Chapter 16 : Mistress

40 9 1
                                    

Nanlabo muli ang paningin ko at dumilim... Parang nagsuswitch sa ibang dimension... Sa ibang time... Sa ibang lugar...

Nagbago ang paligid... Sa aking palagay, Nandito ako sa burol ni Daddy... May napansin akong isang babae na nakaitim at mukhang kahinahinala... Lumapit siya sa kabaong ni Daddy at binigkas ang mga salitang... "Paalam mahal ko, Wala ka sana diyan ngayon kung hiniwalayan mo na ang asawa mo... Patawarin mo sana ako sa ginawa ko... gusto ko lang naman na maging asawa ka pero mas pinili mo parin ang pamilya  mo." lumapit si Little Angel sa babae.

"Ate s-sino po kayo?" tanong ni Little Angel. "Ako lang naman ang tunay na mahal ng Daddy mo. Hindi na niya mahal ang Mommy mo dahil pangit na siya! Ayaw niya na---" naputol ang sinasabi ng babae ng biglang dumating si Mommy. "Anong ginagawa mo sa anak ko? Teka... Mariel? Walang hiya ka! Ang kapal naman ng mukha mong magpunta pa dito! Siguro ikaw ang pumatay sa kanya 'no? Kasi hindi mo matanggap na ako.. Kami ni Angel ang pinili niya." Galit na sabi ni Mommy.

"Ikaw? Nagpapatawa ka ba? Oo ako ang pumatay sa kanya may magagawa ka pa ba? Hindi Ikaw ang pinili ni Arthur! Hindi ikaw ang mahal niya... Naaawa lang siya kay Angel kaya niya ako iniwan!" Sigaw ni Mariel.

Sumakit ang ulo ko sa aking nakikita at naririnig... Napapikit ako sandali at nang ako'y dumilat ay nagbago na naman ang paligid... Ayon sa nakikita ko ay kasalukuyang nagtatalo sina Lauren at Noel. Nagpaiwan si Lauren sa loob ng silid dahil sa pagkainis kay Noel. Sumunod ako kina Noel at napag-alaman kong magsuswimming sila.

Bago lumusong ay nagtungo muna ako sa kainan dahil kumakalam na ang sikmura ko... Naupo ako sandali at bahagya akong nagulat sa sumunod kong ginawa... sa buong pagkaalala ko ay nakatunganga lamang ako noon pero iba ang sinasabi sa panaginip na ito... Umakyat muli ako sa room namin, Floor 13 Room 666. Nagsuot ako ng cloak at maskara bago pumasok... nakuha ko ito sa isang part dito sa hotel dahil inaalala nila marahil ang pagkamatay ng aking ama 23 years ago at ganito ang suot ng Killer.

Pumasok ako sa room at isinagawa ko ang pagpatay kay Lauren... Ng matapos ay nagbihis ako sa kwarto at itinago sa bag ang costume na aking ginamit. Bumalik ako sa Dining Area at muling naupo kung nasaan ako kanina... Walang bakas ng kahit ano... maya maya pa ay mababakas sa aking mukha ang pagkagulat... Tandang tanda ko pa na kaya ako nagulat ay dahil sa buong akala ko'y nakatulala lamang ako sa mga oras na iyon.

Muling nagbago ang lahat ng muli akong mapapikit...

•••
Updated : February 4, 2017

Vote, Comment and Share!

Continue and Enjoy Reading!

©EckoMillano

KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon