"JADE!"
Napalingon ako sa pinagmulan ng tinig at nakita ko si Todd na malawak ang pagkakangiti habang papalapit sa akin.
"Kanina ka pa ba?" tanong niya sa akin. "Pasensya na, na-late ako," he seems very apologetic. Pinagdikit pa niya ang kanyang dalawang palad na parang humihingi na tawad sa isang pagkakasala. Ang cute niyang tingnan. Grabe, sobrang cute!
"Uy, wala iyon. Kararating ko lang din naman. Nauna lang ako ng few minutes sa'yo kasi nag-park ka pa ng kotse." Cute siya talaga, promise! "Pasok na tayo sa loob? Tamang-tama, kabubukas pa lang ng mall. Kokonti pa ang tao."
"Sige," sang-ayon naman niya. At nagulat pa ako nang bigla niyang hawakan ang isang kamay ko ay hilahin ako papasok sa loob ng mall. Hindi na ako nakatanggi. Nahihiya naman akong tanggalin ang kamay niya.
Hanggang makapasok kami ng mall ay hawak ni Todd ang kamay ko. Para akong maliit na batang akay-akay ng kanyang kuya.
Napansin ko ang ilang kabataang babae na nakatingin sa amin na parang nagulat pagkakita sa amin. Mabuti na lang at malapit na kami sa grocery at binitiwan na niya ang kamay ko dahil dumiretso siya sa kinalalagyan ng mga push cart.
Marami agad pinagdadampot si Todd at inilagay sa push cart. Hindi nakaligtas sa mata ko nang kumuha siya ng ilang piraso ng beer. "May gusto ka bang bilhin?" tanong niya sa akin habang naglalakad at itinutulak ang cart.
"Wala naman. Ikaw, baka may gusto ka pang bilhin," natatawa kong sabi dahil sa ilang minuto lang naming pag-iikot ay halos puno na ang push cart. "Kulang pa ba 'yan?" inginuso ko ang push cart.
Natawa siya. "Hindi, sakto na 'to. Halika, pumila na tayo."
Wala pang masyadong nakapila sa counter. Habang nakapila ay nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na imahe.
Si Kurt.
Anong ginagawa ng Kurt na 'yon dito? Sabagay, alas onse na. Pero...
Nagulat ako nang napansin kong tumingin siya sa kinaroroonan ko at nagtama ang aming mga mata. At katulad ng dati ay muli kong nakita ang pamilyar na talim ng kanyang mata habang nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya o gagantihan ng matalim ding tingin. Mabuti na lang at agad siyang nagbawi ng tingin at tumalikod sa akin.
Napansin yata ni Todd na naging uneasy ako. Tumingin din ito sa gawi kung saan ako nakatingin. "Bakit? Sinong nakita mo?"
"W-wala..." Hindi ko na lang sinabing si Kurt. Hindi ko rin naman sigurado kung kilala niya ito.
"Si Kurt ba?" Muntik nang manlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Kilala mo si Kurt?"
"Pareho kayo ng manager, 'di ba? Hindi ko pa siya nakikilala personally, pero alam ko ang pangalan niya kasi nakita ko na dati ang portfolio niya sa dati kong project. Tinanong kasi ako mismo nung client kung sino ang gusto ko to do the ad. Pinakita niya sa akin ang files ng candidates kaya ayun, nakita ko ang profile ni Kurt," mahabang paliwanag niya.
"Did he get the role?" curious kong tanong.
Umiling si Todd. "No. I prefer kasi 'yung maaliwalas ang mukha. Iyong mukhang maamo."
Natawa ako. "Bakit, ano ba ang mukha ni Kurt?"
"Mukha siyang laging seryoso, eh. Parang masungit," nasa tono niya ang sinseridad na hindi naman nanlilibak.
Sapul! Iyon din ang impression ko kay Kurt. Lagi ngang parang gusto niya akong patayin sa tingin pa lang.
Pagkatapos magbayad ay agad kaming naglakad papalabas sa mall para pumunta sa parking area malapit sa entrance. Habang naglalakad ay may tumawag sa akin.
BINABASA MO ANG
Jade: My One Desire (Completed)
HumorSi Mario Jade Casiano ay isang up-and-coming commercial model. Sa edad na bente ay naiwan sa kanya ang pangangalaga ng kanyang dalawang kapatid matapos na pumanaw ang kanilang ama. Nagtrabaho siya sa isang fast food chain para maitaguyod ang sarili...