Chapter 10 : Regrets

39 9 0
                                    

"Kaysa iwanan mo ako, mas mabuti pang mawala ka na rin kagaya ni Lauren." sabi ng nilalang.

***
"Angel? Angel? Ayos ka lang? Bat bigla kang natulala?" Tanong ni Regine. "Nakita ko na naman ngayon lang..." bulong ko. "What? Totoo ba yan?" takang tanong ni Noel. "Maybe kapag tapos nang patayin ang isang tao... dun ko makikita kung paano siya namatay..." bulong ko ulit. "Wait. So nakikita mo yung nangyaring natapos na?" tanong ni Rocky.

"I think so." tipid kong sabi at sinimulan kong ikwento sa kanila ang nangyari habang naglalakad kami papunta sa Punerarya dahil doon na dinala ang bangkay ni Nixon. "Kadiri! Natatakot ako! Ayokong sumunod sa kanilang dalawa! Gusto ko pang mabuhay! Gusto ko pang makapang-asawa at magkaroon ng anak!" sabi ni Regine.

"Mag-iingat na lang siguro tayo kasi hindi natin alam kung sino ang susunod." sabi ni Rocky. "Teka nga lang bat ang tahimik mo naman diyan Noel?" usisa ni Regine. "Uhmm... Wala wala, nalulungkot lang talaga ako dahil magkasunod na namatay si Nixon at Lauren.

"Sinabi ko na kasi sa inyo bago pa lang tayo pumunta sa Kwartong iyon na wag na tayong pumunta! Sinabi ko na sa inyong malas yung room na yun eh! Ngayon pare-pareho tayong kinakabahan dahil baka isa na sa atin ang sumunod! Isa-isa na tayong nawawala!" paninisi ni Regine.

"Wow ha! Sino kaya yung nagyayang magresort tayo? Di ba ikaw Regine? Wag mong ibalik samin yung sisi." inis na sabi ni Rocky. "Ano ba tumigil na kayo! Di dapat tayo nagsi---" hindi na natuloy pa ni Noel ang sasabihin niya ng sisihin din siya ni Regine. "Tumigil ka nga Noel! Isa ka din eh! Kung hindi lang natin nabalitaan yung history ng Room 13, aakalain kong ikaw yung killer!"

"Ang sakit mo naman magsalita!" inis din na sabi ni Noel. "Totoo naman di ba? Namamatay sila pagtapos mong awayin! Ngayon kami naman inaaway mo! Kami naman isusunod mo ganun ba ha?" Mangiyak ngiyak na sabi ni Regine. "Tumigil na nga kayo!" saway ko sa kanila.

"Isa ka pa! May napanaginipan ka na pala bago pa tayo pumunta dun sa resort di mo pa sinabi! Dahil sayo kaya nangyari to! Hindi mo manlang sinabi at ipinaliwanag samin nung una pa lang!" Sigaw ni Rocky.

"Oo! Sinisisi ko din ang sarili ko! Sorry na! Ngayon kailangan nating mag-ayos at magpakatatag! Pare-pareho nating hindi gusto ang nangyari!" paliwanag ko.

"Hindi ko alam... Mag-iisip isip muna siguro ako." sabi ni Regine sabay umalis. "Regine bumalik ka dito. Regine!" sigaw ko pero hindi ako nakarinig ng response. "Ako ayoko na! Ayoko nang ituloy to. Baka sakaling pagpinutol natin ang pagkakaibigan natin, maputol na rin ang sumpa o kung ano mang tawag dito!" sabi ni Rocky at umalis na din.

"Uhmm, Angel, Iwan muna kita." sabi ni Noel at umalis na din. "Pati din ba ikaw? Sige iwan niyo ako!" sabi ko at tuluyan na nila akong iniwan.

•••
Updated : January 29, 2017

Vote, Comment and Share!

Continue and Enjoy Reading!!

©EckoMillano

KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon