Chapter 3 : Room 666

72 10 2
                                    

"Tara na. Pasok na tayo." sabi ko habang binubuksan ang pinto. Bigla na lang silang nagtulakan at sumobsob ako sa sahig. Bwisit talaga. Ang sakit kaya.

"Ano ba yan! Nagmamadali? Nagmamadali? May Lakad? May Lakad?" Inis na sabi ko. "Inulet hahahahaha" pambabara na naman ni Noel sabay tawa nilang lahat. Sinamaan ko lang sila ng tingin at pumunta na ako sa kama. May dalawang malaking beds dito, So napagdesisyonan namin na sa isang bed yung boys at isang bed naman kaming girls.

"Rocky, Wala bang history tong kwarto na to?" Tanong ni Regine. "Actually, Ngayong year lang uli inopen tong room na ito dahil 23 years ago, mayroon daw mga namatay dito. May mag-asawa daw kasing umupa dito dati then naabutan na lang daw nung babae na patay na yung asawa niya sa room na to." Kwento naman ni Rocky.

"Ayoko na dito! Lilipat na talaga ako ng room!" mangiyak ngiyak na sabi ni Regine. "Tumigil ka nga Regine! Wala pa namang nababalita dito na may pinatay uli! Nung nakaraang saturday pa to binuksan, Friday na ngayon."pagpapakalma ni Rocky kay Regine.

"Fine! Basta hindi dapat tayo maging kampante sa room na to!" dagdag ni Regine.

Matapos ang usapang iyon ay kumain na kami at naghanda para sa pagtulog. "Good Night Everyone" bulong ko. "Good Night Everyone" Sabay sabay na sabi nila. Narinig ko naman ang paghilik ng dalawang babaeng katabi ko, maging ako tinamaan na rin ng antok.

***
Isang ingay ang aking narinig. Sinundan ko ang pinagmumulan ng ingay at napagtanto kong sa isang kwarto ito nang gagaling.

'Room 666' bulong ko ng mabasa ko ang Room Number. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nagulat ako sa bumungad sa akin. Mayroong nakamaskara, hindi ko malaman kung lalaki o babae dahil maging ang katawan niya ay nababalot ng tela.

Sinasaksak niya ang isang lalaki habang binibigkas ng paulit-ulit ang mga salitang "Kung hindi ka sakin mapupunta, mas mabuti pang mamatay ka na lang." Ilang sandali pa ay nabigla ako sa kanyang ginawa.

Ipinasok niya ang kanyang kamay sa bibig ng lalaki at buong pwersang hinila ang dila nito hanggang sa ito'y matanggal sa mismong bibig ng lalaki. Gusto kong sumigaw ngunit walang boses ang lumalabas sa aking bibig. Nakapandidiring tingnan ang pangyayari ngunit hindi ko maialis ang akong paningin doon. "Paalam, Mahal ko"

***
Nagising ako dahil sa ingay ng mga kaibigan ko. "Panaginip na naman pala" bulong ko. "May sinasabi ka Angel?" Tanong ni Lauren. "Wala! Ang sabi ko, Ang aga aga sobrang lakas ng bunganga niyo" Inis na sabi ko.

"Anong ang aga aga? Tanghali na kaya! Palibhasa tulog mantika ka eh!" sabat na naman ni Noel. "Atleast hindi ako maiistorbo sa pagtulog! Blehh!!" Sabay dila ko sa kanya.

"Guys, On the way na daw si Nixon"

•••
Updated : January 22, 2017

Vote and Share!!

May nagbabasa po ba? Comment lang po kung meron.

©EckoMillano

Dedicated to : RG_Legaspi

KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon