CHAPTER 13
[3rd Person's POV]
kumpleto na sila ngayon at tinatahak na nila ang daan papuntang
probinsya nila Yuki at Sen. si Sen ang nagdadrive habang nasa
katabing front seat si Yuki, tulog kasi yung tatlong babae na kasama
nila, tutal naman daw 4-5 hours pa yung byahe kaya itinulog na nila.
bale lima sila sa loob ng Van. si Sen, Yuki, Nami, Mei at si Charm
"buti nakalabas ka agad ng ospital bro, kung hindi siguro di tuloy
tong bakasyon" si Sen habang nakatutok ang mata sa kalsada
"syempre ako pa!" si Yuki, at bigla namang napalingon sa likuran ng
sasakyan
"bro matunaw. wag masyadong titigan"
"lol. magmaneho ka na lang diyan"
"nasabi mo na ba sa kanya?"
biglang kumunot yung noo ni Yuki sa sinabi ni Sen at napalingon sa
kapatid
"sasabihin ang alin?"
"sus denial king! di ba may gusto ka sa kanya?"
napaiwas siya ng tingin sa narinig
"ha? a-anong sinasabi mo diyan? hindi ah. tsk yuck"
hindi na lang yun pinansin ng kakambal niya at nagpatuloy na lang
ang pagmamaneho. pero alam niya sa sarili niya na may gusto na ang
kapatid niya sa dalagang itinuturing na niyang bestfriend, napansin
kasi niya yung unti unting pagbabago ng kapatid sa maiksing panahon
lang na nakasama ang dalaga. minsan din nahuhuli niyang nakangiti
ang kapatid niya habang pinagmamasdan sa malayo si Mei
"malapit na tayo"-Sen
"gising na kayo malapit na daw tayo" sabay bato ng maliit na unan sa
backseat
"asan na ba tayo?" si Charm na medyo inaantok pa pero umupo na ng
tuwid, habang nag aayos naman na ng sarili si Nami
"Mei gising na"-Nami
"5minutes"-Mei
"balak pa talagang mag extention ha, uy bonsai gising na, iiwan ka
namin dito"
napuyat kasi si Mei at halos 30minutes lang ang tulog kagabi dahil
nga katext niya si Makki, ayaw kasi siyang payagan ng binatana na
pumunta dun sa bakasyon na humantong sa away kaya ala-singko na ng
umaga ng makatulog siya
"hayaan na muna natin, mukhang puyat ata eh"-Sen
lumabas na sila ng van matapos ipark ni Sen sa harap ng isang
mansyon ang sasakyan nila
sinalubong naman sila ng isang matandang babae na mga nasa 50+ ang
edad
"good morning sir Kiyoshi"
"nay, Sen na lang po, hindi po ako sanay na tinatawag sa pangalan ko