Chapter 6 : Goodbye Lauren

49 13 6
                                    

"Yan ang napapala ng nagsisinungaling... Kung inamin mo lang sana na siya ang mahal mo... Edi sana buhay ka pa ngayon... Paalam Lauren."

***
Dinilat ko ang mga mata ko. Puti lang ang nakikita ko. Lumingon lingon ako sa paligid at napagtanto kong nasa Hospital pala ako. "Salamat naman at nagising ka na!" sabi ni Noel. "Anong... Nangyari?" Tanong ko. "Nakita natin ang ulo... ni... Lauren...na nakasabit sa kisame at bigla kang hinimatay" malungkot niyang sabi.

Biglang pumasok sa isip ko ang napanaginipan ko, Panaginip kung paano namatay si... Lau...ren. Muli namang tumulo ang luha sa mga mata ko, Luha ng lungkot sa pagkawala ng kaibigan ko. "Napanaginipan... ko... kung paano... paano siya... namatay" malungkot na sabi ko. "What? Totoo?" Tanong ni Regine.

Ikinwento ko sa kanila ang aking naging panaginip. Lalong dumami ang luha sa aking mata habang nagkukwento ako. "Nakakaawa si Lauren nung oras na yon pero wala akong nagawa sa panaginip ko at hinayaan ko siyang patayin ng nakamaskara" sabi ko biglang hagulgol. "Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari Angel, Panaginip lang yon at kung sakali mang totoo, Hindi mo kasalanan yun dahil wala tayo sa kwarto ng mga panahong iyon" Pagpapalakas sa loob ko ni Rocky.

"Pero.." Pag-angal ko. "Guys, Condolence." mahinahong sabi ni Nixon. "Salamat Nixon, Sayo din Condolence." sabay sabay naming sabing apat.

Pumunta kami sa bahay nina Lauren para ibalita sa Mommy niya ang nangyari. "Oh mga anak? Bat nandito na kayo? Akala ko ba sa makalawa pa ang uwi niyo? Teka Nasan ba si Lauren?" sunod-sunod na tanong ni Tita Marisse. "Tita... p-pasensya na p-po... W-wala n-na p-po si... si...si... Lauren..." pautal-utal kong sabi. "Ano??!! Anong sinabi mo? Anong pinagsasabi mong patay na ang anak ko? P-pano nangyari yun? S-sabihin niyo! Paano!" Lungkot at may halong galit na sabi ni Tita.

"Tita... naabutan na lang po namin sya sa room namin... nakasabit... po... ang ulo sa... kisame... ang mga kuko ay nakatanggal sa daliri... ang mga daliri ay nakatanggal sa kamay... Hindi po namin alam kung sino... gumawa nun..." mangiyak ngiyak na sabi ni Regine. "N-nasan ang bangkay niya? Gusto kong m-makita!"

***
Ngayon ang araw ng libing ni Lauren, lahat ng mga kapamilya at nagmamahal sa kanya ay nandito. Isa-isa na kaming naglagay ng bulaklak kay Lauren. Mayroon silang sinabi pero hindi ko narinig, tanging kalungkutan lamang ang makikita sa mukha ng mga tao rito. Naglakad ako patungo kay Lauren, inilapag ko ang bulaklak na hawak ko. "Lauren... Patawarin mo kami... kung hindi ka namin nailigtastas... Patawarin mo kami sa lahat lahat... We Love you... Ingat sa bago mong paglalakbay..." sabi at nagsimula na muling tumulo ang mga luha ko. Lumipas lamang ang ilang sandali at inilibing na si Lauren kasama ng kanyang mga ala-ala. Paalam Lauren.

•••
Updated : January 28, 2017

Vote, Comment and Share!

Enjoy and Continue reading!!

©EckoMillano

Dedicated to : triz_charylle

KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon