Chapter 26: I fall in love with you

15 0 0
                                    




Nicole's POV



Happy Tuesday!


Maaga akong nagising ngayon, kakatapos ko lang din maligo ngayon. Paglabas ko ng cr ay nakita ko agad si Angelica na kumakain na.

"Oh, let's eat." pag-aaya nya sakin. tumango lang ako sa kanya at nagbihis na.

Nang matapos na akong magbihis ay umupo na ako sa harap nya at kumuha na ng plato at nag sandok na ng sinangag at hotdog. Hindi ako umiimik sa kanya, hindi rin sya umiimik sa akin. Pero alam kong pinagmamasdan nya ako ngayon. Wala ako sa mood ngayon at hindi ko alam kung bakit pero nawalan ako ng mood nung malaman kong may sakit si Anthony.

Nagulat naman ako ng biglang magsalita si Angelica. "Okay ka lang?" pagtatanong nya.

"Yes." tipid kong sagot. Bumuntong hininga naman sya bago sumagot.

"I know you're not okay." sabi nya. hindi ako sumagot sa kanya at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

"Umamin ka nga sakin?!" sabi niya at napatingin naman ako bigla sa kanya. Kumunot naman ang noo ko bago mag salita.

"What?!" inis na tanong ko sa kanya.

"Ano bang nangyayari sayo bakit ganyan ang mood mo ngayon?!" sabi niya at nakita ko namang seryoso sya kaya lumunok muna ako at nagbuntong hininga bago magsalita.

"Eh kasi bes eh.... Ano.. eh...  Mmmmm...." hindi ako makapag salita dahil naiilang ako sa sasabihin ko.

"Ano?!" sabi niya. "Dahil ba kay Anthony?!" nabigla naman ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam kugn bakit nya sinabi yun. At hindi ko rin alam kung paano nya nalaman ni Angelica na dahil kay Anthony nawalan ako ng mood ngayon. Kinabahan naman ako sa titig nya nung mapatingin ulit ako sa kanya. Alam kong seryoso sya kaya hindi agad ako nakapag salita.

"Tama ba ako?" nakangising tanong nya sakin. Hindi agad ako nakasagot at nakatingin lang ako sa kanya. Nag buntong hininga muna ako bago magsalita.

"Yes." maikling sagot ko. Halata namang nagulat sya sa sinabi ko hindi ko nalang yun pinansin at nagpatuloy na ako sa pagkain.

"Juskooo! Bakit nawalan ka ng mood ng dahil lang kay Anthony!?" sigaw ny sakin.

"Bakit ka ba sumisigaw!? Ang aga-aga oh sumisigaw ka agad!" sigaw ko rin sa kanya.

"Eh kasi naman bes eh, ang wierd mo ngayon." mahinahong sabi nya tumingin naman ako sa kanya at hindi sumagot.

"Bakit ba hindi ka umiimik kanina pa?!" pagtatanong nya ulit.

"Eh kasi bes, naalala mo yung kahapon galing tayop ng library? Kahapon nung nasa infirmary ako, nung pabalik na tayo ng classroom may narinig akong nag-uusap sa bandang likod natin. Nung mapansin ko yun agad kong binagalan yung paglalakad ko para marinig ko yung pinag uusapan nila."

"Aba e tsismosa ka naman pala eh!" pagpigil nya sakin.

"Letse! manahimik ka muna!" sabi ko at nakinig naman sya.

"Nung binagalan ko ang paglalakad ko narinig kong pinag-uusapan nila si Anthony. Narinig ko ding may sakit ngayon si Anthony kaya hindi ko alam kung bakit ganito naging mood ko nung marinig ko yun bes. Diko alam kung bakit pero simula kagabi nung nagre-review tayo ganito na mood ko."

"Aba! may sapak talaga ulo mo no! Naging ganun lang yung tao naiba na mood mo?!"

"Diko nga alam kung bakit naging ganto mood ko diba!? Basta, diko alam kung naaawa ako sa kanya o naiinis." sabi ko yumuko naman ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Adamian Academy (School of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon