KABANATA 10

885 27 1
                                    

KABANATA 10: ANG PAGWAWAKAS NA 'DI MALILIMUTAN





Hindi malilimutan ng magkakaibigan ang kanilang naging karanasan sa Baryo Kilabot, kahit na hindi ito masyadong kagandahan ay mananatili itong nakatanim sa kanilang mga puso.

Sa mahigit dalawang araw na pananatili nila sa loob ng baryo ay marami silang napulot na aral tungkol sa buhay-buhay.

Hindi nga talaga nakabubuti sa atin ang ating pagkainggit sa ating kapwa. Nakadudulot ito ng masama sa mga taong nakapaligid sa atin, may kapangyarihan din itong sirain at gawing masalimuot ang ating buhay.

Ang nangyari sa loob ng baryo ay maituturing na isang Epic Christmas dahil sa tanang buhay nila, ang paskong kanilang nasaksihan ngayong taon ang pinakakakaiba sa lahat—nagpakaba, nagpaiyak at nagpatatag sa kanila.

"Merry Christmas, 'Ma! 'Pa! Miss na miss na namin kayo ni kambal!" bungad na sigaw ni Ozi matapos nilang matawagan ang kanilang mga magulang. Sa wakas ay sumagot na rin ang mga ito matapos ang mahigit na sampung beses na pagtawag nila.

"Kailan ba kayo uuwi dito sa Maynila?" tanong nito sa kanila, "Parang nasisiyahan na yata kayo diyan sa probinsya," saad ng kanilang Mama sa kabilang linya na tila ba nalulungkot.

"Huwag po kayong mag-alala, 'Ma, pauwi na po kami," sagot naman ni Fritz.

"Ano bang sinasakyan n'yo at parang ang bagal naman, sabik na akong makita kayo ulit, mga anak ko," ramdam na ramdam ang pangungulila sa boses ng kanilang ina.

"Nasa bus po kami ngayon, 'Ma, at papunta na po kami ngayon sa aiport ng Davao City, nasira po kasi ang sasakyan ni Yec, kaunting hintay pa po," sagot ni Fritz

"Bakit ba kasi hindi kayo nakauwi? Kami lang tuloy ng Papa n'yo ang nag-celebrate ng pasko," turan ng kanilang Mama.

"Mahabang kwento—" hindi na natuloy ni Fritz ang kanyang sinasabi dahil sumabat si Ozi.

"'Ma, 'wag po kayong feeling, hindi lang po kayo ang nag-celebrate ng pasko, marami po kayo," pilosopong sabat ni Ozi.

Pinandilatan naman kaagad siya ni Fritz.

"Nagbibiro lang po si, Ozi, 'Ma, ang totoo ay miss na miss ka na nito, idinadaan lang sa biro."

"Hindi kaya!" pagtanggi ni Ozi na para bang pinasinungalingan siya. "Joke lang po, oo 'Ma, miss na miss na po namin kayo ni Papa," pagbawi naman ni Ozi.

"Nasaan po si, Papa, 'Ma?" tanong ni Asi.

"Naggo-golf, kasama ang mga kumpare niya," sagot naman nito. "O siya mga anak, magkita na lang tayo mamaya pagkarating n'yo dito sa bahay, magsha-shopping lang ako, I love you!" malambing na turan ng kanilang ina at may narinig pa silang isang tunog ng paghalik.

"I love you din po, 'Ma, from the moon and back!" pamamaalam ni Fritz bago ibaba ang cell phone. "Huwag n'yo po palang bilhin ang Mall of Asia," pagbibiro pa nito sabay tawa.

"I love you, 'Ma! From the buttom of my hypothalamus!" pahabol naman ni Ozi at tuluyan nang naputol ang linya sa kabila.

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa atin, parang panaginip lang," turan ni Asi.

"Oo nga e, hindi rin ako makapaniwala," sagot naman ni Fritz.

Magkatabi sila Asi at Yec habang magkatabi naman si Ozi at Fritz, nagpalit kasi sila ng pwesto kanina dahil kinausap nila Ozi ang kanilang magulang.

"Yec, palit na tayo," turan ni Ozi kay Yec at agad silang nagpalit ng pwesto. Magkatabi na si Ozi at Asi, at si Fritz at Yec.

"Fritz..." tawag ni Yec kay Fritz. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, 'yong tungkol sa pagkakagusto mo sa akin, totoo ba 'yon?" medyo nahihiyang tanong ni Yec.

"H-ha?" hindi alam ni Fritz ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya'y namumula na ang kanyang mga pisngi. Nagsimula na ring tumibok nang mabilis ang kanyang puso, tila kinabahan siya bigla.

"Ganito na lang, tatanungin kita ulit, may gusto ka ba sa akin?" tanong ulit ni Yec ngunit hindi pa rin makasagot si Fritz, parang binusalan ang bibig nito.

Natahimik ang dalawa.

"Kasi ako... gusto kita," pagtatapat ni Yec sa kanyang nararamdaman at hinawakan ang mukha ni Fritz.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ni Fritz.

Huminga muna siya nang malalim bago siya sumagot.

"Oo, totoo 'yon, Yec, gusto kita," sagot ni Fritz.

Pagkasagot ni Fritz ay agad siyang niyakap ni Yec nang mahigpit.

"Nagyakapan na sila at nagkaaminan na, ikaw? Kailan ka pa kaya aamin na may gusto ka sa akin?" nagtatampong tanong ni Ozi kay Asi.

"Ha? Hindi mo pa ba nahahata? Gusto rin kita, Ozi," agad namang sagot ni Asi.

"Actually, alam ko na naman 'yon e, noon pa kaso—" natigilan sa pagsasalita si Ozi nang bigla siyang halikan ni Asi.

Tiningnan niya ito at sumilay ang pilyang ngiti ng dalaga.

Agad namang hinawakan ni Ozi ang mukha ni Asi at ginantihan niya ito ng halik.

"Ubo! Ubo! Ubo!" natigilan sa paghahalikan ang dalawa nang biglang may bumara sa kanila. "Bus 'to oy, hindi 'to hotel," saway sa kanila ng isang magandang babae na mukhang bitter sabay irap nito.

Nagkatitigan sila Ozi at Asi, napatawa na lang sila dahil sa inasal ng babae. Sa halip na pansinin ito ay nagpatuloy sila sa kanilang ginagawa.

WAKAS!

Doon sa Baryo KilabotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon