Chapter 1

2.3K 102 29
                                    

"CUT! GOOD take!" narinig kong sigaw ng direktor. At saka lang ako kumilos. Agad kong kinuha ang tuwalya at itinapis ko sa baywang upang matakpan ang hubad kong katawan na tanging puting brief lang ang suot. Mabuti naman at tapos na ang shoot para sa tv commercial ng isang sikat na brand ng underwear. Oo nga at hindi naman ako ipapakita sa tv ng naka-brief lang. Puro anggulo lang ang isasama sa tv ad, pero sa ilalabas na print ad ay babalandra ang halos hubad kong katawan. Sabi nga sa akin dati ni Tito Tonee, abangan ko raw ang billboard ko na ilalagay sa kahabaan ng EDSA. Kapag nagkataon daw ay ako pa ang magiging dahilan ng pagsikip ng daloy ng trapiko dahil hindi na uusad ang mga sasakyan sa katitingin ng mga motorista sa billboard ko. Sa isip ko naman, malabong mangyari. Sanay naman ang mga tao sa mga halos hubo't hubad na mga modelo sa billboard. Pero makulit si Tito Tonee na nagsabi pa ngang mas lalo raw babango ang pangalan ko kapag nailabas na ang commercial na ito.

"Good job, Jade!" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin ang direktor.

"Salamat, direk. May kukunan pa po ba tayo?" tanong ko.

"Wala na. Pack-up na tayo. Maiwan muna kita riyan." At lumakad na itong papalayo.

"Ayan, makakapagbihis na ako," natatawa kong sabi sabay abot ng t-shirt ko at agad na isinuot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ayan, makakapagbihis na ako," natatawa kong sabi sabay abot ng t-shirt ko at agad na isinuot. Kasunod noon ay isinuot ko na rin ang aking pantalon. Nang makapagbihis na ay agad kong kinuha ang dala kong bag at nagpaalam na ako sa mga tao roon para umuwi.

Parang kailan lang noong alukin ako ni Tito Tonee na maging commercial model. Mag-iisang taon na pala ako sa larangang ito. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko noong unang pagkakataong nag-VTR ako. Mahiyain pa ako noon. Ngayon, wala na yatang tatalo sa akin sa pakapalan ng mukha pagdating sa trabaho. Gaya na lang kanina. Brief lang ang suot ko buong oras na nagsho-shoot kami ng commercial pero balewala lang sa akin kahit pagpiyestahan ng mga tao roon ang halos hubad kong katawan. Eh, ano naman? Hanggang tingin lang naman ang magagawa nila. Hindi nila ako makukuha. At mas lalong hindi matitikman. Natawa ako sa huling sinabi ko.

Malaking tulong sa akin ang trabaho kong ito. Naging magaan ang pasok ng pera sa akin. Maliban kasi sa pagiging commercial model ay naiimbitahan na rin ako para kumanta sa mga corporate shows at mga fiesta sa mga probinsiya. Malaking halaga rin ang naiuuwi ko sa pag-a-out of town show ko. Konting kanta at pakilig lang sa audience, sigurado na ang beinte-mil na kita. Okay na okay na 'yun sa ilang oras lang na trabaho. Kung tutuusin nga, mas kumikita ako sa mga show kesa sa pagiging commercial model.

Dahil sa trabahong ito, nakalipat kami ng mga kapatid ko sa mas maayos na tirahan. Si Tito Tonee ang sumagot sa downpayment ng nirerentahan naming apartment ngayon doon pa rin sa Pasay. Hindi ko na pinalipat ng eskuwelahan ang mga kapatid ko. Maayos naman sila sa school nila ngayon. Sa kolehiyo na lang ako babawi. Sisiguruhin kong magandang eskuwelahan ang papasukan nila sa kolehiyo. Sa ngayon ay nag-iipon ako para makabili ng sasakyan. Sa tipo ng trabaho ko, kailangan talagang may sasakyan ako para mas madali kong mapuntahan ang mga commitment ko.

Jade: My One Desire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon