KABANATA 2: ANG PAGBUBUNYAG NG SIKRETO
Matapos ang nakapapagod na pag-akyat sa Mt. Magdiwata ay napagpasyahan ng magkakaibigan na umuwi muna sila sa Davao City, naroon kasi ang hotel kung saan sila nag-check in at ilang oras lang ang biyahe mula Agusan papunta roon. Papalubog na rin ang araw at mukhang malapit nang kumagat ang dilim.
Dalawang oras na silang nagbibiyahe nang may napansin ang dalagang si Asi, hindi kumikibo ang katabi niyang si Ozi, nakakapanibago dahil nakilala niya itong madaldal subalit kani-kanina lang pagkatapos nitong makipag-usap sa kakambal nitong si Fritz ay biglang hindi ito na ito umiimik.
Umubo si Asi upang kunin ang atensyon ni Ozi ngunit hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at nanatili itong nakatitig sa labas na wari bang nakatingin ito sa kawalan.
"Hindi ba siya nahihilo?" tanong ni Asi sa kanyang sarili. Kung siya kasi ang titingin sa labas nang mahigit sa dalawang oras ay baka naisuka na niya lahat ng kinain niya.
Imbes na si Ozi ang gusto niyang pumansin sa kanya ay si Fritz naman itong tumingin sa kanya.
Nakaupo ito sa driver's seat kung saan katabi nito si Yec.
Nagsenyasan ang dalawa na para bang hindi makapagsalita. Halatang ayaw nitong iparinig kay Ozi ang pinag-uusapan nila.
Medyo loading si Asi at hindi niya maintindihan si Fritz dahil medyo maalog dahil lubak-lubak na daanan ang kanilang dinadaanan ngayon kaya lumapit siya sa kaibigan para tanungin kung ano ba ang mayro'n, kung bakit tahimik si Ozi.
"Ano bang nangyari kay Ozi, bakit ang tahimik niya yata ngayon?" Halos hindi na marinig ni Fritz ang tanong ni Asi, gayunpaman, naintindihan niya naman ito.
"Ewan ko ba riyan, baka may tampo siguro sa akin," sagot ni Fritz pero sa pagkakataong ito ay hindi niya ibinulong ang kanyang sinabi, sinadya niya iyon para marinig mismo ni Ozi.
"Bakit naman siya magtatampo?" tanong muli ni Asi subalit pabulong pa rin. Napakunot ang noo niya at palihim na tiningnan si Ozi na ngayo'y nasa labas pa rin ng sasakyan ang atensyon.
Palihim na napangiti si Fritz. "Ewan ko. Mayro'n kasi siyang crush at nagpapatulong siya sa akin para mapaglapit ko sila pero hindi ako pumayag," pagsisinungaling nito habang pinariringgan pa rin ang kapatid.
Muling sumilay ang ngiti sa labi ni Fritz na wari bang nasisiyahan siya habang pinaglalaruan ang kapatid. Alam niyang naiinis na ang kapatid niya sa kanya.
Nang marinig ni Ozi ang sinabi ng kapatid ay agad siyang napalingon dito at nagsalita, "Tumahimik ka nga Fritz, kung ayaw mong sabihin ko kay Yec na may gusto ka sa kanya matagal na panahon na hanggang ngayon!" sigaw ni Ozi dahilan upang hindi makakibo si Fritz at balutin ng katahimikan ang paligid. Ilang ulit na napalunok si Fritz at naramdaman na niya lang bigla ang malalagkit na pawis na bigla na lang naglalabasan sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.
"Totoo ba 'yon, Fritz?" pagbasag ni Yec sa katahimikan ngunit ni hindi man lang makatingin si Fritz dito. Napapikit ang dalaga.
Hiyang-hiya si Fritz dahil sa sinabi ni Ozi at ngayon ay tinatanong na siya ni Yec tungkol sa ibinunyag ng kanyang kapatid.
Nanatiling nakatingin nang masama si Fritz sa kapatid niya na ngayo'y malapad ang ngiti na para bang nang-aasar.
"Oops. Sorry—" hihirit pa sana si Ozi nang magsalita si Fritz.
"Bago ko sagutin 'yang tanong mo Yec, may sasabihin muna ako," matapang na usal ni Fritz habang nanggigil na nakatingin sa kapatid.
Hindi na napansin ni Fritz na ikinukuyom na pala niya ang kanyang kamao.
Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan si Ozi dahil sa inasal ng kapatid, nararamdaman niyang sa oras na ito ay mabubunyag ang kanyang pinakatagu-tagong sikreto.
"Asi..." nanlaki ang mata ni Ozi at gayundin si Asi habang nakatutok kay Fritz at hinihintay ang susunod na sasabihin nito. "Alam mo bang crush na crush na crush ka ng kapatid ko?" turan nito at natahimik ang dalawa habang seryosong nakatingin sa kanya.
Namula bigla si Asi ngunit pilit niya itong ikinukubli.
"Huwag ka munang kiligin dahil may sikreto pa akong ibubunyag..." natahimik muli ang buong paligid at hinihintay ang salitang lalabas sa labi ni Fritz, "Nanonood ng K-Drama Series si Ozi! Nakaka-turn off, 'di ba?"
"W-what?" hindi makapaniwalang tanong ni Asi at saka tiningnan si Ozi na ang mukha ay puno ng kahihiyan. "Really? Talaga? As in?" sunud-sunod na tanong ni Asi kay Ozi na para bang namamangha. Nanlaki ang mga mata nito at hinawakan ang braso ng lalaki at tiningnan ito sa mga mata. "Oh My God! Hindi ako makapaniwalang may lalaki palang nanonood ng K-Dramas! Amazing! Napaka-unique mo and that's make you special."
Napakunot ang noo ni Ozi. "H-hindi ka na-turn off?" hindi makapaniwalang tanong ni Ozi dahil kung pagbabasehan ang mukha ngayon ni Asi ay talagang manghang-mangha ito sa kanyang nalaman.
Inaalog-alog pa nito ang balikat ni Ozi na para bang ito na ang pinakamasayang nangyari sa kanyang buhay.
"Bakit naman ako matu-turn off, 'no? Matagal kaya akong naghahanap ng lalaking mahilig sa K-Dramas, 'yan kasi 'yong dreamboy ko," saad nito habang magkahawak ang dalawang kamay at nakatingin sa kawalan sabay pikit pa ng mga mata.
Dahil sa sinabi ni Asi ay agad na sumilay ang napakalapad na ngiti sa mukha ni Ozi. Tiningnan niya ang kanyang kapatid na nakatulala habang pinanonood sila ni Asi at saka niya ito kinindatan, napatalikod naman si Fritz dahil alam niyang talo siya.
Tiningnan ni Ozi ang kapatid sa repleksyon ng salamin sa harap ng sasakyan at kitang-kita niya ang galit at inis na may halong takot at kaba sa mukha nito.
BINABASA MO ANG
Doon sa Baryo Kilabot
HorrorNote: This story is my winning entry for Back to Back Writing Contest by @RepublikangManunulat #FirstPlace Apat na magkakaibigan na mahilig sa paglalakbay-kagaya ng pag-akyat sa matataas na bundok, pagpunta sa iba't ibang lugar, pagdayo sa mga bary...