You Make My Kokoro Go Doki Doki 5

185 8 4
                                    

chapter 5:

[Mei's POV]

"sigurado ka bang ayaw mo pang umuwi?" tanong sakin ni Makki

tumango lang ako, naintindihan naman niya

"dun tayo" sabay turo niya sa harap ng isang botik. sarado na yun, 10pm na kasi kaya halos wala ng katao ta na dumadaan, mangilan ngilan na lang siguro kung mapapansin. umupo kami sa harap nung botik, para siyang hagdan pero isang step lang

"ok ka na ba?" - Makki

"pasensya ka na naaabala pa kita, dapat kanina ka pa nakauwi kung di lang kita kinaladkad sa kung saan saan"

"ayos lang yun kamahalan"

napalingon ako sa kaniya

"hahaha wala lang, trip ko lang itawag yun"

napatingin ako sa ferris wheel, may perya kasi malapit dun kaya tanaw mo yung mga rides

napansin siguro niya na iba yung tinitignan ko kaya lumingon siya sa direksyon kung san ako nakatingin

"ganda no?" sabi ko, habang mangha pa rin sa paikot ikot at makulay na ferris wheel

"mas maganda ka diyan" mahina niyang sabi

ngumiti lang ako sabay balik ng tingin sa ride na kinagigiliwan ko

"ang love parang ferris wheel..." out of the blue, bigla niyang sinabi

tumingin naman ako sa kanya para pakinggan pa yung kasunod na sasabihin niya, habang siya seryosong nakatitig pa rin sa ferris wheel

"paikot ikot lang.. mamimiss mo siya, magkakagusto ka sa kaniya tapos masasaktan.. magagalit tapos mamimiss mo siya.. tapos ma-iinlove ka ulit sa kanya. hanggang sa maulit ang cycle"

"may pinanghuhugutan ka ata?" pabiro kong tanong

"hahaha lika na nga iuuwi na kita, ay mali, ihahatid na kita pauwi pala" sabay tayo na

"oo nga tara na"

sumakay kami ng jeep papunta samin tapos naglakad na, kasi papasok pa yung bahay namin

hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay

"dito pala ang bahay niyo, malapit lang sa school. sige na pasok ka na sa loob" -Makki

"salamat ha. ingat ka sa pag uwi"

"wala yun. basta ikaw kamahalan"

"hahaha loko ka talaga, sige na pasok na ko. goodnight sayo" sabay pasok na ng gate

You Make My Kokoro Go Doki DokiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon