Chapter 1

111 5 2
                                    


RINGGGGGGGGGGGGGGG!!!



Kakatapos lang ng klase namin ngayon at uwian na namin. Nagsilabasan naman ang mga kaklase ko at ako naman ay inayos ko na ang mga gamit ko. Nagpahuli talaga ako dahil ayokong makisabay sa kanila kasi palagi naman nila akong binu-bully. 

Sanay na ako sa ugali nila. Kahit na masama sila sakin, nararamdaman ko naman sa loob-looban nila na mabuti silang tao. 


'Ugly nerd!'


'Bitch!'

Yan lang naman ang tawag nila sakin palagi. Hinahayaan ko nalang sila dahil wala naman akong mapapala kapag pinansin ko pa sila.

 Ako nga pala si Nicole Anne Hernandez, i'm 17 years old, at 3rd year na ako ngayon. Matangkad, maputi, hindi gaanong katabaan, hindi rin gaanong kapayatan, at hingit sa lahat, sexy. Charot!

Lumabas na ako ng room namin at sinarado ang pinto. Paglabas ko ng room ay wala na akong nakita maski isang estudyante. Malamang nakauwi na yung mga yun. Habang naglalakad ako ng hallway ay may naramdaman akong may sumusunod sa akin. Hindi ko nalang pinansin yun at dumretso na ako sa paglalakad.

Maya-maya ay may narinig akong isang pamilyar na boses sa likod ko. "Hey, bitch!" sabi ni Marie. Sya ang leader ng grupo nila na palagi lang naman akong binubully. 

Humarap ako sa kanila at nakita ko ang dalawa pa nyang kasamang mukhang alimango ang mukha na si Aira at Shiela. Hindi ko nalang sila pinansin at dumeretso na ako ng paglalakad.

"Hoy! Bastos kang palaka ka! Nakita mong tinatawag ka, tatalikuran mo lang ako!" She shouted. I rolled my eyes and hinarap ko na silang tatlo.

"What do you want?" bored kong sabi kay Marie.

"Aba't! bastos ka talaga eh no?" Sabi nya sabay sampal ng malutong sa mukha ko.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang palad nya sa aking mukha. SObrang sakit ng ginawa nya kaya hindi ako nakapagsalita. Naramdaman kong may likidong tumulo sa aking pisngi. Pinahid ko muna iyon bago ako humarap sa kanila.

"Ano? hindi ka parin ba nadadala sa akin ha? Kinakausap kita ng maayos tapos ta--"

"Ano bang ginawa ko sayo!? Hndi naman kita inaano pero palagi mo akong binubully! Ano bang naging kasalanan ko at palagi mo tong ginagawa sakin!?" Hindi ko na napigilang lumuha habang sinisigawan ko sya. Pagod na ako. Pagod na akong apihin nalang palagi.

"Aba't sumasagot ka nanaman!" Akmang sasampalin nya ulit ako ng biglang may humawak sa kamay nya kaya napatigil ito sa gagawin nya sakin.

Nakita ko kung kaninong kamay ang nagmamay-ari nito, walang iba kundi si Bryan.

"Ititigil mo to o dadalhin kita sa Principal's Office?" sabi ni Bryan kay Marie kaya napatigil ito sa ginagawa at bumuntong hininga.

"Pasalamat ka dumating ang Presient natin kung hindi babaliin ko buto mo dyan." Bulong nya at tuluyan na silang umalis. Naiwan naman kaming dalawa dito ni Bryan. Tanging tahimik lang kaming dalawa at walang umiimik.

"Ahh." pagbasag nya ng katahimikan. "Are you okay?" he ask at tumango lang ako.

"Good." ngumiti sya. "Pwede bang sumabay pauwi?" sabi nya

"S-sige." utal kong sagot at lumabas na kami ng School.

----

Huminto na kami sa tapat ng gate namin. tahimik lang kami dito at walang nagsasalita. Siguro naiilang kami sa isa't-isa kaya walang nagsasalita, tanging nakatayo lang kami sa tapat ng gate namin.

Adamian Academy (School of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon