(gusto ko lang mag thank you sa mga taong to ^___^ )
Aiza Patadillo
Aoi Arceo
Diana Dela Cruz
Jean/wheneveryoneforgot
Ross Palayon
Wingless_Fairy
----------------------
Chapter 10:
"Love is like a rubber band. Held at both ends by two people, when one leaves... it hurts the other."
[Mei's POV]
"hindi ka pa rin papasok?" si Charm, sinundo na ako sa bahay para kaladkarin daw ako papuntang school
"bukas na lang, wala pa ako sa mood"
"hay girl. wag ka ngang magmukmok dahil lang dun. wag mong ipapahalatang affected ka" alam na niya yung nangyari. ano pa nga ba? bff ko siya kaya alam niya lahat ang nangyayari sakin, hindi ko kasi kayang maglihim sa kanya
"madaling sabihin, mahirap gawin" sabay takip ko ng unan sa mukha ko
"bumangon ka na!" habang hinihila ako sa kama
"bukas na. promise papasok ako bukas"
"kung ganon..." umupo lang siya sa kama ko "hindi rin ako papasok"
"hibang ka ba? pumasok ka na!" sabay tulak ko sa kanya para lumayas na siya sa kama ko hahaha pero pasaway din talaga ang loka
"magbestfriend nga talaga kayo" si kuya, nasa pinto pala siya hindi ko napansin
"shu! alis ka nga, pumasok ka na.. alis alis" si Charm, sabay irap kay kuya
"tss.. dyan na nga kayo" sabay sara ng pinto
"hahahaha nakakatawa talaga yang kuya mo. kaya ko siya.." biglang bumukas yung pinto
"kaya mo ko crush no?" habang nakasilip si kuya sa pinto
biglang namula yung bestfriend ko kaya pinagbabato niya ng unan yun pinto
"alis!!!!!" -Charm
(_ _') kawawa naman yung unan ko
"kayo na no?" tanong ko
"hindi ah. pwede ba Mei" tsaka siya pumunta sa harap ng PC ko
"paopen ako ng watty"
"wait lang log out ko lang fb ko" tsaka ako tumakbo sa tabi niya
may nagchat pala sakin
pag open ko..
para akong napako sa kinatatayuan ko
"sino yan? anong sabi?" -Charm
binasa niya yung nakasulat
"pwede bang wag ka ng lumapit sa boyfriend ko? huh? sino to best?" tinignan niya yung profile nung nagchat sakin
siya siguro yung Zelle, kasama niya sa profile picture niya si Makki
"shockz! ito ba yun? tss pangit naman" habang kinakalkal yung fb ng 'girlfriend' ni Makki
"akala ko ba best wala na sila? bakit naka in a relationship pa silang dalawa sa fb?"
"aish yaan na nga natin yan, tara labas tayo!" sabay tayo sa upuan tsaka pinagtutulakan ako sa banyo
"san tayo pupunta?" -ako
"hmm magdedate tayo *wink* "
wala naman na kong nagawa, kesa magmukmok ako dito pumayag na lang ako
