You Make My Kokoro Go Doki Doki 23-Part 1

126 6 2
                                        

Chapter 23: part 1

----- 

ang love story ba dapat si prince charming lagi ang bida? 

pano kung sa kakahanap mo kay Prince Charming eh hindi mo na napapansin yung talagang para sayo? 

sometimes the right person for you was there all along, 

you just didnt notice because the wrong one was blocking your sight... 

Huwag mo kasing hanapin si 

Prince Charming, 

kundi yung Knight-in-Shining-Armor. 

Hindi man siya napapansin sa una... 

pero handa naman siyang sagipin ka.. 

at handang ibigay sayo ang buhay niya. 

----- 

[3rd Person's POV] 

"anak gising na, di ka ba papasok ngayon?" tawag ng mama ni Mei sabay katok sa pinto, nakauwi na sila galing sa business trip kahapon lang 

"ma wala kaming pasok ngayon" habang nakapikit at nakayakap kay piggy piggy 

"ma wala pong klase ngayon kasi battle of the band namin mamaya, kasama ako sa tutugtog" si Davii na kakalabas lang ng banyo at hinihimas himas pa ang tiyan, mukha kasing masama ang timpla ng tiyan niya ngayon 

"anak may problema ba? kanina ka pa pabalik balik ng banyo ah" Mr.Ramirez 

"medyo masama lang po timpla ng tiyan ko ngayon Pa" 

"teka kukuha ako ng gamot" Mrs.Ramirez 

"good morning!" bati ni Mei habang nag iinat inat pa 

"aba, ganda ng gising natin bunso ah, anong meron" 

"wala naman kuya hehehe, excited lang ako mamaya, ichicheer kita!" 

"sus, ako ba talaga o si Yuki?" 

"kuya!!" 

"hahaha eh bakit ka nagbablush, guilty?" 

"papa oh, si kuya inaasar ako" sumbong niya sa papa niya 

"sino ba yung Yuki?" Mr.Ramirez 

"yung naghatid sa kanya kahapon Pa" 

"ahh yung katulad kong gwapo? bagay kayo nak, nanliligaw ba yun sayo?" Mr.Ramirez 

"Pa!! pati ba naman ikaw?" *pout* 

"ano yan? bakit pinagtutulungan niyo yung dalaga ko?" Mrs.Ramirez, sabay abot ng gamot kay Davii 

"mama oh pinagtutulungan ako nila papa waaahh mama" 

nagtawanan lang silang tatlo sa kinilos ni Mei 

... 

papunta na ng venue sila Sen at Yuki, habang nakasakay ng kotse... 

"bro ayos ka lang?" Yuki 

"yup, kinakabahan lang siguro para mamaya, nakontak mo na ba sila Aj at Davii?" Sen 

"oo, susunod na daw sila sa venue" 

pero ang totoo niyan, naguguluhan si Sen, hindi kasi niya alam kung ano ba ang gagawin niya, nakipagkita kasi siya kagabi kay Nami, at sinabi nito sa kanya na aalis na ito ng bansa ngayong araw, kasabay ng contest. at hindi siya makapili kung saan ba siya dapat pumunta sa mga oras na to 

"Sen!" tawag ni Davii, nakarating na sila sa backstage at nag aayos ng mga gamit 

"oh, bakit hindi maipinta yang mukha mo?" Aj 

You Make My Kokoro Go Doki DokiMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon