Im Jessie Dizon. 27 years old. Isa akong chef sa isang sikat na restaurant sa timog. Isa din ako sa may ari ng resto.
Hindi ko masasabing single ako kasi sa ngayon ay mayroon akong apat na fling.
Oo nga pala isa akong lesbian, hard butch to be exact. Alam mo yong feeling na para kang lalaki na naikulong sa katawan ng babae. Ganoon ang aking pakiramdam simula ng magkaisip ako. Never kong tinuring ang sarili ko na babae. Yes all i knew i was in that third sex level.
Mabilisan akong naligo. Alas otso dapat nasa resto na ako. Doon nalang din ako magaalmusal.
Alas nuebe na ng umaga ng makarating ako sa resto. 10 to 10 kame. Kaibigan ko ng college ang co owner ko sa restaurant.
Gustong gusto ko ang trabaho ko bilang chef. Aside from toxic ito at nakakalimutan ko ang mga isipin ay talagang nagiging masaya ako pag nagluluto esp pag naaapreciate ng customer ang luto ko.
Yong tipong ipapatawag ka pa sa kusina just to say thank you.
Halos ganito ang set up ng buhay ko. Gigising ng umaga papasok at matutulog.
Yong tipong nabubuhay ka lang dahil kumakain at humihinga ka pero other than that wala ng kabuluhan ang buhay mo.
Maaga akong nagpaalam kay Kay, ang business partner ko at kaibigan. Nakapangako ako kay Riza, isa sa apat kong kafling na pupuntahan siya. Birthday niya ngayon.
Dumiretso muna ako sa mall para bumili ng regalo. Sa isang sikat na jewelry shop ako pumunta.
I will give her necklace.
Si Riza ang pinakapaborito ko sa apat. Siya ang pinakanaive sa lahat. I love timid girls but tigress in bed.
I chuckeled at the thought.
"Sir magugustuhan yan ng girlfriend niyo for sure" sabi ng sales lady sa hawak hawak kong kwentas. Its a gold necklace with a pendant of letter R. Manipis ang chain ng kwentas. It looks simple but sophisticated.
"You think?" i wink at the sales lady and i caught her blush.
'Oh women' Malakas ang karisma ko sa babae. Halos sila na ang lumalapit sa akin. Even straight women sometimes give their numbers to me.
Napatingin ako sa labas ng shoppe ng biglang may nahagip ang mata ko.
Parang biglang huminto ang puso ko sa pagpintig. Siya ba talaga un?
My knees feel weak kaya napahawak ako sa arm rest ng upuan.
"Sophie"
Lumabas ako ng shoppe para makita si Sophie pero wala na siya sa lugar kung saan siya nahagip ng mata ko. Sa labas lang yon ng shoppe. Paanong nagyaring nawala siya agad.
Hay, isa na naman ba to sa mga araw na nakikita kita Sophie, pero naghuhuluscinate lang pala ako. Kailan ba kita makakalimutan? Kailan ko ba talaga matatanggap na wala ka na at masaya ka ng wala ako?
Wala sa sariling binili ko ang kwentas at dumiritso kay Riza. Tahimik lang ako habang kumakain kame hindi mawala sa isip ko ang imahe ni Sohie na nakita ko.
Even in my imagination shes still beautiful. Pero hindi lang dahil maganda siya kaya ko siya minahal, napakabait at talino rin niya. Sa mundo ko noon na magulo siya lang ang tanging taong nakakapagpakalma sa akin.
Her loves makes me feel home.
Pagkatapos naming magdinner ni Riza at ibigay sa kanya ang regalo kong kwentas ay nagpasya na akong umuwi. Hinatid ko nalang siya sa condo niya at di na ako nagpaunlak sa paanyaya niyang pumasok pa. I know she want something more. I can sense it in her shy smile. But i will be damned kung pagbibigyan ko siya, wala akong ganang makipagsex ngayon. Ayokong nakikipagsex ako kay Riza pero si Sophie na naman ang nasa isip ko. Ayokong maging unfair kahit alam naman niya sa umpisa palang na di ko siya mabibigyan ng maayos na relasyon. Ayoko ding maging unfair sa sarili ko.
For 10 fucking years, i havent forgotten Sophie. I want to forget her, i owe myself that. Matagal na akong malungkot, gusto ko ng sumaya.
Madaling araw na ng makarating ako ng bahay. Pinilit kong matulog kahit na andame dameng laman ang isip ko.
MARAMING tao ngayon sa resto dahil linggo. Its a family day.
"Chef may nagwawala pong customer sa labas" sabi ni Gino ang head waiter namin.
"Huh? bakit anong nangyari?" tanong ko.
"Eh paano sir yong bago kasi nating waiter natapunan ng sauce ung damit ng boyfriend" nagkakamot pa nitong sabi. Hiyang hiya.
Wala pa naman si Kaye ngayon nasa bakasyon kaya theres no other way kundi lumabas ako at kausapin ang nagrereklamong customer. Hanggat maaari ay ayokong lumalabas dahil sobrang iksi ng pisi ko. Madaling uminit ang ulo ko. Hindi ako katulad ni Kaye na kayang kayang pakalmahin ang mga customer.
"Eh ano bang sabi ng customer? Bigyan mo nalang ng complimentary food or anything baka pwedeng hindi na ako lumabas"
"Nagpupumilit po ang customer na kausapin ang mayari eh dahil po wala si Mam Kaye baka kako pwede niyo siyang makausap."
Napabuntunghininga ako. No choice.
Naglakad ako papunta kung nasaan ang nagrereklamong customer.
The lady doesnt seem has class. Malakas ang boses nito habang pinapagalitan ang waiter. Nakatalikod ang babaeng customer sa gawi ko. Sinasabihan naman ito ng boyfriend niya na tumigil na pero ayaw parin.
That rich spoiled brat kind of girls. Yan ang pinakaayaw ko sa lahat.
"Ma'am ako na po ang humihingi ng paumanhin sa nangyari, bago lang po kasi ang waiter namin." ang sabi ko pagdating ko sa table nila. Nakayuko ako habang sinasabi yon.
'What? I said I want to talk to the owner not to the chef"
Napaangat ako ng mukha at tinitigan ang babaeng nagmamayari ng boses.
Para akong nagflashback. Parang huminto ang orasan. Para akong nabingi. Nagfocus lang ang mata ko sa kanya.
Our eyes locked.
I am teary eyed. My heart is bursting with mixed emotions.
Totoo ba to? Napahawak ako sa puso ko.
"Sophie" I said with trembling voice.
BINABASA MO ANG
Amnesia (GirlxGirl)
RomanceAko si Jessie, isang lesbian. May sasaklap pa ba sa buhay ko. Sampung taon na simula ng magbago ang takbo ng buhay ko dahil sa isang aksidente na nagpahiwalay sa amin ni Sophie. Siya ang babaeng pangarap ko. Babaeng akala ko hinding hindi magkakagus...