Chapter 16:Mission

15 2 0
                                    



Anthony's POV



"Kamusta na sya?" sabi ng isang babae. mukhang syang matandang babae at parang familiar ang boses nya. parang ang baba na ito ang principal dito sa Adamian, si Ms.Grande.

"He's okay." tipid na sagot ng isang nurse. "Okay, aantayin ko nalang sya dito." sabi ni Ms.Grande at umupo sa upuan sa gilid ng hinihigaan ko.

Maya-maya ay gumalaw ako. Sobrang sakit ng katawan ko, unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at pagdilat ko ay isang kisameng puting-puti ito. nang maderetso ko ang tingin ko ay nagulat ko nagsalita si Ms.Grande. "Thanks God at gumising kana." sabi nito at lumapit ito sakin.

"Nasaan na si Nicole?! ililigtas ko sya dun." tatayo na dapat ako at nagulat ako ng pigilan ako ni Ms.Grande at inupo ulit ako sa kama ko.

"Magpahinga ka muna, may oras para dun." casual nyang sabi. wala akong magawa ngayon. gusto ko ng iligtas si Nicole. "Pero Ms.Gra----" 

"No more buts, anthony. Kailangan mo ng pahinga para mamaya---" hindi na naituloy ang sinabi niya. "Nevermind, magpahinga ka muna at aalis muna ako dito dahil may importante akong aasikasuhin." sabi niya sakin at umalis na sya.

Nung pag-alis nyang yun ang dahilan kung bakit ako kinakabahan. Ni hindi ko man lang nagawang iligtas si Nicole nung time na yun. Halos magkalapit na kami sa gubat na yun pero hindi, hindi ko sya nailigtas! "Fuck, Im so very idiot!" bulong ko sa sarili ko. ang tanga-tanga ko, wala akong nagawa man lang.

Naisip ko tuloy yung sinabi kanina ni Ms.Grande. bakit hindi niya pinagpatuloy yung sinabi niya kanina?! hindi ba importante yun na malaman ko yun? hays, hindi ako titigil hangga't hindi ko naiiligtas si Nicole.

Maya-maya ay may pumasok na isang nurse sa room ko. lumapit sya sa lamesa sa tabi ng bed ko. Inaayos nya ito na para bang ilalabas nya ito. "Pwede na po kayong bumalik sa dorm nyo sir." sabi nito at nilabas na nya ang mga gamit dito sa loob.

Maya-maya ay tumayo ako sa kama dito sa infirmary room. pagtayo ko ay kumuha ako ng isang damit ko dito sa gilid ko at pumunta ako sa cr para magpalit ng damit ko. agad naman akong lumabas sa cr. Nag buntong hininga ako ng mahaba bago lumabas ng infirmary.

It's already 5pm na kaya naisipan kong pumunta na ng dorm ko para magpahinga. Yun kasi ang sabi sakin ni Ms.grande kaya sinunod ko yun para rin sa ikabubuti ko.



Angelica's POV



Nandito ako ngayon sa dorm ko. nakaupo ak osa sofa dito sa dorm. halos nakatingin lang ako sa kawalan sobrang tahimik kasi dito sa loob at halos wala akong maririnig kundi ang paghinga ko lang. Nalaman ko na din ang nangyari sa bestfriend ko na si Nicole. OO sa una nag-aalala ako sa kanya dahil ang turing ko na sa kanya ay kapatid na. Pero sabi naman ni Ms.Grande ay ang nakakataas na ang bahala sa problemang ito. may tiwala naman ako kay Ms.Grande kaya hindi na ako nag-isip pa ng kung ano-ano.

Maya-maya ay naalala ko ang mga nangyayari dito sa loob nang nandito pa si Nicole. Sobrang namimiss ko na yung babae na yun. sobrang malapit kasi sakin si Nicole, halos araw-araw ay magkasama kami except nalang kapag may iniutos sakin ang teachers or si Ms.grande.

Dumating na ang kinakatukan naming lahat ng mga kaibigan nya. Ang malaman ng mga taga Darkanian na nandito na sya sa Magical Wolrd, at ang pinaka masaklap pa ay nandito sya sa School namin. Paano kaya nalaman ng mga taga Darkanian na nandito na sya?! Hindi kaya----- oh no! ayokong mag expect sa mga bagay-bagay. ayokong magbintang. pero isa lang nasa isip ko. Ay may mata dito ang mga taga Darkanian.

Adamian Academy (School of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon