Chapter 11 : Who's Next?

45 10 2
                                    

Dahil sa pang-iiwan nila sa akin, nagpasya akong umuwi na lamang sa bahay ko. Iyak ako ng iyak, kahit pigilin ko ay hindi ko magawa, pumapasok sa isip ko ang lahat ng nangyari nito lamang nga nakaraang araw. Una, ang magkasunod na brutal na pagpatay kina Lauren at Nixon. Ngayon naman, nagsisisihan kami kung bakit nangyari yon.

Bakit nga ba? Sino nga ba naman kasing tao  ang gagawa ng ganon? Tao nga kaya ang gumagawa nun? Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakatulog...

***
Napamulat ako ng mata ng makaramdam ako ng gutom. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng pagkain. Gabi na rin pala kaya bumalik na ako sa kwarto upang matulog ulit...

***
Ito na naman... Hindi! Ayoko na! Sa tuwing ganito ang panaginip ko... May namamatay... Ayoko na! Gumising ka Angel! Gumising ka! Arggh! Bat ayaw! Napatingin na lang ako sa paligid ko ng may marinig akong ingay.

Nakikita ko ngayon sina Regine at Rocky... Si Regine ay nasa bahay nila at mag-isa habang si Rocky naman ay mag-isa rin sa kanyang opisina. Hindi ko alam kung paano ko 'to nakikita ng sabay pero ito na, nangyayari na...

Bahagya akong napatingin sa direksyon ni Regine ng magsimulang magpatay bukas ang ilaw. "Anong nangyayari? No.. hindi to totoo... hindi ako! Ayoko!" sigaw niya. Napatingin din ako sa direksyon ni Rocky ng may biglang kumatok. *tok! tok! tok!* "Sino yan?" tanong ni Rocky ngunit walang sinumang sumagot.

Muli kaming nakarinig ng pagkatok ngunit ng tanungin niya ay wala pa ring nasagot. Napatingin agad ako kay Regine ng may kumatok din sa Pintuan. "Sino...yan? W-wag m-mo a-akong t-t-takutin" sigaw niya. Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Rocky kaya napatingin akong muli doon. Muli na naman akong kinabahan at lumuha... hindi pwedeng sabay silang mawala... hindi pwedeng meron pang mawala...

May kumatok muli sa pinto ni Regine. "Sino sabi yan eh! May dala akong kutsilyo wag kang magkakamaling pumasok! Hindi mo ako mapapatay!" muli niyang sigaw at madaling kumuha ng kutsilyo sa kusina patuloy parin ang pagpatay sindi ng ilaw. Napabaling ako ng tingin kay Rocky nang mamatay ang ilaw... may naririnig kaming yabag ng paa na unti- unting lumalapit sa kanya.

Sa kabilang banda, muling may kumatok sa pinto ni Regine, dahan-dahan siyang lumapit dito dala ang kutsilyo... Ramdam ko na kinakabahan at natatakot siya kung sino ang nasa pinto... Patuloy parin ang pagpatay sindi ng ilaw... hinawakan niya ang doorknob at unti-unti itong pinihit. Nagulat siya sa kanyang nakita "Ms, isa akong electrian, kanina pa ako katok ng katok dito hindi mo binubuksan, papaalam ko lang sana sayo na papatayin ko muna yung kuryente hindi ikaw pfft." sabi ng electrician. "Sige po, pasensiya na" sabi ni Regine.

•••
Updated : January 30, 2017

Vote, Comment and Share!

Pasensya na ulit sa magulong update. Anyway,

Continue and Enjoy Reading!

Malapit na po itong matapos, Malapit na nating malaman kung sino ang killer hahaha.

©EckoMillano

KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon