NAPATINGIN AKO kay Todd. Bahagyang kumunot ang noo ko bago ko siya sinagot. "Ano? Mukha ba akong bading?"
"Please answer me..."
"Bakit?" balik tanong ko kay Todd. "Dahil ba ganoon ka rin?" Nakita kong hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Para bang handa siya sa anumang itatanong ko.
"I am bisexual. My last relationship was with a female. I've had three girlfriends before, and one same sex relationship," matapat niyang sabi. Ako ang nagugulat sa mga rebelasyong nalalaman ko. At lubhang humanga ako sa katapatan at katapangan ni Todd. He did not even have second thoughts in telling me his secrets. Or was it even a secret? Baka naman alam na ng buong mundo at ako lang ang hindi nakakaalam. "Now, tell me... are you gay?"
Hindi ko alam kung aamin na ba ako kay Todd o hindi. Mukha namang puwede ko siyang pagkatiwalaan. Kaibigan ko naman siya. Close naman kami. Well, sa pagkakaalam ko close kami.
"I'm waiting," sabi niya ulit.
Pumikit ako ng ilang segundo kasabay ang isang malalim na buntong-hininga at saka ako nagmulat ng mga mata. "Yes, I am. But I am hiding it dahil sa trabaho ko. Baka mawalan ako ng project kapag nalaman ng mga tao. Alam mo naman, may image na kailangang protektahan. Lalo na ngayon may pelikula na ako. Love triangle pa ng isa sa pinakasikat na loveteam ngayon, tapos bakla pala." Ang haba ng paliwanag ko. Parang gusto kong bigyan ng katwiran ang pagtatago ko ng aking lihim na pagkatao.
"You mean to say, ako pa lang ang nakakaalam?" tanong niya.
"Hindi naman. May ilang kabarkada ko na alam kung ano ako. I trust them naman na hindi nila ako ilalaglag."
Tumango-tango siya na parang sumasang-ayon sa sinabi ko. Tapos ay biglang ngumiti.
"Anong ibig sabihin ng ngiting 'yan?" nagtataka kong tanong.
"Wala..." At muli niyang binuksan ang laptop at itinuloy ang kanyang ginagawa.
***KINABUKASAN AY mag-isa lang ako sa bahay. Nasa eskuwelahan na ang dalawa kong kapatid. Nakakatamad pang bumangon kaya nanatili akong nakahiga lang sa kama. Maya-maya ay tumunog ang doorbel. Nagtaka ako. Sino kaya ang dumating? May sarili namang susi ang mga kapatid ko. At saka, mamayang hapon pa ang uwi ng mga iyon.
Natatamad man ay bumangon ako para tingnan kung sino ang dumating.
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang isang pamilyar na itsura.
"Kurt? Anong ginagawa mo rito?" Alam kong kita niya ang pagtataka sa aking mukha. Of all people na iisipin kong pupunta rito, si Kurt pa?
At saka ko napansin na titig na titig sa akin si Kurt. Noon ko lang din naalalang boxers lang ang tangi kong suot. Magulo pa ang aking buhok. Napaka-unglamorous ko pala!
"Pumasok ka nga rito." Hinila ko na ang kamay niya para mapahakbang siya papasok sa loob. "Maupo ka muna riyan. Magbibihis lang ako." Agad akong bumalik sa kuwarto at nagsuot ng shirt at shorts. Nagsuklay na rin ako ng buhok. Pagbalik ko sa salas ay naabutan kong tahimik na nakaupo si Kurt. Titig na titig pa rin ito sa akin habang papalapit ako sa kanya.
"Bakit mo ba ako tinititigan?" asik ko sa kanya. Nakaka-conscious na kasi ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung may mali ba sa mukha ko para tingnan niya nang ganoon katagal.
"I came here for two things," panimula niyang sabi. "First, I want to apologize for what I've done the other night." Saglit siyang huminto, parang naghihintay ng reaksyon ko.
"Okay na iyon. Wala na iyon, kalimutan mo na."
"No, hindi ko puwedeng kalimutan iyon because of the second reason why I'm here..." Tumigil na naman siya sa pagsasalita. Ako naman ay parang tanga na naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
"Bakit nga?" Ewan ko ba kung kaba o kilig ang nararamdaman ko. Bakit hindi ko maipaliwanag? Para akong nae-excite na ewan.
"Because I like you..." tila nahihiyang teenager na sabi nito. Muntik na akong mapatawa nang malakas kung hindi ko lang napigilan ang aking sarili. Anong sabi? He likes me? Abnormal yata itong si Kurt. After ng series of matatalim na tingin sa akin before, then hinalikan lang niya ako noong nakaraang gabi ngayon he likes me na. Akala ba niya paniniwalaan ko siya? Pero napansin ko, guwapo pala ang Kurt na ito. Ngayong nakikita ko siya sa malapitan at hindi siya nakatingin ng matalim sa akin, kumbinsido ako na magandang lalaki ang bugoy na 'to. Iba siya sa itsura ni Todd. Parang boy next door si Todd, pero si Kurt iyong tipong ruggedly handsome. Si Todd, iyong good boy na gusto mong yakapin. Si Kurt naman iyong tila sanggano na gusto mong yumakap sa'yo kasi alam mong maproprotektahan ka niya. Teka, eh bakit ko ba sila pinagkukumpara?
"Anong nakain mo? Ba't parang wala ka yata sa sarili?" tanong ko sa kanya dahil hindi talaga kapani-paniwala ang sinabi niya.
"Hindi ako nawawala sa sarili. Malinaw ang pag-iisip ko." tila naiinis nitong sabi sabay kunot ng noo na naging dahilan para magsalubong ang mga kilay nito. Ba't mas lalo yata itong gumuwapo nang magmukhang galit?
"Eh, bakit mo sasabihing gusto mo ako? Bakla ka ba?" Diniretso ko siya ng tanong. Mabuti nang malinaw ang usapan.
"Hindi..."
"O, eh ba't mo ako gusto?"
Hindi siya agad nakasagot. Tila hinuhukay pa niya sa kailaliman ng isip ang sasabihin. "Hindi ko alam. Basta naramdaman ko na lang. Biglang gusto kong lagi kitang makita."
"Kung hindi ka bakla, so iniisip mo na ako ang bakla. Ganoon?"
"Hindi rin," tila naguguluhan niyang sabi. "Ewan ko, hindi ko ma-explain. Basta ang alam ko, gusto kita."
"Hindi naman pala ako bakla, eh. Anong inaasahan mong isasagot ko sa'yo ngayon?"
"Wala. Hindi naman ako nag-eexpect na magustuhan mo rin. Ipinaalam ko lang sa'yo kasi nahihirapan na akong pigilin ang nararamdaman ko." Bakit parang tinusok ng karayom ang puso ko dahil sa sinabi niya?
"Imposible kasi. Ang hirap paniwalaan. Nagkausap na ba tayo dati ng tayo lang dalawa? Hindi pa naman, 'di ba? Bakit? Kasi pakiramdam ko galit ka sa akin. Kapag nakikita kita, kapag nakakasalubong kita, laging ang talim ng tingin mo sa akin. Akala mo siguro hindi ko napapansin iyon."
"I'm sorry... Sinasadya kong gawin 'yon para hindi mo isipin na tinitingnan kita. Para hindi mo isipin na gusto kita kapag nahuhuli mong nakatingin ako sa'yo," pag-amin niya. "Pinipigilan ko nga kasi dati."
Hindi pa rin ako kumbinsido sa paliwanag niya. "Eh, bakit ka nagdesisyon na ipaalam sa akin ngayon?"
"Dahil natatakot ako na kunin ka niya sa akin."
"Niya?"
"Si Todd, 'yong scriptwriter."
"Huh?"
"Nakita ko kayo sa mall na magkasama. At alam kong pumunta ka sa condo niya. Kahapon, galing ka ulit doon."
"Paanong...?"
"Alam ko... May paraan ako para malaman."
"Sinusundan mo ako? Are you stalking me?"
Hindi siya sumagot bagkus ay humakbang papalapit sa akin at saka nagsalita, "I am beginning to love you, Jade." Hindi ko inasahan na mas lalapit pa siya sa akin sabay bigla ako kinabig para mapadikit ang katawan ko sa kanya. Sa ikalawang pagkakataon ay muli niya akong hinalikan pero bakit pakiramdam ko ay mas passionate ang dampi ng mga labi niya ngayon? Nanginig ang aking mga tuhod sa sensasyong dala ng ginagawa ni Kurt sa akin. Natatangay na ako ng kanyang halik at parang nawawala na ako sa katinuan.
Mas hindi ko inasahan ang ginawa kong pagtugon sa mga halik ni Kurt. Ginantihan ko ng parehong apoy ang init na dala ng kanyang dila at labi. Ang eksenang paulit-ulit na bumalik sa aking isipan noong nakaraang gabi ay muling naging katotohanan at mas matindi pa.
Matagal na naglapat ang aming mga labi. Ang mga dila namin ay tila ba mga batang nakatagpo ng bagong kalaro. At in-enjoy namin ang paglalaro.
Nang sa wakas ay naghiwalay ang aming mga labi, iba na ang tingin ko kay Kurt. Hindi na iyong Kurt na mayabang. Hindi na iyong Kurt na maangas. Hindi na iyong Kurt na sobra kong kinaiinisan.
BINABASA MO ANG
Jade: My One Desire (Completed)
HumorSi Mario Jade Casiano ay isang up-and-coming commercial model. Sa edad na bente ay naiwan sa kanya ang pangangalaga ng kanyang dalawang kapatid matapos na pumanaw ang kanilang ama. Nagtrabaho siya sa isang fast food chain para maitaguyod ang sarili...