Chapter 5: Crush

264 9 1
                                    

Excited akong pumasok ng school. Bago pa tumunog ang alarm ko ay gising na ako. Ewan ko ba pero parang ang lakas ng tama ko sa Sophie Jane Smith na yon. Di mawala sa isip ko ang maamo niyang mukha. Para akong na love at first sight sa kanya. Para niya akong ginayuma.

Para akong engot kagabi na pangiti ngiti dahil sa ngitian moment namin. Sa ngiti palang niya kinikilig na ako what more pag nagusap na kame baka himatayin na ako sa kilig.

"Shit, para akong gago"

Bumangon na ako at naligo. Ilang minuto lang ay tapos na akong maligo. Nahirapan akong maghanap ng damit. Gusto kong maging presentable kame pag nagkita kame ng 'crush' ko. Oo na crush ko talaga siya. Nakailang brush din ako ng ipin ko at ilang beses nag gargle.

Gusto ko fresh breath ako pag nagusap kame. Hindi lang fresh breath kundi mabango kaya nagwisik ako ng pabangong regalo sa akin ni Mama.

Inayos ko din ang pagsusuklay ko ng aking buhok. Ayokong magmukha akong bruha sa paningin niya.

Malapit ng magalas otso pero hindi parin ako nakakapili ng isusuot ko kaya napagdesisyunan kong mag polo tshirt nalang na kulay dilaw at magpantalon at siyempre isuot ang paborito kong chucks.

Bago ako bumaba ay nagwisik ulit ako ng pabango. Napangiwi ako sa amoy. Matapang parang mas sanay ako sa subtle na amoy, pang cologne lang talaga ako.

Nang nasa baba na ako ay tinawag ako ni Nanay Mercy. Ang isa sa kasambahay namin.

"Mam Jess ang bango niyo ah mukhang maganda ang gising natin. Magbreakfast po muna kayo".

Ngumiti ako kay Nanay Mercy. "Hindi nga po ako masyadong nakatulog eh" tapos sumubo ako ng hotdog at kumuha ng isang pirasong loaf bread. "Hindi na po ako magbrebreakfast, late na po ako eh." Kinindatan ko siya at ininom ko ang fresh milk na nasa baso. Nakalahati ko ang laman ng baso.

"Naku ikaw talagang bata ka eh baka magkaulcer ka niyan. Oh ito may ginawa akong sandwich dito. Baunin mo baka magutom ka" nagaalalang sabi nito.

Natawa ako. "Ginagawa mo naman akong bata Nanay Mercy, malapit na akong magdisiotso. Tsaka may canteen sa school doon nalang ako kakain. Wag ka ng magalala"

Nilapitan ko siya at humalik sa pisngi bago tuluyang umalis ng bahay.

Si Nanay Mercy ang halos nagaruga sa akin nong mamatay si Lola. Naging malapit na ako sa matanda.

Nagaabang na si Mang Delfin ang aming family driver paglabas ko. Lumulan ako sa kotse at ilang minuto pa bago magalas nuebe ay nasa school na ako.

Bumaba na ako ng kotse at nagpaalam kay Mang Delfin. Sinabi ko ring ittxt ko nalang siya kung susunduin na niya ako.

I inhaled deeply and feel the morning breeze. Oh how i loved mornings, how i loved the chirping of the birds. It calms my senses.

Hindi ako nagmamadaling maglalakad kahit halos lahat ng estudyante ay halos patakbo na sa mga classroom nila.

May mga mangilang ngilang estudyanteng bumabati sa akin pero simpleng tango lang ang tugon ko. Im never the friendly one, Naiilang ako sa mga taong hindi ko masyadong kilala o close. Kaya siguro ang tingin nila sa akin ay suplada at mataray.

9:10 ng makarating ako ng classroom namin. Pasalamat ako at wala pa ang teacher namin. Halos lahat na ng classmate ko ay nasa klase, ang unang hinanap ng mata ko ay si Sophie.

There she is, maayos na nakaupo sa kanyang silya. She sits like a princess. Kausap si Maecy, ang pinakamadaldal sa klase.

"Hi Jess, may bago sayo ngayon Jess." Nilapitan pa niya ako. Napatingin tuloy sa gawi ko si Sophie.

Amnesia (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon