Chapter 7 : Second

42 11 1
                                    

Pagtapos ng libing ni Lauren ay nagpasya muna kaming magpunta sa kanya kanyang bahay. Nalulungkot at naaawa ako sa kanya. Sino kaya ang gumawa sa kanya nito? Ano naman ang naging motibo para patayin siya? Oo mataray at cold sya pero di sya pala away. Makunsensya sana ang gumawa nito.

Nagulat ako ng biglang magring ang phone ko. "Hello?"sabi ko. "Hindi naman kasi namin kasalanan yung nangyari! Nagpaiwan siya sa room" boses ni Noel. "Kung hindi niyo sana siya iniwan edi sana buhay pa siya ngayon!" boses naman ni Nixon. "Kami pa ngayon sinisisi mo? Eh kung nandon ka diba? Kung hindi ka nalate edi sana di siya magpapaiwan doon, hindi sila mag-aaway ni Noel." boses ni Rocky. "Ano ba! Tumigil na nga kayo! Angel Tulungan mo ako." boses ni Regine.

Base sa narinig ko, nakagroup call kami at nagsisisihan sila kung bakit namatay si Lauren. "Ayoko na! Ayoko na! Wala kayong kwentang kaibigan!" Galit na sabi ni Nixon. "Wow! Sige umalis ka! Kami pa ngayon ang walang kwenta! Eh mas pinahahalagahan mo pa nga yang girlfriend mo kesa samin eh! Sige umalis ka na!" huling narinig kong sabi ni Noel at nawala na siya sa Linya ganon din si Nixon at Rocky.

"Bess, Ano bang nangyayari? Sinabi ko naman kasi sa inyo na hindi na dapat tayo tumuloy sa kwarto na yun eh! Umpisa palang pinaalalahanan ko na kayo pero hindi kayo nakinig sa akin!" inis na sabi ni Regine. "Regine, Ano ba? Dalawa na lang tayong magkasundo kaya dapst gumawa tayo ng paraan para mapagbati sila." mahinahon kong sabi.

"Di ba sabi mo napanaginipan mo yung nangyari?  Ikaw pala talaga siguro yung may kasalanan! Siguro napanaginipan mo na yon bago siya mamatay pero di mo pinigilan! Hinayaan mo siyang mawala." paninisi ni Regine. "Ano? Hindi ko kayang gawin yun sa kanya! Wag na tayong magsisihan pare-pareho nating hindi gusto yung nangyari. Regine? Regine?" sabi ko bago niya ibaba ang tawag.

Ano ba naman to? Nagkasira na kami dahil sa pagkamatay ni Lauren. Paano na to? Hayy... sa kaiisip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

***
Nagising ako malapit ng mag-gabi. Tiningnan ko ang phone ko at nakita ko na may 24 missed calls. 5 galing kay Noel, 7 galing kay Rocky,  4 kay Nixon at 8 galing kay Regine. Mayroon ding 4 na message, habang binabasa ko ang iyon isa-isa ay muli na namang tumulo ang luha ko. Iisa lang ang gusto nilang malaman ko...

"Angel, May sasabihin ako. Patay na ang kaibigan mo. Hindi ko alam kung papaano pero gusto ko lang ipaalam na wala na ang kaibigan mo."

•••
Updated : January 29, 2017

Vote, Comment and Share!

Sino kaya ang namatay? Abangan sa Chapter 8 : Who's Dead.

Enjoy and Continue Reading!

©EckoMillano

Dedicated to : DeformedPatata

KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon