MAPANGAHAS ANG halik ni Kurt at ilang segundo ring hindi ako nakakilos at parang nawala sa katinuan. Bakit ganito? Parang gusto kong gumanti sa mga halik niya. Pero nanaig sa akin ang tamang pag-iisip at nang sa wakas ay bumalik ang aking kamalayan ay mariin ko siyang itinulak.
"What are you doing?!" Nagpalinga-linga ako para masigurong walang tao sa paligid na posibleng nakakita sa ginawa ni Kurt. Salamat na lang at kami lang talaga ang tao roon, idagdag pang may kadiliman sa lugar.
Parang biglang natauhan din si Kurt. "I'm sorry..." Iyon lang ang tangi niyang nasabi.
Gusto ko siyang suntukin ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Baka magkagulo pa. Iskandalong malaki. "Umuwi ka na nga. At huwag na huwag mong maikukuwento kahit kanino iyong ginawa mo kung ayaw mong pareho tayong maiskandalo at mawalan ng trabaho." Mabilis akong tumalikod at iniwan ko si Kurt na nakatayo lang doon sa kalye.
Agad kong narating ang apartment. Tulog na ang mga kapatid ko pagpasok ko ng bahay. Hinubad ko ang suot kong damit at pumasok sa banyo para mag-shower. Habang nagsasabon ako ng mukha ay biglang lumitaw sa isip ko si Kurt at ang eksenang nangyari kanina.
Buwisit na Kurt iyon. Bakit niya ako hinalikan? Bakla ba iyon? At muli ay paulit-ulit na nag-replay sa isip ko ang ginawa ng lalaking iyon. Naiinis ako. Parang hanggang ngayon ay nakadikit pa rin ang labi niya sa labi ko. At bakit parang gusto ko ulit matikman ang halik niya? Parang hinahanap ko ang halik niya.
Hinahanap?
Hala! Hindi puwede. Hindi puwedeng magkagusto ako sa Kurt na iyon! Malaking gulo. Malaking iskandalo!
Nang matapos akong mag-shower ay nagsuot ako ng pambahay na damit at naupo sa gilid ng kama. Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit hindi ko makalimutan si Kurt at ang ginawa niya sa akin kanina sa daan?
Nakakahiya! Mabuti na lang talaga at walang tao roon.
Gustong sumigaw ng isip ko. Hindi talaga siya mawala sa utak ko. Hindi puwedeng buong magdamag kong isipin ang Kurt na iyon.
***
TANGHALI NA nang magising ako kinabukasan. Kasi ba naman, alas kuwatro na yata ako nakatulog. Magdamag akong nag-isip ng kung anu-ano. Oo, sige na magdamag kong inisip si Kurt. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit niya ako hinalikan. Wala akong natatandaang pangyayari na naging sweet ako sa kanya. Never ngang nangyari na nag-usap kami ng lalaking iyon. Kaya bakit bigla na lang ganoon ang naging akto niya. Is he up to something? Baka naghihinala siya na bakla ako at gusto niya akong hulihin kaya niya ako hinalikan. Mabuti pala at hindi ako nag-react positively sa halik niya kahit muntik na akong mawala sa aking sarili habang hinahalikan niya ako. Malas lang niya. Kung inaakala niyang ganoon ako kadaling mabuking, nagkakamali siya.Tumunog ang aking celfone. Pagtingin ko ay may siyam na miss calls at pitong text messages. Lahat galing kay Todd. Isa-isa kong binasa ang mga mensahe.
Hi! Good morning. :-)
Are you awake?
BINABASA MO ANG
Jade: My One Desire (Completed)
HumorSi Mario Jade Casiano ay isang up-and-coming commercial model. Sa edad na bente ay naiwan sa kanya ang pangangalaga ng kanyang dalawang kapatid matapos na pumanaw ang kanilang ama. Nagtrabaho siya sa isang fast food chain para maitaguyod ang sarili...