Chapter 25:Anthony's Sick

10 0 0
                                    




Nicole's POV




Maaga akong nagising ngayon dahil ngayon ay may pasok na ngayon at kailangan na naming maagang magising kasi malapit na ang exam namin at para makapag review kami ngayon. 

Tumayo ako sa kama ko at saka nag plansa ng uniform namin. Agad naman akong natapos mag plantsa at ginising ko na si Angelica para magluto.

"Bes, gising! Anong oras na!" paggising ko. agad namang nyang dinilat ang mga mata nya at saka nag stretch pa sya bago tumayo sa kama nya.

"Anong oras na bes?" tanong nya nang makatayo na sya sa kama nya ng nag-uunat pa ng kamay at humihikab pa.

Tumingin muna ako sa relo ko at nagulat ako sa orasan. "Oh my god! it's 6:20 am na!" agad akong kumaripas ng takbo sa banyo at saka naligo agad-agad.

"Magluluto na ako bes. Bilisan mong maligo dyan baka ma late tayo." sabi nya.

"Oo bes! sorry, diko man lang napansing 6:20 na pala. Magluto kana dyan ah?" sabi ko sa kanya.

"Oo na!" sabi niya at hindi ko na sya pinansin at nagpatuloy na ako sa pagligo.

Agad namang akong natapos at lumabas na ako ng banyo. Paglabas ko ay nakita kong kumakain na si Angelica sa mesa.

"tapos kana pala, kain na." yaya nya sakin habang may laman pa yung bunganga nya. "Wait, bihis lang ako." at tumango lang sya sakin.

Nang makatapos na ako magbihis ay umupo naman ako sa lamesa at saka naghain ng plato ko at sinimulan ko ng kumain.

Tahimik naman kaming kumakain dito, walang nagsasalita maski isa saming dalawa pero nagulat ako ng basagin ni Angelica ang katahimikan.

"Bes, kinakabahan ako sa exam natin bes!" sabi niya sakin. inangat ko naman yung ulo ko sa kanya.

"Bakit naman?!" takang tanong ko.

"Eh kasi diba minsan tayong makinig sa mga prof natin, kapag gusto lang natin yung lesson dun lang tayo nakikinig?!" sabi niya sakin, napakunot naman ang noo ko. Oo nga no? paktay!

"Mag re-review naman tayo eh, don't worry." sabi ko at ngumiti lang ako sa kanya. Nag buntong hininga lang sya at saka tumayo na kami sa lamesa.

Nang matapos na syang maligo at magbihis ay umalis na kami ng dorm namin at pumunta na kami sa classroom namin.

Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway at walang kibuan. Napaisip din ako sa pwedeng mangyari samin sa exam namin. Minsan lang kasi makinig sa mga prof namin kaya kinabahan din ako baka mamaya ma blanko din ang utak ko pagdating ng exam.

Agad naman kaming nakarating sa classroom at pumasok na kami. Nang makapasok na kami ay nakita naming wala pa si Mam Grace kaya gumaan pakiramdam ko.

"Kala ko late na tayo bes!" sabi ni Angelica at umupo na kami ni Angelica sa upuan namin.

Napatingin naman ako sa upuan malapit sa bintana, walang nakaupo. Asan na kaya si Anthony?!

'Tssssss.... Bakit mo ba iniisip yun Nicole?! Ano bang nangyayari sayo?!'

Napatingin naman kaming lahat sa pinto ng may biglang pumasok. at nakita namin na pumasok na si Mam Grace sa room at saka pumunta sa harapan at nilagay na nya ang gamit nya sa lamesa nya.

"Goodmorning Class." nakangiting sabi ni mam.

"Goodmorning Mam." bati din namin kay mam at umupo na kami sa upuan namin.

Adamian Academy (School of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon