Chapter 14 : Who's the Killer?

45 11 0
                                    

"...Ahhhhhh!!!" sigaw ni Noel nang iligay ng killer ang kutsilyo sa dibdib niya at marahan itong ibinabaon. "Masakit ba Noel?" tanong ng killer. "Aray! Ikaw kaya--- Ouch!" daing ni Noel ng hiwain ng killer ang dibdib ni Noel atsaka ito binalatan... makikita na ang laman at ang madaming dugo...

Nakakita ang killer ng alcohol sa table ni Noel at dahan-dahan niya itong ibinuhos sa nabalatang dibdib ng aking kaibigan. "Aray! Parang Awa mo na! Aray! Tigilan mo na please!" pagmamakaawa ni Noel sa killer. "Awa? Nagpapatawa ka ba?" biglang tumawa ang killer matapos itong sabihin. Hinawakan ng killer ang nabalatang dibdib ni Noel at pilit itong hinahalukay... Tila may hinahanap... Muling binuhos ng killer ang alcohol sa dibdib ni Noel at labis na siyang nasasaktan. Hinawakan uli ito ng killer na naging dahilan ng lalong paghapdi...

Hinalukay uli ng killer ang dibdib ni Noel at napatigil siya ng may makapa siya... Isang bagay na kanina niya pa hinahahanap... Ang puso ni Noel... "Paalam Noel." huling sabi ng killer bago niya buong pwersang hinatak ang puso nito... Puro dugo... Pakiramdam ko ako ang pinapatay... Hindi pa natinag ang killer at hinagilap pa ang ilan pang laman loob ni Noel. Gamit ang kutsilyo... tinaga ng killer ang binti ni Noel... Ang mga dugo ay nagtatalsikan sa iba't- ibang parte...

Isinunod naman niya ang iba pang parte ng katawan... Lahat bali... Lahat putol... Paminsan minsan ay nagsisitalsikan ang ilang parte ng katawan... Inilagay ng killer sa isang bag chinop-chop at tinanggalang lamang loob ni Noel. Nagtungo siya sa CR upang tangkaing i-flush ito...

Habang umiikot ang tubig sa toilet bowl, madami ring nagtalsikan na dugo at iba't -ibang parte... Tumalsik sa kinaroroonan ng killer ang ilong, tenga, mata, dila at ulo ni Noel. "Hindi na dapat pa tayong pumunta sa Room nayun..." sabi ng killer.

***
"Miss! Gising na! Nasa terminal na tayo! Bayad muna bago baba!" sabi ni kuyang kunduktor. Kumuha ako ng pera sa wallet at bumaba na ako sa bus... May natanggap akong text kay Regine, 'Magkita tayo ngayon.' tinanong ko kung saan at sinabi niyang malapit sa bahay ni Rocky tinext ko rin sa kanya na ayon sa panaginip ko... Wala na si Noel.

Dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan ni Regine... Nadatnan ko siya doon na parang pagod na pagod... "Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko. Hindi umimik si Regine pero nabigla ako ng mayroon siyang kutsilyong hawak-hawak. "Ano to? Regine? Wag mong sabihing---" naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

"Wag mong isisi sa akin ang mga ginawa mo Angel! Alam ko na ang lahat! Napakasama mong tao!" galit na galit ngunit mangiyak-ngiyak na sabi ni Regine. "A-anong pinagsasasabi mo Regine? Wala akong ginagawang masama!" Dipensa ko. "Tsss. Palusot! Walang Murderer na hindi nag-iiwan ng clue Angel! At hindi mo na ulit mabibilog ang ulo ko! Maghintay ka lang at darating na ang mga pulis!" sabi ni Regine. "Anong pruweba mo na ako ang killer Regine? Ano? Anong dahilan bakit mo ako sinisisi?" tanong ko ng paiyak... Siya ang bestfriend ko tapos ganito? Pagbibintangan niya ako?

"May clue kang iniiwan Angel, at kung hindi pa kita aagapan ay baka ako na ang sumunod! Una mong pinatay si Lauren na may First letter na L, sumunod si Nixon na may First letter na N, Si Rocky... Rocky George, na may First Letter sa Second name na G at si Noel o Emmanuel na may first letter na E. Kung sakaling hindi ko to gawin... Ako na ang susunod dahil ang first letter sa name ko ay A means Alice so... L, N, G, E, A ang mga initials namin at kapag binalibaligtad ang limang letrang yan... ang magpapatunay kung sino talaga ang killer... At ikaw yon ANGEL." paliwanag ni Regine.

•••
©EckoMillano

KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon