin kay Mama. Pero pati siya ay masama ang tingin sa akin.

Hilam ng mga luha ang mata kong bumalik sa kwarto at nagempake. Bahala na.


Isang backpack lang ang dala ko ng umalis ako ng bahay. Matagal kong tinitigan ang kwarto ko dahil alam kong mamimiss kong matulog sa kama ko. Parang sa huling sandali ay gusto kong magsorry kay Papa para di na ako umalis pero parang sinabi ko naring tama ang mga sinabi niya tingkol sa akin.

Mabuti nalang ay medyo malaki laki ang ipon ko. May sarili akong bank account at may piggy bank pa akong lima. Nakakatawa kaya pala ako nagiipon dahil darating ang araw ma ito, ang araw na tatalikuran ko ang pamilya.

Napakalaki ng kapalit. Pero kung hindi ko to gagawin kailan pa? Napakasakit na sariling pamilya ko ay hindi ako tanggap.

Tinawagan ko si Charmaine at nakipagkita ako sa kanya sa isa sa mga restaurant sa bayan.

Nakita ko ang alalang alalang mukha niya pagdating niya.

"Bes are you ok? I heard what happen? Are you serious with this?" sunod sunod nitong tanong.

"Alam mo na pala" mapait kong sabi.

"Yes ofcourse i know, tumawag sa akin agad si Mama at pinaalam ang nangyari sa sayo. Shes sorry pero binalaan niya ako na wag ka daw tutulungan. Na wag kameng mangialam sa problema ng pamilya ninyo. But you are my bestfriend, Magalit na sa akin si Mama at sina Tito at Tita pero i will help you with this." mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. " Im here for you"

"Thanks pero ayokong madamay ka pa, tama ng sakin lang sila galit."

"Alam mo naiinis ako kay Sophie kasi kung hindi dahil sa kanya wala kang problemang ganito. Hindi ka mapapalayas. Hindi ka mahihirapan. For crying out loud, san ka titira? Paano ka kakain?"

Napailing ako." Don't blame Sophie, siya nga ang nagturo sa akin para maging matapang. Para magpakatotoo sa sarili ko. Kung hindi dahil sa kanya hanggang ngayon nakakulong parin ako."

"Yeah you have a point, pero magulang mo parin sila bes. You should have atleast stayed and talk to them."

"I talked to them, but they are not listening. Gusto pa akong ipakasal sa lalaking ni minsan ko lang makausap. Ano ipapakasal nila ako dahil akala nila kasalanang maging ganito? Na kailangan kong magbago para tanggapin nila ako bilang anak nila?"

"What, ipapakasal ka nila? Kanino?"

"Kay Andy Chan"

Isang malaking 'O' ang pinakawalan ni Charmaine.

"Im speechless".

"Pinapili ako ni Papa and i choose myself over them. I will die if i will marry that Andy Chan. Besides si Sophie talaga mahal ko. Panahon na siguro para panindigan ko kung ano talagang gusto ko."

"But im still worried. San ka titira?

"May malapit na dorm sa school. Siguro doon muna ako for the meantime. May savings naman din ako. Kailangan ko ding maghanap ng part time para masustentuhan ang sarili ko."

Lumuha si Charmaine. Niyakap niya ako.
"This is complicated. Natatakot ako para sayo."

"Dont be. From now on I will stand on my feet. Hindi ko na ikakahiya kung sino ako. Kung hindi ako kayang tanggapin ng mga magulang ko ok lang, magpapatuloy ako. I will prove them wrong"

Puno mg determinasyon ang puso ko. Hindi nalang to dahil sa pagmamahal ko kay Sophie kung hindi para narin ito sa sarili ko.

Amnesia (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon