Chapter 11

2K 105 61
                                    

"OPO, LOLA." sambit ng batang si Nitoy. Tumingin sa amin ni Todd ang bata. "Halina po kayo. Lakarin na lang po natin. Malapit lang naman po."

Napatango na lang ako.

"Pupuntahan po muna namin si Kurt," paalam ni Todd sa matandang babae.

"Sige, mag-iingat kayo sa daan."

Mabilis na tumakbo si Nitoy. "Sundan n'yo po ako," sigaw nito habang patuloy sa pagtakbo. Napabilis tuloy ang paghakbang namin ni Todd.

"Nitoy, dahan-dahan lang sa pagtakbo baka ka madapa," sigaw ni Todd sa bata.

Huminto si Nitoy sa pagtakbo at nakangiting lumingon sa aming dalawa. "Hindi po. Mabilis po talaga akong tumakbo at hindi ako lampa." Muling tumakbo ito patungo sa kung saan namin matatagpuan si Kurt.

"Paano mo nalamang nandito si Kurt?" sita ko kay Todd.

"Naalala mo noong unang araw ng shooting natin dito sa Batangas? Doon lang iyon sa kabilang bayan. Naikuwento ni Kurt na sa kasunod na bayan lang nakatira ang lolo niya sa father side, 'di ba? Kaya hinanap ko rito sa Cuenca ang lolo niya, para baka sakaling alam ng grandparents niya kung saan ko siya puwedeng matagpuan. Apparently, dito pala siya pumunta kaya hindi na ako nahirapang maghanap," mahabang paliwanag ni Todd.

"At bakit mo naman siya gustong hanapin?"

"Para sa'yo. Para hindi na kita nakikitang malungkot," medyo pumiyok ang boses niya. "Sayang lang kasi na binasted mo ako para kay Kurt tapos hindi mo naman siya makikita. Kaya sabi ko sa sarili ko, hahanapin ko siya para sa'yo. Para maging happy ending ang istorya nating tatlo."

"Ginawa mo iyon?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Nandito na tayo, 'di ba? So, dapat maniwala ka na."

"Bilisan n'yo po! Ang bagal n'yo namang maglakad!" reklamo sa amin ni Nitoy. Medyo malayo na ang layo niya sa amin pero ang lakas ng boses niya ay sapat para marinig namin ang kanyang sigaw.

Binilisan namin ni Todd ang paglalakad hanggang sa maabutan namin ang bata.

Muli itong tumakbo. "Malapit na po tayo. Bilisan n'yo po. Ayun na po si Papa Kurt!" Mula sa kinaroroonan namin ay tanaw na ang isang lalaking nasa ilalim ng puno ng mangga. Wala itong suot na pang-itaas. Ripped maong naman ang suot nitong pang-ibaba.

"Papa! May naghahanap po sa'yo!" Tuloy-tuloy lang sa pagtakbo si Nitoy hanggang sa marating nito ang kinaroroonan ni Kurt.
"Ayan po sila." Nakita kong itinuro kami ni Nitoy kay Kurt. Tapos ay nagtatakbo na ito papalayo para siguro maglaro.

Nang ilang metro na lang ang layo namin kay Kurt ay sinalubong niya kami. Napansin ko ang maganda niyang katawan na nangingintab dahil sa pawis. Hindi ko inaasahan na babagay sa kanya ang punit-punit na maong na mas lalong nagpa-macho sa kanyang porma. Ngingitian ko sana siya pero muli ay nakita ko ang pamilyar na talim ng kanyang tingin sa akin. Iyong tingin na madalas kong makita sa kanya noong hindi pa kami nagkakapalagayan ng loob.

Galit ba siya sa akin?

Bahagya akong napaatras.

"Anong ginagawa mo rito?" dumadagundong ang boses niya.

Hindi ko alam kung paano sasagot.

Si Todd ang pinagbalingan niya. "Bakit mo isinama ito rito?"

"Nagmamakaawa sa akin na dalhin ko raw siya sa'yo, eh. May magagawa pa ba ako?" sagot ni Todd.

"Huh?" Sinungaling ang Todd na ito, ah! "Anong nagmamakaawa? Malay ko ba kung saan mo ako dadalhin? Sabi mo lang maglalakwatsa tayo. Hindi ko naman alam na rito tayo pupunta," depensa ko.

Jade: My One Desire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon