CHAPTER 19
[Nami's POV]
papasok na ko ng bahay, galing ako ng school at hindi ko inaasahan ang nakita ko pag pasok ko
"ma? pa? nakauwi na pala kayo. bakit hindi kayo nagpasabi para nasundo ko kayo sa airport"
kaso biglang..
*slap!!*
"ma?" habang hawak ko yung pisngi ko na namula sa sampal ni mama
"i told you Nami hiwalayan mo yang boyfriend mo! bakit ba hindi ka nakikinig samin? yan na ba ang natututunan mo sa kanya ha! ang suwayin kami?" sigaw ni mama
"san niyo nakuha yang impurmasyong yan?"
"wala ka ng karapatan pang malaman kung san namin nakuha yon ng papa mo!"
"Nami during your semestral break, siya ba ang kasama mo?" Papa
"..." ako
"my god!! ang sabi mo kasama mo yung mga kaibigan mo!" Mama
"pero kasama ko naman po talaga sila ma" naiiyak kong sagot
"pero kasama mo rin yung lalaking yon!! Nami, hiwalayan mo na siya ngayon din!" Mama
"mom! i love him!" at tuluyan na nga akong umiyak
"ah magpaalam ka na sa kanya, dahil isasama ka na namin pag alis ng bansa, sa ayaw mo at sa gusto!"
tsaka sila pumasok sa kwarto at iniwan akong tulala
....
"Mimi are sure na okey ka lang?" si Sen habang naglalakad kami papunta sa next subject ko
"yah im okey, ano na nga ba yung sinasabi mo kanina?"
"yun nga, 2weeks from now battle of the band na.. so kelan ang practice? para masabihan ko na sila Aj at Yuki"
2weeks? yun din yung araw ng pag alis ni mama at papa sa bansa. anong gagawin ko
"namumutla ka Mimi, gusto mo bang magpahinga muna sa clinic?excuse na lang kita sa mga prof mo" nag aalala niyang tanong
"Sen?" habang nakatingin ako sa mata niya, seryoso ang ekspresyon ng mukha ko ng humarap siya sakin
"hmm? may poblema ba? tell me.." malambing niyang sagot
"mahal mo ba ko?"
"oo, sobra"
mas lalo akong nahirapan huminga, pano ko siya iiwan sa ganitong kalagayan
"Sen"
"yes Mhe?"
huminga ako ng malalim. hindi ko alam kung tama tong gagawin ko, wala akong magawa sa gusto ng parents ko
"sorry Sen" sabay yuko
"sorry for what? Nami!"
"wala.. ahm papasok na ko sige bye"
hindi pa ito yung tamang oras para magpaalam, hindi ko pa kaya...
-----
[Mei's POV]
andito ako ngayon sa bench sa silong ng mangga. oo may mangga sa loob ng campus, ewan ko kung saan galing to, pero totoo may mangga dito. parang sa school ni Author may mangga rin sa loob ng campus nila hahaha
dala ko yung gitara ko, strum strum lang,haba kasi ng vacant ko ngayon kaya dinala ko to pampalipas oras, nang biglang may sumulpot na kabute
"ay palaka!" sigaw ko ng biglang may tumabi sakin