10 years ago
Jessie's POV
Nagising ako sa tunog ng alarm. Alas siyete ng umaga. Bumangon ako at nagstretch ng katawan. Monday ngayon hindi ako pwedeng malate. Second year high school na ako sa kursong management. Hindi ito ang gusto kong kurso, gusto kong maging chef, sikat na chef at magkaroon ng sikat na restaurant.
Gusto kong ipagpatuloy ang restaurant ng pamilya na halos limang taon ng nagsara dahil namatay na ang lola kong nagtayo nito. Hindi nakuha ng aking Mama ang husay ni Lola sa pagluluto at wala ding interes si Papa na ipagpatuloy pa ang restaurant dahil kulang na kulang ang oras nila ni Mama sa negosyo naming papalago.
Nagiisa akong anak. Natatandaan kong lumaki akong may masayang pamilya,pero magmula ng lumago ang negosyo namin ay nawalan sila ng oras sa akin. Halos hindi ko na sila nakikita sa bahay at tanging si Lola lamang ang nagaalaga sa akin.
Kaya ako natutong magluto dahil halos sa restaurant na ang naging playground ko. Kaya halos mamatay din ako nong mamatay si Lola.
Nanghihinayang ako na namatay siya ng hindi manlang niya nakikilala kung sino talaga ako. Pero alam kong alam niya kung anong laman ng puso ko.
After kong magstretching ay naligo na ako. Twenty minutes ay tapos na akong maligo.
Tinitigan ko ang hubad kong katawan sa full length mirror.
Mahaba ang aking buhok na lagpas balikat. Wavy ito at natural brown ang kulay. Ganoon din ang kulay ng mga mata ko mapusyaw na brown. 5'8 ang tangkad ko. Pouty din ang labi ako at matangos ang ilong. Ang sabi nila maganda daw ako, mana kay Mama. Lalo kapag ngumingiti. Parang nagliliwanag daw ang mundo kapag ngumingiti ako.
Napabuntunghininga ako. Ilang beses ko na bang gustong ipagupit ang buhok ko. Palitan ang pintura ng kwarto ko. Ipagsigawan sa lahat na hindi talaga ako babae. Oo pinanganak akong babae, pero magmula nagkaisip ako ay alam kong iba ako. Ano ba tawag don? Lesbian, tomboy, butch? Hindi ko alam pero ang malinaw sa akin ay hindi ako babae.
Hindi ako kailanman nagkagusto sa mga lalaki. Sa babae lang ako nagkakacrush. Pero sa edad kung ito ay hindi pa ako nagkaroon ng relasyon.
Nahirapan akong tanggapin ang sarili ko. Lalo't alam kong madidismaya ang mga magulang ko pag nalaman nila kung ano ba talaga ako.
They disgust third sex. Hindi nga sila naghihired ng mga bakla at tomboy dahil sa tingin nila sa mga ito ay mga malas.
Kung alam lang nilang ang kanilang unica hija ay lesbiana ay maiiskandalo sila.
Napakahirap ng pinagdaanan ko. Lalo ng namatay si Lola feeling ko ay magisa lang ako. Nagsisisi ako na hindi ko inamin kay Lola ang totoo. Natatakot kasi ako na baka hindi niya ako matanggap. Pero napakaduwag ko kasi alam ko namang maiintindihan naman ako ni Lola. Nagpakain ako sa takot.
Medium sized shirt na black, itim na pantalon at chuck taylor shoes ang suot ko.
Nitong kolehiyo lang ako natutong magsuot ng ganito yong tipong pa tshirt tshirt nalang ako at sneakers.
Madalang nalang ako magsuot ng mga dress at pagirl na damit kapag may mga importante lang na okasyon. Sa sobrang busy nila Mama at Papa ay hindi nila napansin ang pagbabago ko. Ang akala lang nila ay nagrerebelde ako, na teenager days daw. Kung magtatanong lang sila. malalaman nilang may tinatagon sekreto ang anak nila.
Alas nuebe ang oras ng una kong klase. Gaya ng dati ay sa last row ako pumwesto. Isa lang ang close ko sa mga classmate ko, si Charmaine that happens to be my bestfriend.
Loner siguro ako dahil mas gusto kong mapagisa. Ilag ang halos karamihan sa kaklase ko sa akin. Mukha daw kasi akong mataray. May mga mangilang ngilang nanliligaw sa aking lalaki pero manliligaw palang sila ay basted na.
Dumating na ang teacher namin at may kasamang bagong estudyante. Isang transferee.
Halos karamihan sa mga lalaki sa klase ay napatingin sa kanya. Nakakabatubalani ang ganda niya. Parang anghel sa amo ang mukha niya. Nasa 5'2 lang siguro ang height, hindi ako mahilig sa mestiza pero napakaganda ng napakaputi niyang kulay na parang krema. Napakaganda ng mga mata niya na kahit hindi pa siya ngumingiti ay parang nakangiti na, natural na mahaba ang pilik mata niya at tamang tama lang ang tangos ng ilong niya na bumagay sa manipis at mapupula niyang labi.
"Hi class good morning, you have a new classmate Sophie Jane Smith. Shes a transferee galing siyang ibang bansa. Pero huwag kayong magalala dahil fluent siya sa tagalog" Nagtawanan ang buong klase.
Kaya pala napakaganda niya dahil may dugo siyang foreigner.
"Okay Ms. Smith introduce yourself to the class"
Ngumiti ang transferee at pumunta sa gitna ng klase.
"Ako nga po pala si Sophie Jane Smith im 17. I am a friendly person and very much approachable. Sana magkaroon ako ng maraming friends dito. Mukha naman pong maraming mababait dito" ngumiti ito at lumabas ang ipin nitong may braces. Napangiti din ako, shes just so cute. Pati ang boses nito ay napakalambing. Napakasarap pakinggan.
"Marami talagang mabait dito Ms. Sophie lalo na sa kasing ganda mo"tinig ni Brandon, ang isa sa chickboy sa klase namin.
Nahihiya itong ngumiti at nagthank you. Umupo ito sa first rw dahil doon lang naman may bakante.
Nagsimula ng magdiscuss ang teacher namin. Halos lahat na ng attensyon ng klase ay nasa discussion pero hindi ko matanggal ang mata ko sa kanya. Parang siyang may magnet at napako na ang mata ko sa likod niya. Bigla siyang lumingon at nagkatitigan kame.
Namula ako bigla. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Pero nakangiti siyang gumanti ng tingin sa akin. Kaya ngumiti narin ako at mabilis na nagbawi ng tingin.
Para akong engot. Ngayon lang ako nagandahan ng sobra sa isang babae. Mukhang may crush pa ata ako sa transferee namin. Mukhang gaganahan na akong pumasok araw araw.
BINABASA MO ANG
Amnesia (GirlxGirl)
RomansaAko si Jessie, isang lesbian. May sasaklap pa ba sa buhay ko. Sampung taon na simula ng magbago ang takbo ng buhay ko dahil sa isang aksidente na nagpahiwalay sa amin ni Sophie. Siya ang babaeng pangarap ko. Babaeng akala ko hinding hindi magkakagus...