CHAPTER 17
[Mei's POV]
"sige Mei mamili ka, kanino ka ba sasama? sakin o sa lalaking yan?"
anak ng siomai! help!!
(flashback...)
hala gabi na ko dumating, napasarap ang kwentuhan namin ni Makki, namiss ko kasi siya.. sobra!!
dahan dahan akong pumasok sa mansyon
"oh bakit ngayon ka lang? san ka galing?" tetano
(_ _') andito sila sa sala, wala akong kawala nito
"ah.. eh.. diyan lang, namasyal lang"
"sinong kasama mo?"
bakit ba siya tanong ng tanong? yung iba tahimik naman nakaupo at pinapanuod kami
"classmate ko, nakita ko lang sa daan. bakit ba??"
"anong bakit ba na sinasabi mo? ako nga na pinanganak dito eh hindi kabisado tong lugar, tapos ikaw na first time pa lang makapunta dito eh kung saan saan ka pumupunta, kung kani kanino ka sumasama!" medyo nagtaas na yung boses niya
"malaki na ko Yuki! hindi na ko bata!" napasigaw na rin ako sa inis
"okey! fine.. the hell i care!!" sigaw niya tsaka
bigla naman siyang tumayo at nilampasan lang ako, nagdiretso na siya sa kwarto niya
"oh anong nangyari dun?" si kuya Davii na kakalabas lang ng kwarto niya
"ayun nag walk out" Nami
"san ka ba talaga galing best? yung totoo" tsaka silang lahat tumingin sakin
waaahh.. wala na kong kawala nito
"okey, aaminin ko na. kasama ko si Makki"
"ano??" sabay na sabi ni Nami at Charm. si Sen napabuntong hininga lang at si kuya? nagkibit balikat lang
"bakit? anong masama? nagkita lang naman kami ah" paliwanag ko
"inaantok na ko" si Charm habang papunta na ng kwarto niya
"ako din, napagod ako eh. night Dhe" kumiss muna siya sa pisngi ni Sen tsaka pumasok na rin
ako na lang, si kuya Davii at Sen.. isang mahabang katahimikan, nang bigla akong akbayan ni kuya at hinila papuntang sofa, pinaupo niya ko sa tapat ni Sen at tumabi sa kanya. bale ako tapos kaharap ko silang dalawa
"we need to talk bunso" pa-una ni kuya
"okey, ano po yun"
"*sigh* first, sorry sa inasal ng kapatid ko, pagod lang yun. hinanap ka kasi niya buong araw" Sen
"ha? hinanap ako buong araw? bakit?"
"bunso ang slow mo" sabay katok sa ulo ko
"aray kuya"
"syempre may gusto siya..." Davii
"Davii.." saway ni Sen
"ay oo nga pala sorry. basta nag alala siya sayo bunso"
"tsk! ang arte nun di naman ako mawawala" *pout*
*pak!*
"aray kuya, dalawa na yun"
"ikaw naman kasi. nag alala na nga sayo yung tao sinagot sagot mo pa. di mo ba naisip na pagod siya? at dahil yun sayo"
"eh bakit ba kasi mag aalala siya? di ko naman sinabing mag alala siya sakin"