Chapter 12: Flashback

19 3 0
                                    




Nicole's POV



Kakatapos lang namin mag training ni Anthony. Diko inexpect na makakagawa ako ng Air Elements na ability. Ang alam ko lang kasi ay Fire elements ang ability ko.

Nang matapos na kami sa training ay pumunta ako sa garden na tinatambayan ko palagi. Excuse kasi kami sa subject namin kasi ay training namin. Diko akalain na mabilis lang pala kami matatapos ni Anthony sa training.

Nakarating agad ako sa garden at nag pa-fresh muna ako. Paano ba naman kasi, na-haggard ako sa training na yun. Grabe kasi si Anthony mag train sakin eh. pero namangha ako sa nagawa ko kanina. Nakagawa ako ng isang malaking ipo-ipo. diko alam kung paano ko nagawa yun.

Natapos na akong mag pa-fresh at sinimulan ko ng gawin ang assignment ko kay Mam Grace. Binigyan nya kasi kami kanina ng assignment bago kami mag training. Pagtapos daw namin magtrain gawin daw namin yun. About kasi yun training namin. Isulat daw namin yung mga nagawa namin sa training room.

Sinulat ko na ang dapat kong isulat sa assignment ko. Habang nagsusulat ako ay napaisip ako sa pinakitang ugali sakin ni anthony kanina. Ang sungit-sungit nya sakin. samantalanag nung mga nakaraan ay ang bait bait nya sakin.

Mabilis ko naman itong natapos. napag-isipan ko naman na magbasa nalang ng pocket book. mahaba pa naman yung oras namin kaya magbabasa muna ako.



Anthony's POV




Naglalakad ako ngayon sa hallway. Naisip ko kung ano ang ginawa kanina ni Nicole sa training room. Diko in-expect na magagawa nya ang isang malaking ipo-ipo sa kanyang baguhan. Totoo nga yung sinabi ni Ms.Grande samin. Sya nga ang Royal Princess. Hindi ko na yon pinansin at  napag-isip ko na pumunta ako sa graden ngayon. 

This place is my favorite place in this school. Palagi akong nandito kasi kapag nandito kasi ako ay nakakalimutan ko kasi yung lahat ng problema ko. Sobrang tahimik kasi dito at sariwa pa ang hangin dito. At mararamdaman mo talaga ang magical dito.

Malapit na akong makarating sa graden ay may nakita akong isang Estudyante na nakaupo sa isang bench na nakasilong sa isang puno. at ang kinauupuan nya pa ang pinaka paborito ko. Kasi nasisilungan sya ng puno. ayoko kasing naarawan kaya paalagi akong nandun.

Familiar ang mukha nya sakin. kahit malayuan ay nakikilala ko ang mukha nya, si Nicole. naalala ko tuloy nung nagbabasa ako ng pocket book ko ay bigla din syang dumating din sa bench na yun. sabi pa nya ay paboritong place din nya iyon. So, parehas pala kami. 

Nung papalapit na ako sa Bench na yun ay nagtago muna ako sa isang malaking puno. Pinagmamasdan ko ang kanyang mga ginagawa.


Naisip ko tuloy yung mga ginagawa namin nung bata pa kami ni Nicole sa mortal na tao.



~Flashback~



"huhuhuhuhu!" nadapa kasi ako habang tumatakbo dito sa graden. 

nagulat ako ng may lumapit sa aking isang batang babae. "Why are yo crying?" pagtatanong ng isang babae. umiling-iling nalang ako para hindi sya maawa sakin. 

"I know umiiyak ka, liers go to hell." sabi naman sakin ng isang babae.

Hindi ko naman kayang magsinungaling kaya sinabi kona ang totoo.

 "Oh diba, sabi ko na nga ba umiiyak ka eh." sabi niya at tumngin naman sya sa sugat ko sa tuhod at tumngin ulit sya sakin. 

"Anong nangyari sayo, bakit may sugat ka?!" pag-aalala nya. "Halika nga dito at gagamutin kita." kumuha sya ng Band aid at tinakip naman nya sa aking sugat yun. 

"Sa susunod mag-iingat ka ah, Hindi sa lahat ng bagay ay lampa tayo, matuto din tayo maging matapang sa buhay natin." sabi niya at ngumiti naman ako sa kanya. "Salamat." sabi ko at niyakap ko naman sya.

"Im Nicole, you?" pagpapakilala nya at nagpakilala naman ako sa kanya. "Im Anthony." at nagshakehands naman kaming dalawa. At naglaro naman kaming dalawa sa playground.



~Flashback End~



Yung mga sinabi nyang yun ay itinatak ko sa isipan ko yun. totoo naman lahat ng sinabi nya eh. Hindi laaht ng bagay ay lampa tayo, matuto din tayong tumayo sa sariling paa natin. Kaya ngayon, Kahit na sobrang dami kong problema ngayon, ay natututo parin akong tumayo sa sarili kong paa.

Nagulat nalang ako ay may biglang lumapit sakin. "Booooooo!" pang gugulat nya. "Ay! putek." sabi ko at napatalon naman ako sa sobrang gulat ko. Si nicole pala yun

"ano kaba nicole! nakitang mong may ginagawa ako nanggugulat ka!" pagsisinungaling ko.

"Anong may ginagawa? eh nakatulala ka nga lang dyan eh." sabi niya at tumatawa naman sya sakin. "Kung nakatulala man ako, wala ka ng pakelam dun. Please, leave me alone. I need to rest." cold kong sabi. "Okay." sabi naman nya at umalis na sya. Sorry nicole! 




Nicole's POV




Naglalakad ako ngayon papunta sa canteen. Paano ba naman kasi, minalditahan naman ako ng lalaking yun. si Anthony. 

Nagbabasa kasi ako ng pocket book, nagulat ako ng may naramdaman akong may tao dito sa garden. i don't know kung bakit ko naramdaman kahit wala naman akong nakikita. Hindi ko nalang pinansin yun at nagpatuloy na ako sa pagbabasa ng pocket book.

Napansin ko ay papalapit sya ng papalapit sakin. Minamasid ko ang buong paligid ko ay wala talaga. Sino kaya ang tao rito sa graden na to?!

Tumingin ako sa likod ko, may isang lalaking nakatingin sakin. as in nakatingin lang talaga sya sakin. Ginawa ko ay nagtago ako sa isang malaking puno. Nagulat ako ay hindi nya parin inaalis ang mga tingin nya kung san ako nakaupo kanina.

Tinignan ko kung may tao ba dun sa tinitignan nya, wala namang tao dun. Dahan-dahan akong pumunta dun sa kinauupuan nya. Habang papalapit ako ng papalapit ay nakatulala padin sya. Nung makalapit nako ay nakita ko ang kanyang mukha, si Anthony.

Nakangiti lang sya sa habang nakatulala. Ano bang nangyayari sa lalaking to?! nababaliw na ata to eh.

lumapit ako sa kinauupuan nya. Nang makalapit nako ay bigla ko naman syang ginulat at bigla naman syang napatalon. "ano kaba nicole! nakita mong may ginagawa ako nanggugulat ka!" sabi naman nya. 

"Anong may ginagawa? eh nakatulala ka nga lang dyan eh." sabi ko naman at tumawa.

"Kung nakatulala man ako, wala ka ng pakelam! Please, leave me alone, i need to rest." cols nyang sabi at umalis naman sya. hayssssssh! grabi talaga tong lalaking to. ang sungit talaga!


Pumunta na ako ng Dorm. alam ko naman na hinahanap na ako ni Angelica. lagot nanaman ako dun HAHAHAHAHAHA!




A/N


Yan lang po muna ang UD ko now. Busy pa kasi ngayon eh. naghahabol ako ng kasi ako ng grades ngayon eh. sorry for my UD now. maikli lang po kasi ngayon eh. abangan nyo po yung next UD ko guys! mwa :*

Adamian Academy (School of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon