Chapter 7:The Dare

22 3 0
                                    



Nicole's POV


Maaga akong nagising dahil hindi ako nagpuyat kagabi. lumabas si angelica sa cr at pumasok naman ako.


mabilis naman akong natapos at kumain na kami. "Bat ang laki ng ngiti mo ngayon nicole?" pagtatanong ni angelcia sakin. "Ha? hindi ah." sabi ko. at ngumiti ng konti.


"wee? iba ang ngiti mo ngayon eh. dahil ba kay anthony?" sabi niya.


"Hindi ah! bakit napasok si anthony dito?" paglilihim ko.


"Dahil nagkabati na kayo." sabi niya at ngumiti naman ako.


"halika na, malalate na tayo sa klase natin. at para makita mona yung crush mo." pagbibiro nya.


"Hoy baliw! hindi ko crush si anthony no." sabi ko.


"Oh, bat binangit mo si anthony? wala naman akong binabanggit na panaglan?" sabi niya at ngumisi naman sya. nahuli nya ko sheeeeeeeet!


"Oh, bat dika makapagsalita? nahuli kita no?! sabi ko sayo eh. Mindreeader ako right?" ay! so it means nababasa nya din yung nasa isip ko? hayyyyssssh >.<


"tara na nga!" pag-aaya ko sa kanya at ngumisi naman sya sakin. parang tanga puta hahahaha.


Papalapit na kami sa room ng harangin ulit ako ni------ kim?!


"Hey Bitch! baka akala mo tapos kana sakin?" sabi niya sakin ng nakataray.


"ano ba yun? inaano ba kita?" sabi ko. "Inaano?! ano bang ginawa mo sakin last time?! pinahiya mo ako sa maraming estudyante peste ka!" galit nyang sabi skin. tsssss-,-


"Ano bang ginawa ko sayo at bakit kaba galit na galit sakin ah?! at kailan mo ba ako titigilan?!" sabi ko. nag-iinit na din kasi yun gdugo ko sa kanya eh.


"Dahil inagaw mo sakin si anthony. nang dahil sayo napalayo na sakin si anthony! at anong titigilan?! hindi kita titigilan hangga't hindi mo ginagawa yung dare ko sayo." sabi niya sakin. dare? anong dare yun.


"Anong dare yung pinagsasabi mo huy!?" sabi ko naman sa kanya. 


"Gusto kong pumunta ka sa Dark Forest. may ilalagay akong bag dun sa Pinakamatandang puno na nandoon sa dark forest. kailangan makuha mo iyon. kapag hindi mo nakuha iyon, hindi kita titigilan." sabi sakin ni kim ng nakangisi. ohmy! san naman yun?! hays.


"Stop it kim!" sabi ni angelica.

"wag kang mangialam dito!" sabi ni kim. "tommorow, 12 Midnight kailangan nandun kana sa tapat ng Dark Forest." at umalis na sya.


"wag kang pumayag nicole! ddelicado dun nicole!" sabi sakin ni angelica at nag-aalala sya sakin.


"Wala akong choice angelica, kailangan kong gawin to. para tigilan nya na ako." sabi ko.


kailangan kong gawin ito para tigilan nya na ako. hays! kahit delicado pa yan papasukin ko yan. kesa naman patayin ako ni kim sa pambubully nya sakin. -,-


Pumasok naman kami sa room at wala si anthony dun. wait, bakit ko nga pala hinahanap yun?!


"Nicole, please! wag munang ituloy yung balak mo." sabi niya sakin at nag-aalala sya para sakin.


nagbuntong hininga lamang ako. nagdadalawang-isip ako kung gagawin ko ba ito o hindi. hays! ang hirapppppppppppppp>.<


Habang nagdidiscuss si mam ay iniisip ko kung itutuloy ko ba yung dare sakin ni kim. diko talaga alam ang gagawin ko.


natapos na yung klase namin at lumabas na kami ni angelica, aaron at aira. paglabas namin nakasalubong naman namin si jerome. "tara na sa canteen kain na tayo." sabi ni aaron at pumunta na kami sa canteen.


Pagpunta namin dun, ayun nilibre ulit kami ni aaron lahat. diko ba alam kung bakit pala libre sya saming lahat. 


Natapos na kaming kumain at si angelica pumuntang library para magbasa ng mga about sa ability nya. at si aaron, aira ay gumawa sila ng assignments na ibinigay sa kanila ni mam at nagpaturo sila kay jerome. at ako, heto wala nanaman mapuntahan.


napag-isipan ko nanaman na pumunta ulit dun sa garden. umupo ako dun sa bench na inuupuan ko palagi. maya-maya ay may lumapit sakin na lalaki. si Anthony.


"Hey! nandyan ka pala." sabi sakin ni anthony. "i told you yesterday na dito ako palagi tumatambay, right?" sabi ko naman. "ay! sorry i forgot." sabi naman nya at ngumiti.


"By the way, alam moba kung ano yung dark forest?" pagtatanong ko kay anthony. at nagulat naman sya sa tinanong ko sa kanya. 


"Ang Dark Forest ang pinaka delikado dito sa loob ng Adamian Academy. Ang Dark Forest ay matatagpuan sa likod ng School sa pinakadulo ng school nato. Pinagbabawal ng mga Teachers na bawal pumasok dun sa Forest na yun kasi sobrang delikado doon. dahil iba;t-ibang nilalang ang nakatira doon. Bakit mo nga pala naitanong?" mahaba nyang paliwanag.


"ah, eh-- wala! wala!" sabi ko at yumuko ako sa hiya.


"Itatanong mo yan sakin kung hindi importante?" sabi niya.


"ah, hindi! nabanggit lang kasi sakin ni angelica yun." pagsisinungaling ko sa kanya.


"Ah, kala ko naman kung ano. let's go, may kalse pa tayo." pag-aaya nya at pumunta na kami ni anthony sa room.



**********



Nasa room na kami at pumasok na kami ni anthony. pagpasok ko ay nakita ko sila angelica, aaron at aira na nakaupo na sa upuan nila. so, kami nalang pala dalawa kulang?! at ngayon, nakatingin sakin si kim. nakasimangot nanaman sya sakin. hayssss>.<


Buti nalang hindi kami pinagalitan ni sir dahil late nanaman kami. Naisip ko tuloy yung dare ni kim. itutuloy ko ba bukas yun? hays.




A/N


Sinipag mag UD ngayon hahahaah. yan na yung bagong UD. bukas na yung next UD hahaha.

Adamian Academy (School of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon