Chapter 9 : How?

59 10 4
                                    

Nagulat kami sa nakita namin, si Nixon ay nakahiga sa sahig... Wala ng buhay... hindi na humihinga... Napapikit ako bigla... May kung anong pumasok sa isip ko... Sa palagay ko'y ito na naman... ipapakita na naman ang mangyayari ngunit sa pagkakataon ito, hindi ako nakatulog o hinimatay... Sadyang pumasok lang sa aking isipan...

***
Nakikita ko ang paligid ng Nurse' Room... Puti... Maraming gamit... Bumukas ang pinto at pumasok si Nixon. Nagring ang cellphone at kanya itong sinagot. "Hello?" sabi niya. "Nixon! Wag mo ibababa ah? Group Call tayo." Narinig ko ang boses ni Regine. Pagkatapos ay isa isa ko na ring narinig ang boses ko, boses ni Noel at boses ni Rocky. Narinig ko din ang naging pagtatalo nila at nang mainis si Nixon ay ibinaba na niya ang Cellphone.

"Nakakainis! Mga walang kwentang kaibigan!" ang sabi niya sa sarili. Kinuha niya ang kanyang notebook at nagsulat ng kung ano. Maya-maya'y bumukas ang pintuan, pumasok ang nilalang na nakamaskara... Ang pumatay kay Lauren... "Sino ka? Nurse! Ilabas niyo ito dito! Guard!" sigaw niya na may halong kaba. Marahan lamang naglakad ang nilalang at nag-ikot sa buong silid.

Kinabahan si Nixon ng huminto ito. "Wag kang lalapit! Diyan ka lang! Nurse! Guard!" muling sigaw niya. Hindi siya pinakinggan ng nilalang bagkus ay lalo pang bumilis ang lakad nito palapit sa kanya. "Itigil mo na 'to! Hindi ako nakikipagbiruan!" sigaw niyang muli.

Nakakita ang nilalang ng isang Injection... agad siyang tumakbo palapit kay Nixon at akmang sasaksakin ito. Hinawi ni Nixon ang kamay nito at tumalsik ang injection... Agad na kinuha ito ng nilalang at buong pwersang ibinato kay Nixon. "Araaayyy!!" Sigaw ni Nixon ng tamaan siya nito. "Sleep well Nixon... Di ka na ulit magigising HAHAHAHAHAHA!" sabi ng nilalang. Bumagsak si Nixon sa lupa at unti unting um-epekto ang pampatulog na laman ng injection.

Nang nakapikit na ito ay agad tinanggal ng nilalang ang injection. Pinilit niyang idilat ang mata ni Nixon sa pamamagitan ng kanyang isang kamay, nang maidilat na ito ay agad niyang itinusok sa kaliwang mata ang injection na ginamit kanina. Inikot- ikot niya ang injection kasama ang mata ni Nixon ang sa matanggal ito. Nagtatalsikan ang mga dugo sa paligid. Pagkatapos ng Kaliwang mata ay tinusok naman ng nilalang ang kanang mata at inikot-ikot din ito kagaya ng kaliwa.

Nang matanggal na ang dalawang mata ay inilagay niya ito sa kanyang kamay... Tinanggal niya ang kanyang maskara, hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil bahagya siyang nakatalikod sa akin. Ang alam ko lamang ay isinubo niya ang mga mata ni Nixon at ito'y nginuya.

Matapos ang mahigit 10 segundo ay idinura niya ito kay Nixon habang sinasabi ang mga katagang... "Kaysa iwanan mo ako, mas mabuti pang mawala ka na rin kagaya ni Lauren."

•••
Updated : January 29, 2017

Vote, Comment and Share!

Enjoy and Continue Reading!

©EckoMillano

KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon