Chapter 3: Muling Pagkikita

263 6 0
                                    

Sophie's POV

I really had a bad day.

First, I have this feeling that Anton is cheating on me. Whell, hindi ko pa naman din napapatunayan pero may hinala ako.

Second, pina cut pa ni Daddy ang mga cards ko dahil wala na daw akong ginawa magmula ng umuwi ako ng Pilipinas kundi gumastos. Now i dont have any penny left in my wallet. Im totally broke.

Third, nacarnap ang sasakyan ko. I forgot to lock my car, i even forgot to get the keys. Diba parang pinahingi ko lang ang kotse ko.

Nakikita ko na kung paano magagalit si Daddy sa akin.

Kaya i decided to call Migs. Kaibigan ko siya sa states na ngayon ay dito narin sa pinas nakatira.

At akala ko tapos na ang kamalasan ko pero hindi pa pala. Natapunan ng red sauce ng isang tatanga tangang waiter si Migs. Migs was wearing a white long sleeve polo shirt for crying out loud. Nagmukha itong parang model na damit na tinapunan ng red sauce na mantsa sa mga panlabang sabon sa commercial.

The red sauce was a bit warm. Kaya baka napaso narin ang kaibigan ko.  Hay ako pa naman ang pumilit na magdinner muna kame bago ako ihatid sa bahay, at sinabi ko pang he will definetely love the resto. Pero mukhang pahiya ako.

Kaya hindi ko magawang kalmahin ang sarili ko. Parang naghalo halo na ang inis ko sa araw na ito. This is the final blast. Im done with this day. I am so mad i wanna kick the ass of the waiter. I want him fired.

Kaya kahit nakakatawag na ako ng pansin ng ibang customer ay wala akong pakialam. I wanna talk to the owner and make the waiter pay for ruining my night.

Ang OA ko sobra para magreact ng ganito, pero sino ba naman ang hindi maiinis. Nakakapanggalaiti naman talaga diba?

At lalo pa akong naiinis sa itsura ng waiter na parang inaapi ko siya ng sobra. Eh sino ba namang hindi magagalit sa ginawa niya.

"Sophie, its alright hindi sinadya ng waiter ang nangyari. Calm down, im ok! Pauwi narin naman tayo.

Migs has always been the good guy. Maybe some other time hindi ko to papansinin pero mainit talaga ang ulo ko, and this one is big deal for me.

"So asan na ba ang mayari?"

Napatingin ako sa bagong dating. Parang nagpapasaklulo ang waiter na tumabi dito. Im just so disappointed. Standing infront of me is a chef. Lalo akong nanggalaiti sa inis. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Im confused, ano ba siya babae o lalaki. Mukha siyang lalaki, mula sa tindig hanggang sa pananamit. Mas pansin ang masculine side nito. Nong nagsalita siya don ko naconfirm na babae siya. Oh a lesbian, nainis na naman ako. I hate lesbians, yong tipong mas lalaki pa sila umasta sa mga lalaki.

"I dont want to talk to you, i want to talk to the owner" galit kong sabi.

Kaso parang walang narinig ang chef. Nakatitig lang to sa akin. There was something in her eyes, recognition maybe. Parang kilala niya ako. Theres a longing in it, deep sadness. Parang maiiyak na siya anumang sandali.

Then i hear the chef said "Sophie"

Kinilabutan ako. Bakit niya ako kilala?

Then all of a sudden, she hugged me so tight i cant even breathe. She is crying and sobbing at the same time.

Parang nakakadala ang iyak niya at parang gusto ko ding umiyak. Naalala ko ang mga gabing sobrang lungkot ko kahit hindi ko alam ang dahilan. Mga gabing hinahanap ko ang sagot pero wala akong mahagilap.

"Patawarin mo ako" she said in between sob.

Lalo akong naguluhan. Inalis ko siya sa pagkakayakap sa akin. I looked at her again. Hoping to remember. Pero di ko siya maalala.

"Who are you? Bakit mo ako kilala?"

She looks stunned. Hanggang sa may sumilay na kirot sa mga mata niya.

"I said who are you?" pasigaw kong sabi.

"Im Jessie, yong taong naiwan mo ng maaksidente ka, yong taong sobrang mahal na mahal ka. Yong taong pinangakuan mo na mamahalin mo habang buhay"

I laughed, "Is this some kind of a joke? Anytime ba may lalabas na camera at sasabihin na prank joke lang lahat ng ito?" i looked at Migs

"May kinalaman ka ba dito Migs? In fairness magaling tong artista na nakuha niyo."

Umiling si Migs. "Oh maybe its Samantha. Yari sakin yang babaeng yan, naku this isnt a good joke"

Nagsalita ulit ang Chef. "Totoo bang di mo ako matandaan? Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan pero Sophie ako to, you dont have to pretend that you dont know me" hinawakan niya ang kamay ko.

Nangingilabot akong binawi ang kamay ko. Never in my wildest dream na papatol ako sa lesbian kaya paano nito nasasabing nagkaroon kame ng relasyon.

"Wag na wag mo akong mahawak hawakan ah. Hindi kita kilala at hindi ako nagpapanggap na hindi ka kilala. Pls i dont wanna offend you pero hinding hindi ako magkakagusto sa katulad mo." mataray kong sabi. siguro naman nagets niya ang ibig kong sabihin.

This is getting creppier.

"C'mon Migs lets go." kinuha ko ang bag ko at walang lingong likod na umalis ng restaurant.

Malalabhan pa naman ang damit ni Migs, or better yet bilhan ko nalang siya ng bago kaysa kumausap ako ng lunatic na Chef.

Hay mababaliw ako, ano bang araw to. Napakamalas ko naman!

Humanda sa kin bukas ang Samantha na yan. Alam kong siya ang may pakana nito para inisin ako dahil paano naman malalaman ng lesbian na yon na naaksidente ako. Alam din ni Samantha na inis ako sa mga lesbian.

Magtatatlong bwan palang akong nakatira dito sa pinas. Actually ayoko sanang umalis ng states pero wala akong choice kundi umuwi.

I got a car accident ten years ago. I have this severe head injury kaya may mga alaala akong nakalimutan ko. Pero sabi ng Doctor mild amnesia lang daw, ang hindi ko lang daw maalala ay yong mga traumatic experiences ko and according to my Doctor mas nakabuti daw yon.

I also dont care kung di ko na maalala dahil sino ba ang gugustuhing maalala ang mga bagay na magbibigay lang sayo ng trauma.

I learned to cope. And after 10 long years i totally moved on, parang walang aksidenteng nangyari at parang walang mga alaalang nawala sa akin. I think i gained all my memories back. Dahil wala naman akong nakalimutang kaibigan ko, whell i have few friends. Pati mga teachers ko ay kilala ko. Pati mga kalokohan ko nong nagaaral ako ay natatandaan ko. So paanong may magsasabi sa akin na pinangakuan ko daw ng habang buhay na pagmamahal pero hindi ko matandaan.

Oh that lunatic chef. Sumasakit ang ulo ko sa sobrang stress.

Amnesia (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon