KABANATA 1: ANG MAGKAKAIBIGAN
"Ah! Aray! Sakit! Ah!"
"Tumigil ka nga! Ang arte mo naman!" suway ni Fritz kay Ozi matapos itong mag-inarteng masakit ang paa. Alam ng dalaga na nag-iinarte lang itong si Ozi dahil pagod na ito sa paglalakad at upang makatsansing sa kaibigan nilang si Asi.
Katatapos lang nilang akyatin ang Mt. Magdiwata-ang naturang bundok ay matatagpuan sa San Francisco, Agusan del Sur, Mindanao at isa ito sa mga ipinagmamalaki ng mga Agusanon.
Pababa na ang apat na magbabarkadang si Asi, Fritz, Ozi, at Yec mula sa tuktok ng bundok nang masapid bigla ang binatang si Ozi mula sa ugat ng isang puno dahilan upang mamudmod siya sa lupa.
Dahil sa pangyayaring iyon ay agad na bumuo ng isang ideya si Ozi sa kanyang utak para makatsansing siya kay Asi na kanyang long-time-crush.
"Alalayan mo ako, Asi," anito sabay pikit-pikit pa sa kanyang mata na animo'y parang masakit talaga ito kahit na ang totoo ay hindi naman. Hinilot pa nito ang kanyang paa para magmukhang makatotohanan.
"Si-" sasagot na sana si Asi nang biglang magsalita si Yec.
"Ako na lang, bro," suhestiyon naman nito dahilan upang mapatalikod si Ozi at mapasimangot.
"Bakit ba kontra-bida lagi 'tong asungot na 'to?" tanong nito sa sarili. Sa isip niya ay binubugbog na niya ang binata pero hindi niya ito pwedeng gawin sa reyalidad dahil nariyan si Asi.
"Ako na lang ang magdadala ng mga gamit mo," ani Fritz kay Yec sabay kuha ng bag nito sa likod nito. "Alalayan mo na si Ozi, Yec, bilis," dagdag pa nito sabay tingin kay Ozi at dinilaan pa niya ito sabay ngiting pilya.
Agad namang kumunot ang noo ng binata at pinandilatan nito ang kapatid. Halatang gigil na gigil ito na saktan si Fritz dahil sa ginawa nitong pang-aasar sa kanya.
Fraternal twins si Ozi at Fritz-ibig sabihin ay magkakambal sila pero magkaiba sila ng kasarian at mukha. Magkaiba sila ng hilig at magkaiba sila ng gustong gawin sa buhay pero may pinagkakasunduan din naman sila, dahil nga sa kambal sila, mahilig silang kumain at manood ng mga Korean Drama Series.
Oo, mahilig si Ozi sa K-Dramas at bihira lang ito sa mga lalaki.
Ang panonood ng K-Dramas ay isa sa mga bagay na ginagawang bonding nilang magkakambal. Hater nga noon si Ozi sa K-Dramas at sa lahat ng mga bagay na may kinalaman sa Korea o Koreans ngunit nang mapanood niya ang W Two Worlds-isang K-drama series ay nagbago ang kanyang paniniwala tungkol sa Korea at Koreans.
Ang W Two Worlds ay tungkol dalawang tao na nabubuhay sa parehong oras pero naninirahan sa magkaibang mundo.
Ayon sa kanya, sobrang kakaiba raw ng plot ng W at hindi raw ito pangkaraniwan. Doon na nagsimula ang pagkahumaling nito sa K-Dramas.
Dahil nga kambal sila, alam ni Fritz ang lahat ng sikreto ng kanyang kapatid, pati na rin sa sikreto nitong may pagtingin ito sa kaibigan nilang si Asi.
BINABASA MO ANG
Doon sa Baryo Kilabot
HorrorNote: This story is my winning entry for Back to Back Writing Contest by @RepublikangManunulat #FirstPlace Apat na magkakaibigan na mahilig sa paglalakbay-kagaya ng pag-akyat sa matataas na bundok, pagpunta sa iba't ibang lugar, pagdayo sa mga bary...