Chapter 6:Fire Elements

28 3 0
                                    



Nicole's POV



"Gising naba sya?" naririnig kong tinatanong ni angelica sa nurse kung gising na daw ba ako.


"okay na sya ngayon, maya-maya lang ay gising na sya." sabi ng nurse at nag buntong hininga lang si angelica.


Maya-maya ay unti-unti kong ginagalaw ang katawan ko. "asan ako?" pagtatanong ko.


Biglang lumapit sakin si angelica dahil nagulat sya nung nagsalita ako. "Hayyyyyy, buti nalang at gumising kana." pagsasabi niya at inikot nya lang yung mata nya. "bakit? parang sobrang tagal ko namang natutulog dito?" sabi ko. "ano kaba? 5 days kanang tulog no!" sabi nya at nagulat naman ako sa sinabi nya. 5 days! omg.


"Ano! 5 days!? bakit ako natulog ng ganung katagal?!" sabi ko at iniisip ko ang nangyari.


Naalala ko na, naglaban pala kami ni kim sa battle round tas diko na alam ang nangyare.


"Ano bang nangyari sakin angelica at bakit ganung katagal ako natulog?" pagtatanong ko.


"Nung naglaban kayo ni kim nun, una hindi ka lumalaban. umiiwas kalang umiiwas sa mga ice knife na binabato nya sayo. pero natatamaan ka naman sa iba nyang binabato sayo kaya marami kang sugat sa katawan, pero nung gumawa sya ng sobrang laking iceball ay ibinato nya iyon sayo, tas nagulat kami ng inangat mo yung dalawa mong kamay at nagulat kami ay may lumabas sa kamay mong apoy na hugis dragon na sobrang laki. inataki mo yon at nang tumama sa iceball ay sumabog ito at tumama lahat kay kim lahat kaya ngayon ay nagpapagaling pa si kim sa ginawa mo. Natalo mo sya nicole, may A ka sa grade." mahabang pagpapaliwanag ni angelica saki. OMG! natalo ko si kim?! diko inexpect yun hays.


nagtataka ako kung paano ko napalabas yung ability ko?! so, ang ability ko is Fire Elements? pero ok na yun atleast napalabas ko sya kahit ilang week palang ako dito sa Adamian. pero si kim! kamusta na kaya yung kalagayan nya? hays-,-


biglang may pumasok na nurse sa room namin. "Pwede napo kayong bumalik sa dorm nyo. pero bukas na po kayo pumasok kasi excuse kayo tonday." sabi ng nurse at umalis na.


"Let's go nicole, inayos kona yung gamit mo sa dorm kaya wala kanang poproblemahin." sabi niya at nag-ayos nako.



naglalakad na kami papuntang dorm. Nakita ko yung ibang estudyate nakatingin sakin at yung iba nagbubulungan.


'akala ko matatalo na sya ni kim'

'oo nga eh, galing nya super!'

'sana fire user din ako'


yan yung mga naririnig ko. hays, di ba sila titigil sa pangchichismis?! napansin naman ako ni angelica na tinitignan yung mga chismosa.


"wag mo nalang silang pansisn, ganyan talaga dito. maraming chismosa!" sabi nya at sabaya naman kaming tumawa.

Adamian Academy (School of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon