Chapter 9:
[Mei's POV]
kinabukasan hindi ako pumasok, the next day hindi rin. 3days rin
yun hanggang sa dumating ang weekend
"yung totoo? ano ba talagang problema? may bagsak ka bang subject kaya ka nagkakaganyan? sabihin mo para matulungan kita" pangungulit ni kuya sakin. ako naman naka tago lang sa ilalim ng kumot, namamaga kasi mata ko at ayokong makita yun ni kuya
minsan hindi rin ako kumakain kaya pinapagalitan din ako kasi namamayat na raw ako at lagot daw ako kay mama at papa pag nadatnan nila akong ganito
"wala ka ba talagang balak magsalita?"
sorry kuya ayaw muna kitang kausapin
napagod din siguro siya kaya lumabas din ng kwarto. pagkasara niya ng pinto agad naman akong bumangon at umupo sa kama bigla nanamang nag unahan sa pagtulo yung luha ko, hanggang kelan ba to matatapos? ang sakit sakit, kung pwede lang buksan yung chest ko tapos tanggalin yung puso ko sana ginawa ko na matapos lang tong paghihirap ko
kinuha ko yung phone ko tapos binasa ko yung mga old texts niya sakin, parang di ko akalaing magagawa niya to, asan na yung 'sky is the limit' na sinasabi niya?
pumunta ako sa phone book ng phone ko tsaka ko hinanap yung number niya. mga ilang minuto ko rin tinitigan yun. gusto ko siyang tawagan, gusto ko siyang makita, makasama.. namimiss ko na siya
"bahala na" bulong ko sabay pindot ng dial
*kriiiinnnnggg... kriiiinnnggg... krrriiiinnnnggg*
tunog lang ng tunog yung phone niya
"siya kaya may hawak ng phone niya?"
ring lang ng ring..
5 times?
13 times?
naka 37 missed calls na ko pero wala pa rin
umiiyak na ko habang dinadial yung number niya, nung biglang...
"hello? sino to?" may sumagot sa kabilang linya
"Makki?" biglang bumilis yung tibok ng puso ko, di ko alam kung
kinakabahan ba ko o masaya kasi sa wakas sinagot din niya
"oo, bakit sino to?"
"Mei to"
"..." hindi siya nagsalita
"Makki, magkita naman tayo oh"
tapos bigla na lang
*call ended*
pinatayan niya ko, ouch!
dinial ko pa ng ilang beses pero lagi niya naman akong pinapatayan kaya tinext ko na lang siya
»"Makki, kita tayo please :'( please please"
»"hindi pwede, sorry"
reply niya
»"please :( kita tayo mamaya sa harap ng mall 2pm. aantayin kita"
hindi siya nagreply
mukha na kong desperada pero anong magagawa ko, mahal ko talaga siya hindi ko siya kayang ilet go :(
..
11:30am
nakaligo na ko, nakakain na rin ng lunch, himala nga raw sabi ni kuya at hindi niya ko pinilit na kumain ngayon
