Chapter 8

1.4K 87 8
                                    

KAPWA HINDI nakapagsalita sina Kurt at Jade.

"Ano, Kurt? Is it true na gusto mo si Jade?"

"Todd, it is not what you think," protesta ko.

"No, Jade. Let Kurt answer my question," sabi niya na naniningkit ang mata sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Bakit ko kailangang sagutin ang tanong mo? Ano ka ba ni Jade, syota?"

Hindi nakasagot si Todd. Nakipagtitigan lang ito kay Kurt pagkatapos ay nagsabing, "Hindi pa tayo tapos, Kurt."

Nanatili lang akong nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi ko rin alam ang gagawin o sasabihin ko.

"Jade, tayo na." Iba ang dating sa akin ng sinabi ni Todd.

"Ha? Tayo na ba?"

"Ang ibig kong sabihin, umalis na tayo rito." Tumalikod na siya at naglakad papalabas ng banyo.

"Ha? Oo, sige..." Napatingin ako kay Kurt bago ako sumunod kay Todd. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha. Ramdam kong hindi niya gusto ang ginawa kong pagsunod kay Todd.

"Jade..." narinig kong sabi niya.

Muli akong napatingin sa kanya.

"Is it him that you like? Siya ba ang gusto mo, Jade?" Ano 'to? Bakit ba parang gusto ko siyang sugurin at yakapin? Para na siyang maiiyak and I don't want it to happen.

Hindi ko siya sinagot.

"Your silence means yes. I knew it."

"Bilisan mo, Jade." Huminto sa paglalakad si Todd at tinawag ako.

"Oo, andyan na." Napabilis ang paglalakad ko at tuluyan nang naiwan sa loob ng banyo si Kurt. Nakasalubong pa namin ng isang production assistant na papunta rin siguro sa banyo.

HALATA ANG tensyon sa loob ng silid ng gabing iyon. Kaming tatlo pa naman ang magkakasama sa kuwarto. Hindi nagpapansinan sina Kurt at Todd. Hindi ko rin alam kung sino naman ang kakausapin ko. Sa huli ay nagpasya akong pareho na lang dedmahin silang dalawa.

Si Kurt ang bumasag ng katahimikan. "Puwede ba kitang makausap sa labas, Jade?"

"Matulog na kayo, gabi na," si Todd ang sumagot. "Maaga pa ang shooting bukas. Baka mapagalitan kayo ni direk kapag nakita kayong pakalat-kalat diyan sa labas."

"Bakit ka ba kasi nakikialam? Matulog ka na kung gusto mo," asik sa kanya ni Kurt.

"Gabi na, Kurt. Bukas na lang tayo mag-usap. Inaantok na ako." Nakita kong pumunta si Kurt sa kama niya at humiga na lang. Si Todd naman na kanina pa nakahiga ay nagtalukbong ng kumot. Tumayo ako at pinatay ang ilaw para makatulog na rin ako. Bahala na bukas kung ano man ang mangyayari sa aming tatlo.

KINABUKASAN AY dumalaw sa set si Tito Tonee pero hindi rin naman ito nagtagal. Kinumusta lang kaming dalawa ni Kurt. Siyempre hindi namin sinabi na may konting gusot sa pagitan naming dalawa at pati na rin si Todd. Ayokong bigyan pa ng alalahanin si Tito Tonee. Anyway, pareho naman kaming tinuruan na maging professional kaya alam kong matatapos namin ang shooting nang hindi naaapektuhan ng personal naming nararamdaman.

MABILIS NA natapos ang isang buong linggo ng shooting sa parteng iyon ng Batangas. Hinatid ako ni Todd sa bahay. Hindi siya pumayag na si Kurt ang maghahatid sa akin kahit na nag-alok itong sa kanya na lang ako sumabay. Iginiit ni Todd na siya ang kasama ko sa pagpunta roon kaya nararapat lang na kami rin ang magkasama pabalik ng Maynila. Hindi na iginiit ni Kurt ang kanyang gusto. Mag-isa siyang bumiyahe pabalik ng lungsod.

Pagod ako sa biyahe nang makauwi bandang alas nueve mg gabi. Tulog na ang mga kapatid ko kaya hindi ko na sila inabalang gisingin. Nag-shower lang ako at agad na humiga rin para makatulog na. Hindi ko na namalayan ang oras. Nagising na lang ako sa malakas na tunog ng aking cellfone na nasa mesita sa bandang kanan ng aking kama.

Jade: My One Desire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon