Chapter 13:Training again

20 3 0
                                    




Nicole's POV




"Nicole, gising na! late na tayo!" nang marinig ko yun ay bigla agad akong tumayo sa kinahihigaan ko at tumakbo na ako sa cr. Naniniwala naman ako kay angelica dahil palagi naman talaga akong late nagigising at sya naman ang unang nagigising saming dalawa.

Nagulat ako ng may tumatawa sa labas. "Bakit ka tumatawa?!" naiirita kasi ako mukha kasi syang ' Witch' sa tawa nya. "Nagmamadali ka agad eh 6am palang" at tumawa naman sya.

"Bwisit ka kala ko nanaman late ako!" gigil kong sabi at pinagpatuloy ko na yung pagliligo ko. No choice na nakahubad nako dito eh.

Kaya pala pinagtataka ko ay nung ginising nya ako ay hindi pa sya naliligo. Bwisit talaga tong babaing to!

Maya-maya ay natapos na akong maligo, "Oh, tapos ka na pala kain kana nagluto nako." sabi niya at inirapan ko naman sya. Kala naman nya masusuhulan nya ako sa ginawa nya. pumasok naman sya sa banyo ng tumatawa. Bwisit!


Habang kumakain ako ay naisip ko tuloy yung nangyari kahapon dun sa garden. Natawa tukoy ako nung ini-imagine ko yung mukha ni Anthony ng nakatulala. HAHAHAHAHA! parang timang yung mukha. HAHAHAHAHA! sa sobrang tawa ko ay nasamid naman ako. "Hooo! Hooo! Hooo!" ang sakit sa lalamunan.

"Anyare sayo nicole?" biglang nagsalita si Angelica. "Nothing. Bilisan mo nang maligo! bagal tssss" sabi ko at pinagpatuloy na yung kinakain ko.


Mabilis naman kaming nakakilos ni Angelica at ngayon ay naglalakad na kami sa hallway at papunta na kami sa room. Nagulat ako nung may bumanga sakin. "Ouch!" sabi ko at tumngin ako sa nakabanga sakin at nakita ko si Anthony. "Stupid Bitch!" cold nyang sabi. Hays. Hindi na talaga maganda araw ko ngayon dahil kay anthony and angelica. Bwisit!

Pinagpatuloy na namin yung paglalakad namin at nakarating agad kami sa room namin. pagpasok namin sa room ay wala pang gaanong estudyante dahil maaga pa ngayon. 

Hi guys!" sabay dating ni Aaron at Jerome. "Hi Aaron!" sabi namin at nakipag apir kami sa kanilang dalawa.

"Himala ang aga nyo ngayon?" pagtatanong ni jerome samin. "Eh pano kasi niloko ko si nicole na late na kami at nagmadali naman syang tumakbo sa cr at naligo. Di nya alam eh 6am palang kanina HAHAHAHAHA!" sabi niya at inirapan ko naman sya. 

Paano ba naman kasi ang lakas ng boses ni angelica kaya narinig tuloy ng iba kong mga kaklase kaya nakatingin tuloy sakin ngayon yung iba kong mga kaklase. nakakahiya tuloy!

"Ikaw kasi nicole eh minsan kasi wag kanang magpuyat para hindi kana nalalate magising." sabi ni aaron at pinipigilan nyang tumawa. "Cheee!" at tumalikod ako sa kanila.

"Ay oh! nagtampo tuloy si nicole!" pang-aasar ni Jerome. at sabay dating naman ni Aira.

"Hoy! bakit nyo binubully si nicole?! kayo ah, pati kaibigan natin inaano nyo." sabi ni aira. Narinig nya siguro yun bago sya pumasok ng room. Chismosa talaga to.

"eto naman, biniro lang namin si nicole no!" tumatawang sabi ni angelica. 


Nagulat kami ng biglang dumating na si Ms Grace. "Goodmorning Class." pagbati ni mam at tumayo naman kami para bumati din. umupo din kami agad at nakinig na kami kay Ms Grace.

Adamian Academy (School of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon