Isang malutong na sampal ang inabot ko kay mama. May binagsak siyang mga pictures sa kama ko. Nakita ko ang mga pictures namin ni Sophie, magkaholding hands habang nakangiting nakatingin sa isat isa. It was picture perfect, our eyes are glowing. Ang isang picture ay magkahalikan kame. Pero isang nakaw na halik yon, bago ako umuwi. Pero tama ang hinala ko, may mga nagbabantay nga sa akin.
Marami pang pictures ang nagkalat. Napatingin ako kay Mama. Nanggagalaiti siya sa galit. Namumula ang mukha niya.
"Anong sasabihin ng Papa mo pag nalaman niya to. Nagtratrabaho kame ng maayos- para mabigyan ka ng magandang buhay pero anong ginagawa mo? Nagpapakasama ka. Kailan ka pa ganyan?"
Tumulo luha ko. Gusto kong sabihin na magmula ng magkaisip ako ganito na ako. Na di manlang nila ako napansin dahil sa sobrang busy nila. Oo binibigyan nila ako ng magandang buhay pero di ako masaya. Magmula ng dumating si Sophie naging masaya ako sa kanya. Naramdaman kong totoo ako.
"Ano Jessica sagutin mo ako. Pinalaki ka naming babae. Anong kalokohan to at nagkakagusto ka sa babae? Di ka na nahiya, ano nalang sasabihin ng mga tao. Ano nalang sasabihin ng mga kasosyo ko sa negosyo pag nalaman nila ito? Baka magpull out sila. Alam mong malas yan sa negosyo"
Sobrang sakit parang sinabi niyang malas talaga ako. Malas na maging ganito ako.
"I want you get away from her or else di mo magugustuhan ang gagawin ko."
May pagbabanta sa tono ni Mama. Nakakatakot. Ngayon nalang ulit siya nagalit ng ganito katindi. Pero naglalaban ang kalooban ko. Di ko kayang hiwalayan si Sophie ngayon pa na may malalim na kameng pagkakaunawaan. Pero di ko din kayang makitang galit na galit sa akin si Mama. Lalo na kaya pag nalaman ni Papa. Di ko alam kung anong pwedeng gawin sa akin ni Papa. Masyado itong istrikto at ayaw ng di sinusunod ang gusto. Ayokong pati si Sophie madamay.
Pabalibag niyang sinara ang pinto at naiwan akong humahagulgol. Nakatulugan ko na ang pagiyak.
Kinaumagahan hinanap ko ang cellphone ko. Hindi ako nakatawag kay Sophie. Baka nagaalala na siya. Pero kahit anong hanap ko ay di ko to makita.
Nakita ko si Nanay Mercy at tinanong ko siya kung nakita ba niya ang cellphone ko.
"Naku Mam Jess pasesnya ka na ah pero sabi ng mama mo, di ka na daw pwede magcellphone. Tatawag nalang daw siya sa telepono pag may kailangan ka."
"Seryoso ka ba Nanay Mercy, asan ba si Mama kakausapin ko siya"
"Umalis na po si Mam sa makalawa daw ang baliw dahil may out of the country trip daw sila. Pero sabi po ni Mam bahay school lang daw po kayo bawal daw po kayong umalis ng bahay ng di niya alam."
Bigla akong nanlumo. Seryoso si Mama sa sinabi niyang iwasan ko na si Sophie. Naiiyak ako sa sobrang frustration.
"Mam Jess pasensya ka na ah, sumusunod lang naman ako." apologetic na sabi ni Nanay Mercy.
Napaiyak na naman ako. "Nanay Mercy, bakit ganoon si Mama di ako maintindihan. Di ba niya ako mahal? Malas ba talaga ako? Malas bang magkagusto ako sa babae?"
Lumapit sa akin si Nanay Mercy at niyakap niya ako.
"Hindi ka malas anak, may mga bagay lang kasing di maintindihan ni Mam kaya ganyan. Pero mahal ka non sigurado ako doon. Ayaw ka lang niyang mapasama o masaktan. Alam mo naman ang mga tao mapanghusga bilang magulang sila ang unang masasaktan"
"Yon nga po ang masama sila pa po ang unang nanghuhusga sa akin. Diba dapat sila ang unang umintindi sa akin."
"Naiintindihan kita Anak. Wag ka ng umiyak."
Dahil sa pagiyak ko ay mugto ang mata kong pumasok. Ang unang bumungad sa akin ay ang nagaalalang mukha ni Sophie. Pero umiwas ako sa kanya natatakot ako na pag kimausap ko siya ay pahintuhin ako sa pagaaral. Di ko siya kayang di makita ok na sa akin ang di kame nagkakausap pero atleast nakikita ko siya.
Nakita ko ang sakit sa mga mata niya sa ginawa kong pangiiwas sa kanya. Gusti ko man siyang puntahan ay wala akong magawa.
Natapos ang klase naming tulala lang ako. Nang magtanghalian ay kame lang ni Charmaine ang magkasama sa canteen. Sumusunod sa amin si Sophie pero sinabihan ko si Charmaine na kausapin muna si Sophie na pabayaan muna ako. Magmula nong ay di na nangulit si Sophie. Di ko alam kung anong sinabi ni Charmaine sa kanya dahil parang galit sa akin si Sophie. Naisip ko na mas maigi na yon.
Halos isang linggong ganoon ang set up ko. Papasok at uuwi agad sa bahay. Hindi ko alam paano ako nakatagal lalot iniiwasan narin ako ni Sophie. Pero isang araw hinarang niya ako sa banyo. Nilock niya ang banyo at kameng dalawa lang ang nandoon.
Nabigla ako ng bigla niya akong niyakap. "I miss you" she said.
She cupped my face "Jess ano bang problema? di ko na kayang di mo ako kinakausap. Ano bang nagawa ko sayo para iwasan mo ako. Pls tell me" she started crying.
"Sshhh... dont cry Sophie, don't cry." pinunasan ko ang mga luha niya.
"I just couldnt take it anymore pls tell me anong problema?"
I let out a deep sigh. Sobrang hirap ang kalooban ko lalot alam kong nahihirapan din si Sophie. I couldnt stand seeing her cry.
"Alam na ni Mama at gusto niyang iwasan kita"
Nanlaki ang mata ni Sophie.
"Natatakot ako na pag nakita nilang kinakausap pa kita ilayo nila ako lalo sayo. Baka patigilin nila ako sa pagaaral at ipadala sa ibang lugar." i hold her hand "Di ko kayang di kita makita Sophie. kaya pasensya ka na kung iniiwasan kita."
Di ko narin napigilan ang pagtulo ng luha ko.
"So anong balak mo ngayon?"
"I dont know magulo parin ang isip ko"
Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto.
"Bat ba ang tagal ninyo dyan,ano bang ginagawa niyo?" maarteng sabi ng kumakatok sa labas. Hindi pa nakuntento ay kumatok pa ito ng ilang beses.
"Lets talk some other time love, i miss you and iloveyou" i said and bid Sophie a a quick lingering kiss.
I miss her supple lips.
Nagulat ito sa ginawa kong paghalik sa kanya. Pero mas nagulat ito sa mga katagang sinabi ko.
Binuksan ko ang pintuan ng banyo at may tatlomg babae na ang nakapila. Mga 3rd year. May kakaiba silang tingin sa amin ni Sophie at may narinig pa akong di maganda. Pinigilan ko ang sarili kong sagutin sila.
May mga tao talagang judgemental.
BINABASA MO ANG
Amnesia (GirlxGirl)
RomanceAko si Jessie, isang lesbian. May sasaklap pa ba sa buhay ko. Sampung taon na simula ng magbago ang takbo ng buhay ko dahil sa isang aksidente na nagpahiwalay sa amin ni Sophie. Siya ang babaeng pangarap ko. Babaeng akala ko hinding hindi magkakagus...