Chapter 2 : Resort

91 12 2
                                    

"...Nandito na tayo" Sabi ni Rocky.

Sumilip muna kami sa bintana bago kami tuluyang bumaba. Kinuha namin lahat ng gamit sa kotse at saka kami nagsimulang maglakad. Bungad pa lang masasabi mo ng maganda ang resort dahil ang ganda ng pagkaka-arrange ng halaman, mga bulaklak at mga puno malapit sa main entrance. Yung mga puno ay napalilibutan ng mga magagandang ilaw.

Nang makapasok kami sa loob, Madilim ang paligid ngunit ang mga aquarium na may ilaw ang naging Pathway namin upang makarating sa dapat naming puntahan.

"Ang ganda talaga dito nakaka-amazed" Pamamangha ko. "Inusente ka talaga Angel. Ordinaryong resort lang din to. Iba lang ang design." singit ni Lauren. "Sinabi ko bang special to? Diba sabi ko maganda? hindi special? Tsss." Inis na sabi ko naman.

"No. I mean, Hindi mo dapat pinapakita kung ano yung nararamdaman mo palagi, Sometimes, Ginagamit ito ng ibang tao upang pabagsakin ka" pagdadrama niya.

"At saang story mo na naman napanood o nabasa yan? Tumigil ka nga. Gabi na nagdadrama ka pa." Singit din ni Noel. Bakit ba ang hilig nilang sumingit sa mga usapan? Tsss.

"Come on Guys, Punta na tayo sa Room natin." Pag- aaya ni Rocky.

"Teka lang Rocky, Anong Floor at Room Number natin?" Tanong ni Regine.

"Floor 13, Room 666." Tipid na sagot ni Rocky. "What??!! Diba malas yung number na yun?" pagkasabi nun ni Regine ay bigla rin akong kinilabutan.

"Bwahahahahah! Ang laki laki mo na naniniwala ka parin sa mga ganyan ganyan Regine? Hahaha" Pang-aasar ni Noel. "Aray ah! Ang sakit mo na naman magsalita! Di naman ako mataba ah?" Grabe talaga tong si Regine, Tuwing magsasabi ng Malaki or mataba palagi siyang affected. Pfft. Aminado.

"Tara na. Wag na maarte, Yun na lang yung room dito." pag- aayang muli ni Rocky. "Isa pa, gutom na rin tayo at inaantok" sabat ni Lauren.

Nag-agree naman kaming lahat kaya pumunta na kami sa Room namin. Pagdating namin sa tapat ng Room 666, Bigla akong humarang sa pintuan. "Heto na naman siya." bulong ni Noel. Grabe yung bulong niya ah, ang lakas rinig ko dito. tsss. "Kung sino ang mananalo sa Bato Bato Pik, Siya ang magbubukas ng Door." sabi ko. "Umiral na naman pagkaisip bata mo!" This time, malakas na pagkakasabi niya.

"Noel, Punta ka nga sa baba, Paki hanap yung PAKE ko!" Diniinan ko talaga yung pagsabi ko ng pake pfft. kasi naman eh, minsan na nga lang mag-enjoy eh,

Unang lumaban si Regine kay Lauren, Out of 3 naka 3 si Lauren at 1 naman kay Regine kaya si Lauren ang defending champion, ganun din ang nangyari nung kinalaban niya sina Noel at Rocky. "You're Next Kid." Mayabang na sabi ng babaitang to. Gunting, Bato, Bato yan ang ginamit kong combination habang siya ay Papel, Gunting, Gunting.

"And the Winner is... Angelica Reyes" Pagmamayabang ko. Ako naman kasi palagi nananalo hahahaha.

"Tara na. Pasok na tayo."

•••
Updated : January 21, 2017

Vote and Share!

Continue and Enjoy Reading guys!!

©EckoMillano

Dedicated to : mariamikaelaaa

KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon