CHAPTER 15
[Nami's POV]
"Dhe di ka pa papasok sa loob?" habang papalapit kay Dhe.
gabi na kasi tapos andito pa siya nag i-star gazing
"Mhe? dito ka sa tabi ko"
umupo ako sa damuhan, ang ganda ng mga stars, ang tahimik ng paligid, ang lamig ng simoy ng hangin, BER month na kasi kaya naaamoy ko na ang simoy ng pasko
humilig ako sa balikat niya habang nakatingin pa rin sa langit
"Dhe?"
"hmm??"
"how long can i rest on your shoulder?"
"till people take me on their shoulder, Mhe" sabay halik sa noo ko
ipinikit ko yung mata ko, dinadama ko yung moment na yun, ganito na lang sana kami lagi, yung malaya kami, yung hindi itinatago yung relasyon, sana matanggap na ng parents ko yung namamagitan saming dalawa ni Sen, hayss ayoko na kasing itago pa ito sa kanila, gusto kong ipagsigawan sa lahat na siya yung taong mahal ko ..
dala na rin siguro ng pagod, kaya unti unti na kong nilamon ng antok habang nakasandal sa balikat niya...
----
[Mei's POV]
good morning!!! sabay bangon sa higaan
lumabas na ko ng kwarto naamoy ko kasi yung sinangag
"hmm!! ang bango naman, nagutom ako bigla" sabay upo sa harap ng mesa
"syempre si Mhe ang nagluto kaya mabango" si Sen na nakasuot ng apron at nagpreprepare ng mga plato sa mesa
"sus nambola pa, good morning Mei"
"good morning Nami, good morning Sentoot! ang aga aga ang cheesy niyong dalawa, nang iinggit kayo hmp" biro ko sa kanila
ang cute cute nilang tignan habang pinupunasan pa ni Sen yung pawis ni Nami na kasalukuyang may hawak na sandok. bagay talaga sila, di ako nagsisisi at nilet go si Sen at hinayaan ko siya kay Nami, kasi alam kong nagmamahalan talaga silang dalawa. ako kaya? kelan ako sasaya ng gaya nila? si Makki kaya? tama bang hanggang ngayon hindi ko pa siya binibitiwan? sabi niya kasi mahal niya ko, kaya... kaya hindi ko siya maiwan iwan
"Meitoot hipag nagdedaydreaming ka nanaman"
"hipag ka diyan, tumigil ka nga, iluluto kita sige"
"hahaha di ka na mabiro"
oo nga pala, simula nung insidenteng yun sa palengke, hindi na ko pinapansin ni tetano. problema kaya nun? Kay Charm nga niya ipinaabot yung phone ko eh nung binalik niya sakin yung phone ko. hmmm bakit ko nga ba iniisip yun? mas maganda nga yun eh HAHAHA walang makulit na nang aasar sakin ^___^
"Sentoot, si Charles ba pupunta dito mamaya?"
"hmm hindi ata. kasi inaayos nila yung stage sa plaza, di ba nga ngayon yung mga band ang magpeperform"
"gusto ko manuod nun, tara Mei punta tayo mamaya" Nami
"sige sige Nami. wait.. that means may nakontak na silang magpeperform mamaya?" ako
"i dunno. ang alam ko kasi iba yung magpeperform eh, hindi yung sikat na band, pero magaling naman daw"-Sen
"oyy ano yan? may lakad kayo hindi ako sinasama?" si Charm na umupo sa tabi ko
"oo taong bahay ka, iwan ka best"
"you're so mean best *pout*"
"hahaha joke lang best, syempre kasama ka noh"