Skye's POV
(# ̄▽ ̄#) "I know right!" nyahaha sabi na nga ba matutuwa sila hihi..
Ganto kasi yun..
Oo magmomovie marathon kami + overnight sila + maraming chocolates and chips = PARTY PARTY as in ang tagal na kasi namin di kumakain ng sobrang chocolates and chips pinagbawalan kasi kami ni Kuya.
Wala pala si bru kasi syempre ang alam ni Kuya diber boy sya? kaya bawal ahaha.. Crayola tuloy ang bru.
Sa katunayan nagsskype kami kaya inggit na inggit ang lola ahaha!!
MOVIE MARATHON NA!
AFTER 5 HOURS
"Sissies gusto niyo magpractice? Nakakabagot eh!" -ako
"Sige, tagal na nating di nagppractice eh ahaha baka natatalo na tayo nila Kuya Wind." -Chloe
"Oo nga eh, bat kasi hindi pa natin sila nakikita? Hmp" -Zoe
"Baka kasi 'di natin sila kilala?" -alanganing sabi ni Charlotte.
"Malamang Char, alangang kilala natin ng di nakikita?" -asar ni Lily
"Ahaha Char bigti na!! Wag na kasi magsalita dakilang waley ka na naman eh." -ako
"Oy tama na yan, practice na!"-Zoe
"ok Grandma (^o^) " kaming apat. Yeah sya ate namin dito eh :D
AFTER 4 HOURS
Yehey dami naming napractice. Sabi kasi samin ni Kuya anytime pwede kaming tumugtog sa bar dahil college na kami pero mas mabuti daw kung Fri and Sat ang piliin namin.
Naisipan na naming pumunta sa Lyrical Avenue's room.. Yeah yeah, tama po kayo sa binabasa niyo may room po ang band namin pati rin naman sila Kuya pero di ko pinapasok room nila pati rin manan si Kuya, sa personal room ni Kuya oo pumapasok ako dun hihi..
Kaso pagkatapos namin maligo, hindi naman kami inaantok, ayun nagchickahan na lang kami ng chikahan. Hanggang napunta ang usapan kila Kuya.
"Sis nagtataka pala ako, bakit ba kasi di mo pa nakikilala yung band ng Kuya mo? Eh minsan naman dito sila natutulog?!" -tanong sakin ni Lily
"Ewan ko? Di ko sila feel eh.. kahit di ko pa sila nakikita parang ayoko? Ganun.. tsaka kapag nandito sila di na ako lumalabas o kaya di ko lang talga sila nakikita." explain ko, hiningal pa ako dun ah.
"Hmm, paano kaya kung tingnan natin sila ngayon? 10:30 pa naman class natin bukas eh." -Zoe
"Wala daw tayong class, kakabasa ko lang."-Char
Yehey!! Puyatan na ituuuu!!!
Nagbihis lang kami, hmp sila na ang nakapantalon. nakashorts lang kasi ako nakakatamad kasi eh haha.
Nagpahatid na kami kay manong driver namin...
AT SKYEWIND BAR
Naks ang daming tao ah? Di kasi kami pumupunta dito kapag hindi kami yung kakanta.. Balak namin hindi magpapakita kila Kuya baka kasi pagalitan ako nun eh. Manonood lang DAW kami.. Hmmp may hidden agenda lang kasi sila, gusto lang kasi nila makita yung mga kaband bi Kuya eh.
BINABASA MO ANG
Endlessly In Love With You
Genç KurguPaano kung sa hindi inaasahang pagkakataon may dalawang taong halos kasuklam na ang isa't isa sa unang pagkikita pa lamang? Paano kaya sila magkakasundo kung aso't pusa ang turingan nila sa isa't isa? Aroganteng lalaki at palaban na babae?! NA-UH...