Natapos ang gabi ng sabadong parang may pagkakaunawaan kame ni Sophie. Hindi ko alam pero may magic ang gabi. Hindi niya ako sinampal ng hinalikan ko siya at may bonus pa akong halik sa pisngi ng hinatid namin siya ni Charmaine sa bahay nila.
Para kameng M.U.
Ang sarap ng tulog ko. Nakangiti lang ako at para akong gagong di nagsepilyo dahil ayokong mawala ang lasa ng mga halik ni Sophie sa bibig ko. Para akong tangang salat ng salat sa labi ko. Iniimagine parin ang labi niyang humahalik sa akin.
Shit i feel my cheeks blushed. For the first time mukhang tinamaan na ata ako ng kupido.
Tumingin ako sa relo sa cellphone ko, 7 am na. Pero ayoko pang bumangon mas gusto kong humilata at isipin si Sophie.
Nagtalukbong ako ng kumot. Kinuha ko ang cellphone ko.
"Good morning beautiful" text ko kay Sophie. Nanginginig pa ang kamay ko bago ko sinend.
Nangingiti akong naipatong ang cellphone sa puso ko. Wallpaper ng cp ko ay mukha ni Sophie. May stollen shot siya sakin kagabi. Candid shot kasi nakuhanan ko siyang nakatawa.
Napatitig ako sa mukha niya. Oh how i love her eyes, how i love her lips. How i love everything about her.
Love ba term ko? naloko na.
Nabitawan ko pa ang cp ko ng magreply siya.
"Good morning gorgeous. I had fun last night" reply niya.
Lalong lumawak ang pagkakangiti ko. Nagreply ako ng "The pleasure is mine, di na nga matanggal ang ngiti sa mga labi ko" reply ko ulit ng biglang magring ang cellphone ko. Sophie's calling.
Bigla akong kinabahan. Pero sinagot ko ang tawag niya.
"Hi good morning" i said. medyo husky ang boses ko kagigising lang kasi.
"Yeah its a good morning" she said in her angelic tone. Napakalamyos ng boses niya.
Napakasarap pakinggan. Parang buo na nga araw ko."Thank you nga pala sa paginvite sakin sa party, nagenjoy talaga ako."
"No problem, actually ako nga dapat magthank you sayo kasi pumayag kang sumama sa amin ni Charmaine."
Tumawa siya.
Bakit parang ang gandang pakinggan ng tawa niya. I wanna see her laugh, i wanna see how her eyes sparkled with joy.
"Uhm" she said medyo hesitant. "You are very close with Charmaine-?"
I cut her. Parang alam ko na gusto niyang ipoint.
"Charmaine is my bestfriend. Bata palang kame magkaibigan na kame. Magkakaibigan ang mga parents namin." i said explaining.
Tumawa siya ulit. Yong tawang nahihiya.
"Hindi naman yon ang ibig kong sabihin. Ako kasi wala akong bestfriend. Kaya naiinggit ako sa closeness ninyo."
Ako naman ang biglang nahiya. Nagblush. Nakakahiya ano bang iniisip ko.
"Pasensya na kung anu-anong iniisip ko" sabi ko sabay tawa.
Tumawa rin si Sophie. Parang natutuwa.
"Oo nga pala, magsisimba ako mayang 9am. Wala kasi akong kasama. Maybe your free?" sabi niyang patanong.
Niyaya ba niya ako for a date.
"Yes, im free" mabilis kong sabi. "Sundo nalang kita dyan?"
"Yup hintayin nalang kita dito, thank you"
"Nope thank you. Ok so see you later."
"Yup see you, Jess. Bye"
Ang sarap ng pagkakabanggit niya ng pangalan ko. Parang bigla kong naapreciate ang Jess.
Napayakap ako sa unan and i kissed the screen of my phone. Im getting lucky. This will be our fisrt date.
Alas otso ey medya palang nasa bahay na ako nila Sophie. Napakaganda niya sa simpleng dress niya. Tanging lipstick lang ang kolorete niya sa mukha.
Nagpahatid kame sa driver nila sa simbahan. We entered the church holding each other hands. Parang napakanatural lang na magkahawak kame ng kamay. Walang tanong tanong bigla nalang naghawak ang mga kamay namin.
Im all smile. Ang sarap ng feeling. Wala akong paki sa mga taong nakatingin sa amin.
Pagkatapos naming magsimba ay nagpasya kameng kumain sa mall. Niyaya niya akong kumain sa jollibee. Natatawa pa ako kasi para siyang bata gusto daw niya ng Chicken joy, jolly spaghetti at fries. Naglalambing pa siya nong sinabi niyang ilibre ko daw siya.
Kahit ilang beses ko soyang ilibre ok lang basta kasama ko siya.
Pinunasan ko ng thumbfinger ko yong sauce ng spaghetti na nasa gilid ng labi niya. Pasimple kong sinubo yong daliri ko.
I caught her blushing and smiling at the same time.
"Your naughty Jess" she said shyly.
"Sorry" sabi ko tuloy nahihiya.
"Nah, its ok i like it." pilya niyang sabi. Sinubuan niya ako ng spaghetti pero pinadaan muna niya sa gilid ng labi ko bago isubo sa akin. Tawa tuloy ako ng tawa kasi punong puno ng sauce ang labi ko.
Pinunasan niya yong sauce ng daliri niya at ginaya niya yong ginawa ko kanina. Shit bat parang ang hot ng pag kakagawa niya. The way she sucks her finger. Parang tuloy akong nakuryente at bigla akong naginit.
She seductively lick and bit her lower lip. Buti nalang nasa may dulong parte kame ng jollibee at walang masyadong tao kung hindi baka anong isipin ng mga tao.
"Haha your blushing Jess"
"Haha di kaya, mainit lang kasi" sumubo ako ng burger at uminom ng drinks. Di parin mawala ang naughty smile niya sa labi na parang sinasabi niyang wala ka pala eh.
After namin sa Jollibee dumiretso kame sa park ng mall. Naglakad lakad.
"Nagka boyfriend ka na?" she ask.
Natawa ako ng malakas.
"Whats funny?" she said frowning.
"Wala akong balak magboyfriend, but to answer your question wala pa. Ikaw?"
"I had one, but we broke up. Ilang bwan lang kame babaero kasi siya."
"Sa ganda mong yan nambabae pa siya?"
"Grabe ka noh, gandang ganda ka talaga sa akin"
"Because you are, you have the sweetest smile and the most expressive eyes i had ever seen."
"Huwag kang ganyan baka kiligin ako sayo"
"Haha di kiligin ka kasi ako nga mamatay na sa sobrang kilig" Shit kinikilig talaga ako ngayon.
Parang lalong nagliwanag ang mga mata niya. Mas tumamis ang nga ngiti niya sa akin.
"Ako din eh, i am fascinated with your smile. I've been thinking it lately, you know the first time i saw you at our classroom. Nong nahuli kitang nakatulalang nakatingin sa akin"
Nakakahiya talaga palang nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
"Akala ko nga may crush ka kay Brandon eh. Pero feeling ko ako kasi talaga yong crush mo eh" she said laughing.
Oh! Is it obvious? Ganoon na ba talaga ako kaobvious na crush ko siya?
"Ano Jess ako ba yon?" she said again laughing.
Di ko alam kung ginogood time niya ako kasi nakatawa siya habang tinatanong ako.
Pero ito na ang pagkakataon ko para sabihin sa kanya ang totoo. Bahala na.
"What if i said yes?" pagbabalik ko sa kanya ng tanong.
"Daya, sagutin mo muna yong tanong ko. Ako ba yong crush mo?"
I smiled shyly. "Yes"
"Haha i knew it"
"Eh bat tinatawanan mo ako?"
"So m.u na tayo?" she said.
"M. U. like?"
"Mutual understanding" she tiptoed and kiss me on the tip of my nose. "Ikaw din kasi ang crush ko"
BINABASA MO ANG
Amnesia (GirlxGirl)
RomanceAko si Jessie, isang lesbian. May sasaklap pa ba sa buhay ko. Sampung taon na simula ng magbago ang takbo ng buhay ko dahil sa isang aksidente na nagpahiwalay sa amin ni Sophie. Siya ang babaeng pangarap ko. Babaeng akala ko hinding hindi magkakagus...