Chapter 8:
[Mei's POV]
"what??? totoo yan? friends na kayo?" si Charm gulat na gulat sa kwento ko, absent kasi siya ng isang linggo kaya di updated hahaha
"grabe ka naman best, di ba pwedeng maging friends kami ni Nami?"
"wala akong sinabi ha. eh kasi naman magkaribal kayo kay Sen noon tapos biglang boom!! friends na kayo?"
"noon yun, hindi na ngayon, may Makki na ko" sabay subo ng pagkain
saktong dating naman ni Makki
"ow speaking of Makki, andyan na siya oh" -Charm
"hi hon *sabay kiss sa cheeks ko* hi Maine" tsaka umupo sa tabi ko
"hi Makki"
"hon? san ka galing?"
"practice hon, nuod ka ng pre-battle ha"
"opo, kahit di mo sabihin"
"ahm hon, okey lang ba kung di kita maihatid mamaya?"
napapadalas na yan T.T
"may gig ka ulit hon?"
"ah.. eh.. oo eh"
"napapadalas ang gig mo ah, baka napapabayaan mo yung pag aaral mo niyan?"
"hindi naman, nag aaral kaya akong mabuti" -Makki
bigla namang tumunog yung phone niya
"una na ko ah, bye hon, Maine alis na ko" tsaka niya sinagot yung tawag nung nakaalis na siya
"sino kaya yung tumawag? nagmadali bigla eh" -Charm
"ewan?"
"yung totoo? may something sa iniyo, umamin ka nga sakin"
"wala kaya, ikain mo na lang yan"
..
nagmemerienda ako mag isa dito sa isa sa mga bench, may special exam kasi si Charm, si Nami wala akong number niya, si Makki naman naka-off yung phone niya.
naaasar na nga ako eh, lagi na lang ganyan pag tatawagan ko siya. kung hindi number busy o naka off, hindi niya sinasagot. tapos parang once a week na lang niya ko ihatid ngayon, tapos nag celebrate kami ng 2nd monthsary namin na parang wala lang naman. unlike nung unang monthsary namin na nag effort pa talaga siya.
"hi bunso" bati sakin ni Cloud
"oh andito pala kayo, bakit hindi nyo kasama si Makki?"
"hindi mo ba siya kasama?" si Chris sabay offer sakin nung kinakain niya
"hindi ko nga siya makontak eh, nakapatay ata yung phone niya?"
"di siya pumasok kanina bunso" si Mike sabay upo sa tabi ko
hindi siya pumasok? kausap ko lang kaya siya kanina, bakit naman siya magdiditch? hindi man lang niya sinabi sakin
"eh di itanong niyo na lang sakaniya mamaya, di ba may gig kayo?"
"gig? wala ah" -Chris
wala silang gig??? nagsinungaling siya sakin
"ay akala ko meron"
"matagal na kaming walang gig kasi medyo busy kami ngayon sa mga school activities" -Cloud
eh bakit ang lagi niyang paalam, may gig sila? ouch! ayoko ng nasa isip ko T_T
"bunso ayos ka lang?" -Mike
"ha? oo ayos lang ako, may iniisip lang akong problem solving, punta muna akong library nakalimutan ko kasi na may assignment pala ako. bye" tsaka nagmadali akong umalis
