Chapter 20 : Final Death

34 5 0
                                    

Napatingin ako sa kanya. "Magpaalam ka na Regine!" sabi ko at inilabas ang injection na nakuha ko sa ospital. "Naalala mo ba ang pagpatay ko kay Nixon? Ha Regine? Gusto mo bang gawin ko rin sayo ang ginawa ko sa kanya?" tanong ko. "Please Angel, Mag-usap tayo ng maayos, Angel!" sabi niya.

"Bitiwan mo yang injection Angel! Itigil na natin to! Ang tanging paraan lang para matigil ang pagpatay ay ang mawala ka na!" Dugtong at inilabas ang isang kutsilyo. "So you will fight for your life? I like that" sabi ko at itinutok sa kanya ang injection. "If that's the only way to stop this, I will!" she said at tinutok niya rin sa akin ang kutsilyo.

"For the first time, may palaban din akong mapapatay. Kahit papaano mageenjoy ako." sabi ko sabay ngiti. "Tama na ang dada Angel! Si Noel na ang last mong mapapatay dahil papatayin na kita!" sigaw muli niya sa akin.

Hinawakan kong mabuti ang injection at iwinasiwas ko ito sa kanya. Ganun din ang ginawa niya. Ibinato ko sa kanya ang injection ngunit nakaiwas siya. Dali dali siyang tumakbo patungo sa akin at inambahan ako ng kutsilyo. "Ouch! How dare you!" I said dahil nadaplisan ako pero naagaw ko sa kanya ang kutsilyo.

"Huh. Matapang ka dahil may kutsilyo ka kanina? Ngayong nasakin na to. Magyayabang ka pa ba?" pang-aasar ko sa kanya. "Oo dahil hindi ko kailangan ng kahit ano para mapatay ka! Dahil kapag ginusto mo ang isang bagay lahat gagawin mo para dito!" matapang na sagot niya.

Ibinato ko ang kutsilyo at nadaplisan din siya sa kanyang braso. "Ngayon, Patas na uli ang laban." sabi ko at susuntukin ko siya sa mukha ngunit naharang niya ang aking kamay at sinuntok niya ako sa Tiyan. Napaupo ako sa lupa at dalian kong sinipa ang paa niya upang mapaupo rin siya. "Ouch! Ansakit nun ah!" maarte niyang sabi na nagpainis sa akin. So hindi niya pa pala ako sineseryoso? Tsss.

Tumayo ako at sinipa siya pahiga. Sa pagkakataong ito, nagtagumpay ako at nakatumba na ang buong katawan niya. Kinuha ko ang kutsilyo at tinapakan ko ang tiyan niya. "Ako nga ba ang huling mamamatay Regine? HAHAHAHA. Hindi mo ako matatalo! Patuloy akong papatay ng mga taong sinungaling, manloloko at mang-iiwan! Kaya sa---" naputol ang sinasabi ko ng gumawa siya ng move para mapahiga ako sa lupa.

"Dami mong satsat!" kinuha niya ang kutsilyong nabitawan ko nang mapahiga ako at itinutok niya ito sa akin. "Sino sa atin ngayon ang mahina? Sawang sawa na ako makakita ng mga patay! Sawang sawa na akong umiyak! A--- Bitiwan mo ang kutsilyo!" hindi niya namalayan na nakatayo na pala ako at hinawakan ang kutsilyo. "Ikaw ang madada!" sabi ko. Nag-agawan kami sa kutsilyo. Napunta ito pataas, pababa, papunta sa kanya at papunta sa akin.

Isa na sa amin ang mamamatay. At sisiguraduhin kong si Regine yun!

•••
Updated : February 12, 2017

Vote, Comment and Share!

Next Chapter : Resentment

Enjoy.

©EckoMillano

Dedicated po ito sa Active Voter ng Killer, walang iba kundi si DeformedPatata

KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon