Chapter 7

1.5K 88 3
                                    

"UMALIS KA na, Kurt," mahinahon kong sabi. Ayokong makita niya ang totoo kong nararamdaman. Ayokong umasa siya sa isang bagay na hindi naman sigurado. Hindi ibig sabihin na umokey na ang tingin ko sa kanya ay magiging kami na. Malabo iyon.

"Paano tayo?" tanong niya. Halata sa mukha niyang naguguluhan siya.

"Kurt, walang tayo. Huwag kang hibang." paalala ko sa kanya. Hindi ibig sabihin na naghalikan kami ay magiging kami na. Halik lang iyon. Kapag naligo ako, wala na.

"Anong wala? Jade, gumanti ka sa halik ko. Tinapatan mo ang bawat galaw ng dila ko. Tapos sasabihin mong walang tayo?"

"Natural reaction iyon ng isang tao," palusot ko.

"Ang natural na reaksyon ng isang tao, iiwas siya kung hindi niya gusto. Pero ikaw, hindi ka nagpakita kahit konting pagtutol. Nagustuhan mo ang ginawa ko."

"Kapag nagustuhan, ibig bang sabihin gusto kita? Hindi ba puwedeng natangay lang? Nadarang?" Hindi ako nagpatalo sa pakikipag-argumento. Kung may bala siya, meron din ako.

"It's not just an assumption. I felt it. Naramdaman ko na gusto mo rin ako," Kurt insisted.

Umiling-iling ako.

"Please don't make it hard for me, Jade. Just tell me the feeling is the same." Nakita ko ang tila nagmamakaawang titig ni Kurt. Pero buo ang desisyon ko na hindi puwedeng maging kami. How can that happen when it is Todd that I'm waiting to propose. Si Todd ang gusto ko. Si Todd ang hinihintay kong magsabi sa akin na gusto niya ako. Kung aamin din lang ako tungkol sa pagkatao ko, iyon ay para makasama ko si Todd. Hindi si Kurt.

"I'm sorry, Kurt. You misunderstood my actions," sabi ko. "It is not what you think it was. It was nothing, really."

Nanlumo si Kurt sa sinabi ko. Kitang-kita ko ang biglang pamumula ng kanyang mukha. Ang mga mata niya ay tila maiiyak na yata. Gusto ko man siyang aluin ay hindi ko puwedeng gawin. I need to be firm with my words.

Maya-maya ay nagsalita siya, "I need to go. Thanks for your time."

Marahan akong tumango.

"I am not giving up," bigla ay sinabi niya. "I'll just give you time to think about it."

Bilib din naman ako sa lalaking ito. Ang lakas ng fighting spirit. "Ikaw ang bahala. Basta, sinabi ko na sa'yo iyong sagot ko."

Nang lumabas ng bahay si Kurt ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Pero nang mawala na siya sa aking paningin ay saka naman parang nakaramdam ako ng kalungkutan.

Bakit ganito? Ano bang nangyayari? Don't tell me na nami-miss ko si Kurt!

At muli ay nagbalik sa isip ko ang nangyari kanina. Para itong pelikula na paulit-ulit na nag-replay sa utak ko. Bakit iba ang pakiramdam ko? Gusto kong maulit muli ang ginawa sa akin ni Kurt.

Impossible!

This is not happening to me.

This is not happening to me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Jade: My One Desire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon