Chapter 7:
[Yuki's POV]
-_- tsk nakakatamad naman oh, papunta ako ng music room, may praktis ang banda. oo tama ang basa niyo, kasama na ko sa banda ng kapatid ko. ganito kasi yun...
(flashback)
"psshh.. mga PDA, ang kokorny niyo" bulong ko habang palabas ng room
naaalibadbaran ako sa scene kanina. nagpropose yung lalaking yun kay bubuyog? yuck!
nagpunta ko sa tambayan ko, syempre dun sa tahimik, yung walang nakaaligid sakin, dun sa harap ng freedom wall
"hayy sarap mahiga, buti na lang wala nang klase, yun lang ang maganda sa ginawa nung dalawang baduy"
pinagmamasdan ko yung dingding na puno ng sulat, bigla kong napansin na may arrow dun na nakaturo sa sulat ko. nilapitan ko kasi medyo malabo, may pagkanearsighted kasi ako
"hey autumn whats your problem, wanna share? -MR"
may nagkainteres sa sinulat ko? napasmile naman ako dun. kinuha ko yung panulat sa bulsa ko tsaka nagsulat, isinulat ko dun yung tungkol sa family ko, yung pagtrato sakin ng dad ko. wala namang masama kung sabihin ko di ba?
bukod sa di naman niya alam na ako yung autumn, hindi rin naman niya ko nakikita
tapos may nabasa akong sulat
"Makki of I.T. siguradong kayo nanaman ang mananalo sa battle of the band -your#1fan"
Makki ng I.T.? siya yung lalaking tumugtog kanina, kasama siya sa banda?
bigla kong naalala si Sen
*scoll sa phone book*
dinial ko yung number niya, ang tagal pa sagutin!
"hello bro?" sa wakas nasagot din niya
"bro busy ka ba?" tanong ko
"ah nasa klase ako ngayon" -Sen
pasaway din pala tong kapatid ko
"pano mo nasagot tong tawag ko?"
"nakaheadset hehehe" proud pa siya -_-
"itatanong ko lang sana, yung banda mo ba sasama sa battle of the band?"
"oo" grabe ha ang tipid
"makakalaban niyo yung Makki ng I.T.?" tanong ko ulit
"oo, magaling nga yun eh"
"bro payag na ko" -ako
"payag saan?"
"sa offer mo, na kunin akong drummer niyo"
"yes!" sigaw niya sa kabilang linya, tapos may narinig akong nagsalita
"Mr.Sato!!!" wahahaha instructor ata niya yun, biglang naputol yung linya eh pinagalitan ata
(end of flashback)
at yun nga, im a certified member of... wait.. ano na nga bang group namin? nakalimutan ko kasi
(_ _')
"bro! late ka, 50push up" -Sen
O_O wagas naman may punishment pa?
"hahaha biro lang, oh tara start na tayo"
-_- kung di ko lang talaga kapatid to siguro nasapak ko na tong si Sen
umupo na ko sa harap ng drums, si Sen ang vocalist at lead guitarist din at the same time. Si Aj sa base at.. teka wala pa yung isang member
