Chapter 23:The Book

12 0 0
                                    



Nicole's POV



Nagising ako ng 5:30am. As usual, ako naman palagi ngayon nagigisng saming dalawa ni Angelica ngayon eh. tulog mantika kasi si gaga ngayon kaya ako nalang nagigisng ng maaga. Hindi na kasi ako nagpupuyat eh, tsaka hindi na ako namamahay kaya medyo maganda na tulog ko nang mga nakaraang araw.

Maaga akong natulog kagabi, at ang saya ko ngayon dahil may mga kaibigan pa pala akong nagmamahal sa akin. Akala ko kasi wala na akong magiging kaibigan eh, pero nagkamali ako. May nagmamahal pa pala sakin.

Una, sa mundo ng mga tao wala saking pumapansin kasi nga sobrang tahimik ko kaya palagi nila akong binu-bully. Hindi ko nalang sila pinapansin dahil wala naman akong matututunan sa kanila kundi mangbully ng mga estudyante. 

Pero ngayon, dito sa Magical world ko pala makikita ang tunay na pagmamahal ng isang kaibigan. Hindi lang kaibigan, kundi pinaramdam nila na parang tunay nila akong isang kapatid.

tumayo ako sa kama ko para mag-ayos ng uniform. Nakapagtimpla narin ako ng kape dahil tumayo ako kanina. Actually, mahilig talaga ako sa kape eh. HAHAHAHAHA!

Matapos kong mag plantsa ng uniform namin ni Angelica ay pumunta ako sa bintana malapit sa kama ko, Pagpunta ko dun ay dala dala ko ang kapeng tinimpla ko kanina. Binuksan ko iyon, pagbukas ko ay humampas sa aking mukha ang hangin na sobrang lakas. Napapikit naman ako at unti-unti kong idinilat ang aking mata.

Halos mamangha ako sa paligid ko dahil kitang-kita mo ang araw naunti-unti nang umaakyat pa itaas sa langit. Ang ganda talaga dito di katulad sa mortal na mundo. maganda din naman don, pero dito talaga puro magical. Napakaganda talaga dito.

Pinagmasdan ko lang ang paligid dito, tinignan ko din yung punong tinatayuan palagi ng ibon na nakikita ko, pero wala na yung ibon na yun. Ngumiti lang ako sa puno na iyon nung maalala ko yung ibon na yun. kilala ko na kasi yung ibon na yun. 

Sya si mommy, palagi nya akong binabantayan dito tuwing umaga. Napaginipan ko kasi sya kanina kaya nakilala ko sya. 


~Flashback~



Unti-unti akong dumilat para tignan ko kung ano yung nasa paligid ko. Pagdilat ko ay agad naman akong napapikit dahil sobrang nakakasilaw dito. Dumilat ulit ako, nawala na yung liwanag. Ang nakikita ko lang ngayon ay puting-puti na paligid. Walang halong kulay puro puti lang ang nakikita ko. Patay naba ako?

Maya-maya ay may lumilipad patungo sa direksyon ko. Nakita ko yung ibon na palagi kong nakikita sa dorm ko. "Anong ginagawa nya dito?" pabulong ko sa sarili ko.

Nakita ko na bumaba sya sa sahig malapit sa harapan ko. nagulat ako sa ginawa nya halos mapaatras ako sa nangyari sa kanya. Unti-unti syang nag anyong tao, at nagulat naman ako sa kinalabasan nya. Naging sya si mommy!

napahawak naman ako sa bibig ko dahil nagulat ako sa kanya. nakangiti lang sya sakin at pinagmamasdan lang nya ako.

"Mommy?!" sabi ko habang nakahawak ako sa bibig ko. "Ako nga, anak." sabi niya at ngumiti lang sya sakin.

Maya-maya ay napatakbo ako sa direksyon nya. Niyakap ko sya ng napaka higpit. SObrang miss na miss ko ang mommy ko ngayon. Niyakap din nya ako ng mahigpit at nagulat ako ng may pumatak sa luha sa pingi ko.

"Mommy miss na miss na kita!" sabi ko sa kanya habang humahagulgol. Nagbuntong hininga lamang syasakin bago magsalita.

"Ako din anak, miss na miss na din kita." sabi nya sabay higpit sa pagkakayakap nya sakin.

Adamian Academy (School of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon