Chapter 4 : First

73 10 2
                                    

"Guys, on the way na daw si Nixon." paalala ni Rocky.

"Mabuti naman at humabol siya agad! Tsss." inis na sabi ni Lauren. "Bat ba ang init ng dugo mo kay Nixon?" Seryosong tanong ni Regine. "Kasi naman! Palagi siyang pa VIP! Palagi na lang humahabol sa mga lakad natin! Minsan nga di pa nakakadating!" Inis na sabi ni Lauren.

"Talaga bang dahil diyan kaya ka naiinis? Pfft. Kung alam lang namin na dahil kay Jessica~~" pang-aasar ni Noel. "Shut Up! Hindi dahil sa kanya! Nakakainis lang" Sabi niya sabay simangot. "Uy ito naman binibiro lang, galit agad. Pikon ka talaga." muling tukso ni Noel.

"Nakakainis na kasi. Minsan kasi sumusobra na. Nakakabeast mode tsss." Sabay irap niya pa. "Edi magalit ka! Binibiro ka lang naman tapos ganyan ka? Pikon ka lang kasi talaga at ayaw na ayaw mong lapitan si Nixon ng iba dahil May Gusto ka sa kanya!" Inis din na sabi ni Noel.

"Tumigil na nga kayo, Kayo na nga lang magkamukha nag-aaway pa kayo, Tara na dun na tayo sa baba at magswimming na tayo." Pagpigil naman ni Rocky sa kanya. "Magkamukha? Chaka niyan eh at saka ayoko ng magswimming. Nawalan na ako ng gana" sabi niya sabay taklob ng unan sa mukha.

"Iwanan na nga natin yan! Tsss. Ang arte arte! Bahala ka dito! Mag-isa ka!Kala mo naman ang ganda mo!" muling banat ni Noel. "Ano ba! Di ba kayo titigil? Nandito tayo para magsaya diba? Bat kayo nag-aaway?" Pag-awat ni Regine.

"Sure ka Lauren na dito ka lang?" tanong ko. "Yes" Tipid at cold niyang sagot sabay lagay ng earphone sa tenga. Sabay sabay na kaming lumabas sa room namin at nagtungo sa pool.

"Affected kasing masyado tsss. Indenial pa halata naman." Bulong ni Noel ng makarating kami sa pool. Di na lang namin sya pinansin dahil siguradong aawayin niya rin kami pag nagkataon.

Maya-maya pa ay biglang kumalam ang sikmura ko at napagpasyahan kong pumunta sa Dining Area. Pagkadating ko doon ay naupo muna ako habang hinihintay yung servant. Di ko namalayan na halos 30 minutes na pala akong nakatunganga dito. Umorder na ako ng pagkain at umalis na din pero habang naglalakad ako pabalik sa pool ay narinig kong sumigaw si Noel.

"Tulungan niyo kami! Tulungan niyo yung kaibigan ko! Laureeeeeeeeeennnn!!!! Lauuuurrrreeeeennnn!!! Anong nangyari sayo?" malakas na sigaw ni Noel kaya agad silang nagsiahon sa pool at kahit basa pa'y tumakbo na kami ng sabay sabay papunta sa room namin.

"Oh no!! What happen???" Iyak din na sabi ni Rocky. Lahat kami ngayon ay umiiyak at gulat na gulat sa nakita namin sa loob ng Room 666. Nakasabit ang ulo ni Lauren sa kisame sa pamamagitan ng kanyang buhok. Ang kanyang mga daliri... Unti unting nanlabo ang paningin ko sa nakita at tuluyan akong nawalan ng malay.

•••
Updated: January 24, 2017

Vote, Comment and Share!

Continue and Enjoy Reading!

©EckoMillano

Dedicated to : selomenio

KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon